XANDER'S THIRD POV
Kanina pa sya naririndi sa mga malakas na pagtawa ni Hepatetrus. Kasama nilang bumalik si Verona at Dayanira. Nagbibiro lang pala ang heneral tungkol sa mangkukulam. Ipinasusundo lang pala ang prinsesa ng Elkiria.
Si Arfiona naman ay todo pigil kay Verona kapag niyayakap sya ng salamangkera. Feeling tuloy nya kahanay sya ng mga lalakeng sumali sa Mr Pogi. Daig pa nya ang nanalo sa lotto.
Si Dayanira naman ay nakatulog na sa tabi nya. Nanawa rin sa wakas sa kakakulit sa kanya. Feeling nya tuloy totoong may nakababata syang kapatid na babae. Gusto rin naman nya ang pakiramdam ng may kapatid. Only child kasi sya at naiinggit sa mga barkadang may mga kapatid.
"Kamahalan, anakan mo ko!" Sabi ni Verona at yayakap sa kanya pero pigil-pigil ni Arfiona.
Napangiti sya ng husto. "Verona, bata pa ko pero sige try natin." Sabay lapit sa kanya ni Arfiona at binigyan sya ng isang sapak! Hayun at bumaliktad sya at nagising naman si Dayanira.
"Subukan mo!" Galit na sabi ni Arfiona.
Kaagad naman syang bumangon. "Arfiona, easy ka lang! Nagdyo-joke lang ako!"
"Siguraduhin mo lang, Xander!"
"Oo, Arfiona!" Saka niyakap sya ni Dayanira.
"Kuya, gusto ko ng matulog.."
Nginitian nya ang batang prinsesa at niyakag na papasok sa maliit na bahay at pinatulog sa higaan nya.
Nang makatulog na si Dayanira ng husto ay bumalik na sya sa mga kasama. Nakapalibot sila sa apoy. Feeling nya tuloy nasa camping sila. Ang maganda pa nito ay katabi pa nya si Arfiona at nakahilig ang ulo sa kaliwang balikat nya.
"Anong klaseng lahi ba ang Elkiria?" Maya-maya ay natanong nya. Gusto lang nyang mag-usisa.
"Isang lipi ng mga salamangkero at salamangkera." Sagot ni Erosocapus. "Kilala sa bagsik ng mga mahika." Dagdag pa nito.
"Iyon lang? Lahi ng mga magician!" Parang simple lang sa kanya ang mga mahika.
"Anong iyon lang? Ang emperyo ng Elkiria ang pumapangalawa sa lahi ng mga dragon. Ang Acrania." Paliwanag ni Arfiona.
"Eh ang lahi nyong mga diablo? Pang-ilan?" Usisa nya.
"Ang lahi ng Elkiria ang pinakamahusay sa larangan ng salamangka." Hindi pinansin ni Arfiona ang tanong nya.
"Pang-ilan kako lahi nyo?" Ulit nya.
Sumimangot ito. "Wag mo ng alamin!"
Pikon agad! Panghuli siguro! Haha!
"Oo na! Di na aalamin." Sabi na lamang nya.
"Kamahalan, gusto kong ipaalam sayo na kumukuha ng mga mersenaryo si Verona. Makabubuting kayo na ang kuhanin tutal naman doon din ang daan nyo." Singit ni Hepatetrus.
"Ayoko!" Angal agad ni Arfiona.
"Kamahalan, kailangang makabalik ng ligtas ang aming prinsesa." Sabi ni Verona.
"Xander, wag kang papayag! Aakitin ka lang ng Elkirian na yan!" Tutol pa rin ni Arfiona.
"Gaano ba un kalayo?" Usisa nya.
"Apat na araw na paglalakbay." Sagot agad ni Hepatetrus.
Hinawakan nya ng kanang kamay ang baba. Kunwaring nag-iisip pero ang totoo ay mayroon na syang sagot.
BINABASA MO ANG
THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)
FantezieHIGHEST RANK #36 IN FANTASY (PERO DATI PA YON) Ano ang gagawin mo kapag aksidente kang napunta sa isang kakaibang mundo? Isang mundo na pinamumugaran ng mga halimaw at mga diablo. At ang tanging susi para makabalik ka sa mundo ng mga tao, ay nakasal...