56: The War Begins

1.5K 68 28
                                    

Dedicated to Robert_Agas and ThirdyG

Ermidion's Third POV

Nasa balkonahe siya ng kastilyo ng angkan ng Beelzebub. Gabi na at madilim na ang buong paligid. Pinagmamasdan niya ang mga mangdirigmang nakakampo sa bandang ibaba ng kinatitikang patay na bulkan. Kaninang may liwanag pa ay nakita niyang dumating ang tatlong hukbo sa panig ng mga kalaban. Ang angkan ng Leviathan na patuloy na sumusuway sa kanyang paghahari, ang Elkiria na pumapangalawa sa Acrania, at ang Erizia sa pamumuno ni Haring Mitheus. Kung dati, siguradong matatakot siya sa Elkiria at Acrania. Dahil kilala ang dalawang lipi sa pangingibabaw sa buong Elfiore. Pero hindi na ngayon. Ang lahi na ng mga diablo ang mangingibabaw sa sangkalahatan. Taglay na niya ang isa sa mga pinakamapangyarihan karmosa sa buong mundo. Ang kamosa ng diablong halimaw. Ang mga araw na kinailangan itong makamit ay lagpas-lagpasan na. Siya na ang tatanghaling pinakamakapangyarihan sa lahat. Paghaharian na niya ang buong Elfiore at babalutin niya ng takot at kamatayan. At bukas ng umaga ay sisimulan na niya ang digmaan. Malaki ang pwersang hawak niya samantalang kakarampot lang ang pwersa ng kalaban. Mananalo siya at batid niya yon. Wala ng makakapigil sa taglay niyang lakas.

Naputol ang kanyang pag-iisip ng may maramdaman siyang presensya sa kaniyang likuran. At kilala na niya kung sino ito. "Ano ang kailangan mo, Safra?"

"Kamahalan, iminumungkahi kong salakayin na natin ang pwersa ng mga kalaban ngayong gabi." Tugon ng alagad niya.

"Huwag kang magmadali, Safra. Sinisiguro ko sayo na hawak na natin ang tagumpay! Bukas! Pagsikat ng liwanag ay sasalakayin natin sila at walang awang papaslangin!" Nasisiguro niyang tama ang mga sinabi niya. Lahat ng magtuturo sa pagkapanalo ay siya ang tinutukoy.

"Ano ang binabalak mo, kamahalan?" Usisa ng alagad.

"Ang bagong hari ng Acrania ay walang muwang sa digmaan. Ipapalasap ko sa kanya ang buo kong pwersa at tatalunin ko siya, Safra! Walang makakapigil sa taglay kong lakas at kapangyarihan! Buburahin ko ng tuluyan ang lahi ng Acrania ng tuluyan." Hinarap niya ang alagad. "At wala na silang pagtataguan pa!"

Xander's Third POV

Maaga siyang nagising. Kasi ba naman istorbo 'tong si Arfiona! Ang sarap kaya ng tulog niya! Napabangon tuloy siya ng wala sa oras.

"Ano bang kailangan mo, Arfiona? At ginising mo ko ng napakaaga." Angal niya.

"Naghahanda na para sa pagsugod ang mga kalaban. Kailangan na nating dumepensa." Seryosong sabi ng prinsesa.

Napabaling siya sa direksyon ng malaking pwersa. Wala naman siyang napansin na kakaiba. "Niloloko mo ba ko, Arfiona? Wala namang nagbago sa kanila ah!" Babalik sana siya sa pagtulog pero ginising na siya ng tuluyan ng prinsesa. "Arfiona, kaasar ka talaga!"

Itinuro ni Arfiona ang kalangitan. May namumuong makapal at itim na mga ulap sa hanay ng mga kalaban. "Ang itim na kaulapan na yan ay senyales ng paglabas ng mga diablo. Nakahanda na si Ermidion na sugurin tayo!"

"Sigurado ka?" Paniniguro niya at tumango naman ang prinsesa. "Ano na ngayon ang gagawin natin?" Usisa niya.

Tinitigan siya ng husto ng prinsesa. "Sayo nakasalalay ang pagkapanalo natin. Oras na para gampanan mo ang tungkulin ng pagiging hari ng dalawang lipi."

Tuluyan na siyang bumangon. Nasa ituktok pa rin sila ng mabatong bundok. Iginala na niya ang paningin. Wala ang kapatid na katabi niyang natulog kagabi. "Nasaan na si Dayanira?"

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon