54: Tainted Soul

1.3K 59 0
                                    

Dedicated to lifame and JackieSunshine

Azinaya's Third POV

Palapit na ang hukbo ng Acrania sa Tartamus. Kaunting paglalakbay na lang at mararating na nila ang pakay na lugar. Ang mga kaalyansang kaharian ay kasunod na nila.

May isang nilalang lang ang gumugulo sa isipan niya. At iyon ay walang iba kundi si Valeria. Ang traydor at espiya sa grupo nila. Papaanong nakaligtas sa pang-amoy nila ang totoong katauhan ng taksil? Sa totoo lang ay hindi pa rin siya makapaniwala magpahanggang ngayon. Nakakagulo sa isipan niya ang totoong katauhan ng bihag. Si Valeria ay isang diablo na nasa ilalim ng pamumuno ng kasalukuyang hari ng mga diablo. Ang responsable sa kaguluhan sa buong Elfiore.

Pinagmasdan niya ang buong paligid. Kasalukuyang nagpapahinga ang buong hukbo. Napadako ang paningin niya sa kinaroroonan ni Valeria. Binabantayan ito ni Albion at Zebro. Nakakadena ang mga kamay.

"May gumugulo ba sa isipan mo, kamahalan?" Usisa sa kanya ni Serafina. Nasa likuran niya ito kasama si Marsuk.

"Parang malayo ang nararating ng isipan mo, kamahalan." Segunda ni Marsuk.

Hinarap niya ang dalawa. "Hanggang ngayon naiisip ko pa rin na nalinlang tayo ng isang diablo. Nasisiguro kong pinaghahandaan na nila ang hukbo natin pagdating ng Tartamus." Iyon ang katotohanan. Maaaring sumabak ang buong hukbo sa isang patibong. Sa kabilang banda, ang mga Acranian ay hinasa para sa pakikipagdigma. Mga bata pa lang ay isinasabak na sa matinding pagsasanay at panganib.

"Huwag kang mag-alala, kamahalan. Nakahanda ang buong hukbo sa anomang panganib." Paniniguro ni Serafina.

Mabigat ang pasanin niya sa mga balikat. Nagdesisyon si Adilion na huwag sumali sa digmaang magaganap. Kasama na doon ang dating reyna at ang bayaning si Harmulus. Nakaatang sa kanya ang isang malaking responsibilidad. Napatingin siya sa karmosa na nasa kanang palapulsuhan. Taglay niya ang karmosa ng diablong dragon. Isa sa pinakamalalakas na karmosa sa buong Elfiore. Bakit siya ang pinili nito at hindi si Xander na kasalukuyang hari ng Acrania? Kinapa niya ang sarili ngunit wala siyang mahanap na matinding kasagutan. May rason kung bakit siya ang pinili ng karmosa at gagamitin niya ang kapangyarihan nito sa tamang paraan. Iyon ay ipanalo ang digmaan sa pagitan ni Ermidion at ni Xander. Siya ang pangalawang asawa ng hari ng dalawang lipi at gagampanan niya ang tungkulin ng isang asawa.

"Malalim na naman ang iniisip mo, kamahalan." Puna ni Marsuk. "Kailangan na nating marating ang Tartamus. Maaaring kailanganin na ang tulong natin ni Xander."

Napailing siya. "Ayon kay Ziya ay malubhang nasugatan ni Valeria ang heneral ni Arfiona. Ang ipinagtataka ko lang ay kung paanong nahigitan ng batang yon ang kapangyarihan ng nakalaban niya?"

Ngumiti si Serafina. "Napanood naman natin ang laban nilang dalawa, di ba? Sadyang mas malakas lang ang taglay na lakas ng karmosa ni Ziya. Iyon lang ang nakikita kong nagpanalo sa kanya sa laban."

"Hindi yon ganon lang kadali, Serafina. Hindi mo ba naiisip kung paanong nagamit ng batang yon ang kapangyarihan ng puting Orpien? Sa nakikita ko ay malaki ang papel na gagampanan ni Ziya sa digmaang ito." Tama naman ang sinabi niya. Si Ziya ay hindi ordinaryong mangdirigma ng Acrania. Natitiyak niyang nangingibabaw na ito sa mga batang Acrania. Iyon ang dahilan kung bakit pinayagan niyang manatili na sumama sa hukbo ang batang Acranian. "Ano na ang balita sa bihag?" Usisa na lamang niya.

"Ayon sa nakalap na impormasyon ni Albion at Zebro. Si Valeria ay kabilang sa grupo na kung tawagin ay Urdu Badyari. At siniguro nito na ililigtas siya ng mga kasamahan." Ulat ni Serafina.

"Kung ganon ay kailangan nating maghanda para sa posibleng pag-atake." Seryoso niyang sabi. Hindi pwedeng maantala ang paglalakbay ng buong hukbo. Nasa lupain na sila ng Tartamus. Malapit na nilang marating ang pinakasentro.

"Hindi ako nag-aalala sa kaligtasan ni Xander." Amin ni Marsuk. "Kasama niya si Arfiona. At ang prinsesa ng mga diablo ay lubhang malakas kaysa sa dati."

Nagkatinginan silang dalawa ni Serafina. Hindi nila malaman kung bakit nasabi yon ng kaibigan. "Anong ibig mong sabohin?" Tanong na niya.

Ngumiti ang Mandarok. "Si Arfiona ay higit na mas malakas kaysa kay Xander. Si Xander naman ay higit ng mas malakas kaysa sa una ko siyang nakilala. Wala tayong dapat ipag-alala. Ang tungkulin natin ay talunin ang mga hukbong nasa panig ni Ermidion. Ang dalawang yon naman ang bahalang tumalo sa hari ng mga diablo."

Napag-isip-isip niyang tama ang mga sinabi ng kaibigan. Pero sa puso niya ay alam niyang hindi lang pagtalo sa mga hukbo ang papel niya sa digmaang magaganap. Nararamdaman niyang higit pa doon ang kailangan niyang gawin.

Valeria/Vala's Third POV

Naiinip na siya sa paghihintay ng mga sasagip sa kanya. Nasisiguro niyang nakalipad ang uwak na may dala ng huli niyang mensahe. Hindi niya magagamit ng maayos ang karmosa niya. Masyadong matibay ang kadena sa kanyang mga braso. Higit pa doon ay binabantayan siyang mabuti ni Zebro at ni Albion. Isama pa ang batang Acranian na nakatalo sa kanya. Ang pag-asa na lang niya ay ang iligtas siya ng mga kasama.

Nilapitan siya ni Zebro. Todo ang ngiti nito sa kanya. "Sayang, Valeria. Nabihag mo na ang aking damdamin pero isa ka palang diablo at kalaban."

Ngumiti siya ng antipatiko. "Kahit ano pa ang sabihin mo. Wala akong pakialam! Hindi ba at pareho lang tayong nagpapanggap? Hindi ka totoong Acranian!" Totoo naman ang sinabi niya. Hindi totoong Acranian ang lalakeng kausap niya. Isa lang ito sa mga nagpupumilit na maging Acranian.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Zebro. Tinitigan siya nitong mabuti. "Isa 'kong Acranian!"

"Wala kang dugo ng isang Acranian! Tanggapin mo na ngayon pa lang na hindi ka magiging isang Acranian!" Soplak niya uli sa kausap. Pero sa totoo lang. Taglay ni Zebro ang tindig at tikas ng isang Acranian. Sa mga kilos nito at pakikipaglaban ay mapagkakamalan nga itong isang tunay na Acranian. May hinala tuloy na nabuo sa kanyang isipan.

"Tumigil na nga kayong dalawa." Saway ni Albion.

"Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Zebro. Isang Acranian ba ang nagpalaki sayo at nagsanay?" Usisa niya.

"Hindi mo na kailangan pang malaman." Iniwasan na siya nito.

Pinagmasdan na lamang niya ang buong paligid. Malaki ang hukbo ng Acrania pero napansin niyang wala ang kinatatakutan at pinangingilagan ng lahi nilang mga diablo. Si Xanderion Adilion Acrania. Ang may malahalimaw na lakas. Lihim siyang natuwa sa katotohanang wala ang dating hari ng Acrania. Natitiyak niyang mananalo ang pinaglilingkuran niyang si Ermidion. Isang hamak na baguhan lang sa pakikidigma ang bagong hari ng Acrania.

Napabaling siya sa direksyon ni Azinaya. Ang bagong reyna ng Acrania. Napansin niyang sa direksyon din niya ito nakatingin. Si Azinaya ay isang kalaban na hindi niya maaaring maliitin. Taglay na nito ang karmosa ng diablong dragon. Ang pangtapat sa karmosa ng diablong halimaw na taglay ng kanyang pinaglilingkuran.

"Huwag mong titigan ng ganyan ang aming reyna!" Pigil sa kanya ng batang Acranian na tumalo sa kanya ng dalawang beses.

Binaling niya ang paningin sa nagsalita. "Hindi magtatagal at mauubos ang buong hukbo ng Acrania."

"Hindi matatalo ang lahi ng Acrania sa mga diablo." Tugon nito.

Napadura siya sa harapan ng dalagita. "Masyado ka pang bata at walang masyadong alam pagdating sa digmaan."

"Ang batang tinutukoy mo ay ang tumalo sayo ng walang kahirap-hirap." Tinitigan siya nito ng mabuti. "Ang kaluluwa mo ay nabahiran na ng kasamaan. Hindi magtatagal at ang lahi mo ay maglalaho sa buong Elfiore." Dagdag nito.

Napangisi siya. Nasisiguro niyang gumagawa na ng hakbang ang mga kasama para iligtas siya. "Isa kang hangal!"

"Ikaw ang hangal!"

"Tumigil na kayong dalawa!" Saway sa kanila ni Albion. "Ang ating hari ang magiging hari ng dalawang lipi."

Tumigil na silang dalawa sa bangayan. Matapos ang anim na oras na paglalakbay ay narating nila ang isang tulay. Sa kabilang dulo ng tulay ay nagkalat ang mga apo ng isang malaking hukbo.

###

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon