53: Battle At The Bridge

1.5K 55 0
                                    

Dedicated to Ayashun and beautiful_016

Xander's Third POV

Nakakaamoy siya ng masarap na pagkain. Nanunuot sa ilong niya ang nakakagutom nitong amoy. Iminulat niya ang mga mata at nakita si Arfiona na nag-iihaw. Kung ano man ang iniihaw nito ay hindi niya alam. Basta ang alam niya ay ginutom siya sa amoy ng iniihaw ni Arfiona.

"Magandang umaga!" Masiglang bati sa kanya ng prinsesa.

Marahan siyang bumangon. Tinitigan niya ang prinsesa. Magawa kaya niyang iwanan si Arfiona sa katapusan ng digmaan? Kinapa niya ang sarili at nalaman niya ang kasagutan sa tanong niya. Hindi niya kaya. Kay Arfiona lang umiikot ang mundo niya. Ang isa sa mga dahilan kung bakit kailangan niyang mabuhay. Pero ang katotohanang magkaiba ang mundo na kinalakihan nilang dalawa, ay sapat na para magkalayo silang dalawa. Pero hindi kakayanin ng puso niya na mawalay sa prinsesa. Napabuntung-hininga siya.

"Ako ang tinitingnan mo pero malayo ang tinatakbo ng isipan mo." Putol ni Arfiona sa pag-iisip niya.

Napailing siya at ngumiti. "Iniisip ko lang ang gagawin ko sa katapusan ng digmaan."

Sumimangot ang prinsesa. "Ang digmaan muna ang isipin mo at huwag ang katapusan nito. Masyadong lumakas si Ermidion. Wala kang kakayahan na labanan siya ng mag-isa."

Tama ang sinabi ni Arfiona. Wala siyang kapangyarihan na makakatalo kay Ermidion. Pero magpapatalo ba siya sa kaisipang iyon? Kailangan pa rin niyang lumaban at umasang magkakaroon ng milagro.

"Kumain na tayo." Yaya sa kanya ni Arfiona na nauna ng humiwa ng karneng inihaw nito.

"Arfiona, paano kung piliin kong mamuhay sa mundo ng mga mortal?" Tanong niya bago humiwa ng karne.

Napahinto sa pagkain si Arfiona at pagkatapos ay tinitigan siya ng husto. "Kung doon mo gustong mamuhay ay sasamahan kita." Tugon nito.

Nakuntento naman siya sa sagot ng prinsesa. Nagpatuloy na silang dalawa sa pagkain. Pagkatapos kumain ay naglakbay na silang dalawa. Pero si Briyana na lang ang sinasakyan nilang dalawa.

Di nagtagal ay narating nilang dalawa ang isang mahaba at maluwang na tulay. Pinahinto niya si Briyana. Ito ay dahil may malaking hukbo na nakakampo sa kabilang dulo ng tulay.

"Paano na ngayon?" Usisa niya sa kasama.

"Wala na tayong pagpipilian pa. Kailangan nating tumawid at kalabanin ang hukbo na iyan." Seryosong tugon ni Arfiona.

Napangiwi siya. Ang dami kasi ng makakalaban at dalawa lang sila ni Arfiona. Di naman kaya lugi silang dalawa? "Seryoso ka, Arfiona?"

Tumango ang prinsesa. "Wala ng ibang paraan pa kundi harapin sila." Pagkatapos ay tinawag nito ang kanang karmosa. Hawak na nito ngayon ang espada.

Handa ng lumaban ang kasama niya. "Gargamus." Tawag niya sa kanang karmosa. Naging espada ang karmosa.

Isang hukbo ang haharapin nilang dalawa ni Arfiona. Hindi mabilang ang dami pero nasa libo ang kabuoan nito. Hindi nagtagal at naalerto ang mga bantay na kawal sa kabilang dulo ng tulay. Binalaan ng mga ito ang mga kasama. Hindi nagtagal ay nakahanda na ang buong hukbo ng mga kalaban.

"Anong lipi ng mga yan, Arfiona?" Tanong niya ng pumuwesto na silang dalawa sa harapan ng tulay.

"Mga Erporian." Tugon ng prinsesa, na handa na para sagupain ang mga kalaban.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon