Dedicated to PurpleAmethyst2002 and NightCrawler_murloc
Xander's Third POV
KABOOG!!!!!!
Nagising sya sa malakas na pagbagsak nya sa higaan.
Napahimas sya sa ulo nya na tumama sa sahig.
Anong nangyari?
Bakit sya nahulog?
Isang malakas na pagtawa ang narinig nya.
"Oras na ng pagsasanay, Xander!" Malakas na pagkakasabi ni Adilion.
Napadiin ang pagkakapikit nya sa mga mata at pagkatapos ay marahang bumangon. Puyat sya at gusto pa nyang matulog. Pero heto ang maalamat na hari ng Acrania at mukhang hinila ang mga paa nya para magising.
"Mag-ayos ka na ng sarili mo at magsisimula na tayo." Sabi nito at saka tinungo na ang pinto at lumabas ng silid nya.
Masakit pa rin ang likod ng ulo nya. Parang gusto nyang bumalik sa higaan at magpahinga. Pero hindi nya magagawa. Dahil sa unang pagkakataon ay tuturuan sya sa larangan ng pakikipaglaban. At isang karangalan na ang dating hari ng Acrania ang personal na magtuturo sa kanya. Alam nyang hindi biro ang kakayahan ni Xanderion Adilion sa pakikipagdigma. Dahil naging alamat ito sa lahat.
Marahan syang naglakad palapit sa pinto at tuluyan ng lumabas. Kung ano mang klaseng pagsasanay ang gagawin nya. Siguradong aangat ang kakayahan nya. Lalo syang lalakas ng husto. Pero kayanin naman kaya nya ang pagsasanay?
Pagdating nya sa labas tanging si Adilion lamang ang naroroon at ang kaibigan nitong si Harmulus.
"Mabuti naman at nandito ka na." Sabi ni Adilion.
Lumapit sya. "Nasaan ang iba pa?" Usisa nya.
"Walang maaaring makasaksi sa karunungang ipapasa ko sayo." Tugon ni Adilion.
"Nasaan sila kung ganon?" Muli nyang tanong.
"Wag sila ang isipin mo." Sabat ni Harmulus. "Ang isipin mo ay ang pagpapaunlad sa kakayahan mong makipaglaban."
Ngumisi si Adilion. "Harmulus umpisahan na natin."
Hinugot ni Harmulus ang dalawa nitong espada sa likuran at pagkatapos ay dumura. "Naghihintay na ko."
"Teka! Teka! Bakit totoong mga espada ang gamit mo?" Natataranta nyang usisa.
"Wag kang magpasindak. Gamitin mo na ang mga karmosa mo." Sabi ni Adilion.
Napangiti sya ng husto. "Sigurado ka?"
Tango ang isinagot ni Adilion.
"Walang sisihan huh?!" Saka tinawag ang tatlong karmosa. Nagkaroon sya ng kalasag at baluti at espada.
"Ipapaalala ko lang walang karmosa si Harmulus. At tatlo ang gamit mong karmosa." Sabi ni Adilion.
"Gamitin mo na ang Shamakdu, bata!" Natutuwang sabi ni Harmulus.
"S-sigurado ka?" Paniniguro nya.
"Siguradong-sigurado." Tugon nito
Ang tanga naman nito. Paglalaruan ko lang sya gamit ang Shamakdu! Haha!
BINABASA MO ANG
THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)
FantasyHIGHEST RANK #36 IN FANTASY (PERO DATI PA YON) Ano ang gagawin mo kapag aksidente kang napunta sa isang kakaibang mundo? Isang mundo na pinamumugaran ng mga halimaw at mga diablo. At ang tanging susi para makabalik ka sa mundo ng mga tao, ay nakasal...