Dedicated to xean22
Xander's Third POV
Three Days Later..
"Magpahinga naman tayo!" Angal niya. Puro paglalakbay na lang ang ginawa nila. Pinahinto niya si Briyana.
Pinahinto din ni Arfiona si Argurus. "Kailangan na nating makarating ng Tartamus."
Bumaba siya sa diablong hayop. Gutom na siya at kanina pa kumakalam ang simura niya. Tatlong araw na silang naglalakbay ni Arfiona at hanggang ngayon ay hindi pa nila nararating ang Tartamus. Gusto na niyang umangal sa tagal ng paglalakbay.
Bumaba si Arfiona kay Argurus at pagkatapos ay iginala ang paningin sa paligid. Nasa kagubatan sila. "Hindi magandang abutan tayo ng dilim sa kagubatang ito. Mapanganib."
"Bakit? Anong kagubatan ba ito? Mukha namang ligtas tayo dito."
Tinitigan siya nito ng husto. "Huwag kang palilinlang sa panglabas na anyo. Marami ng nasawi sa kagubatang ito. Nasa kagubatan tayo na sakop ng Tartamus. Naninirahan dito ang mensahero ng kamatayan."
"Ano yon?"
"Isang makapangyarihang diablo na kinatatakutan naming mga diablo. Sa gabi lang ito lumalabas at wala pang nabuhay kahit na isa."
Iginala niya ang paningin sa paligid. "Mas inaalala ko pa ang sikmura ko kaysa sa kinatatakutan mong yan."
Pinakiramdaman ni Arfiona ang paligid. "Sa ngayon ay ligtas tayo."
"Maghanap muna tayo ng makakain." Yaya niya at saka nagsimula ng galugarin ang kagubatan.
Makalipas ang isang oras ay nakahuli sila ng usa. Pagkatapos ay inihaw na nilang dalawa ni Arfiona.
"Arfiona, malapit na ba tayo sa Tartamus?" Usisa niya habang nag-iihaw.
"Nasa kagubatan na tayo na sakop ng Tartamus. Malapit na tayo sa pinakakuta ni Ermidion."
Marahan siyang napatango. "Kung ganon ay malapit na kaming magtuos ni Ermidion."
"Nakahanda ka na ba para sumagupa sa isang digmaan?"
Wala siyang mahagilap na sagot sa tanong ni Arfiona. Ang tanging hangad lang niya ay baguhin ang sistema ng Elfiore. Na kung saan ay mayroong pagkakapantay-pantay. Iyon lang ang kanyang inaasam maliban sa hangarin niyang makabalik sa mundo ng mga tao.
"Ang kinabukasan ng buong mundo ay nasa resulta ng digmaan. Nasa mga kamay mo nakasalalay ang magiging bunga ng digmaan." Dagdag ni Arfiona ng hindi siya nakasagot.
"Hindi ko alam kung karapat-dapat ba kong maging hari ng dalawang lipi." Amin niya. Kahit siya ay naguguluhan din. Hindi niya taglay ang karmosa ng diablong dragon. Wala siyang panama kay Ermidion.
"Masyado kang maraming iniisip. Tandaan mo na ikaw ang nakasaad sa orakulo."
Nang maluto ang usa ay kumain na silang dalawa. Pagkatapos kumain ay nagpatuloy na sila sa paglalakbay.
Makalipas ang anim na oras ay inabutan na sila ng dilim sa kagubatan. Wala ng nagawa si Arfiona kundi ang tumigil sa paglalakbay. Gumawa ang prinsesa ng apoy para magsilbing liwanag nilang dalawa sa dilim.
"Arfiona, di ba sabi mo delikado ang kagubatang ito?" Usisa niya.
Napatango ito. "Kung ako ang tatanungin ay gusto ko pang magpatuloy sa paglalakbay kaysa huminto at magpahinga."
BINABASA MO ANG
THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)
FantasiaHIGHEST RANK #36 IN FANTASY (PERO DATI PA YON) Ano ang gagawin mo kapag aksidente kang napunta sa isang kakaibang mundo? Isang mundo na pinamumugaran ng mga halimaw at mga diablo. At ang tanging susi para makabalik ka sa mundo ng mga tao, ay nakasal...