21: Askabar Mountain

2.5K 102 77
                                    

Arfiona's Third POV

Ilang oras na silang naglalakbay patungo sa bulubundukin ng Askabar. Na malapit na nilang marating. Maaga kasi silang umalis ng Elkiria kanina. Hindi pa gaanong sumisikat ang araw kanina ay nagsimula na silang maglakbay. Sakay sila ni Argurus at Briyana. Hindi na sila gumamit pa ng mga kabayo para sa paglalakbay. Dahil pagdating nila sa Lameria ay maiiwanan din nila ang mga kabayo. Dahil maglalakbay naman sila sa karagatan.

Dahil sa dalawang dambuhalang diablong hayop. Mas mapapabilis ang paglalakbay nila patungong Lameria.

Tanging sya lang at si Xander na nasa unahan nya. Ang sakay ni Briyana.

Si Azinaya, Serafina, at Marsuk ang nakasakay naman kay Argurus.

Tanaw na nila ang mahabang bulubundukin ng Askabarula sa kinaroroonan nila. Ilang saglit na lang ay papasukin na nila ang bulubundukin.

"Xander, ok lang ba sayong hindi mo nagawang magpaalam sa batang prinsesa?" Usisa nya para basagin ang katahimikan. Buhat kasi ng magsimula silang maglakbay ay walang naganap na pag-uusap.

"Makulit si Dayanira. Siguradong hinanap nya tayo ng magising sya."

"Siguro.."

"Kailan ba natin mararating ang Tartus?"

"Masyadong malayo ang Tartamus. Kakailanganin natin ng maraming araw na paglalakbay bago marating." Tugon nya.

"Ang layo naman at saka ang tagal!" Angal nito.

Napasimangot sya. Napakareklamador talaga ng asawa nya. Pero sa kanila non ay maaasahan si Xander pagdating sa labanan. Kahit sabihin pang baguhan lang ito sa pagiging mandirigma. Dahil ilang beses na nitong pinatunayan ang sariling pamamaraan sa pakikipaglaban.

Noong una nya itong makita at makilala ay nuknukan ito ng duwag. Pero ngaun parang gustung-gusto na ang pakikipaglaban.

"Matanong lang kita, Xander. Ano ang pangalan ng hinahanap mong lolo mo kamo?" Pag-iiba nya ng usapan para malihis sa Tartamus.

"Ah si Lolo Tacio. Kailangan ko pa syang makita bago ko makabalik sa mundo ko."

"Kapag bumalik ka sa mundo nyo isama mo ko." Totoo yon. Hindi nya gugustuhing mahiwalay sa napangasawa nya. Kung saan ito naroroon ay naroroon din sya dapat. Iyon ang tamang gawin ng isang asawa.

"Sigurado ka ba sa desisyon mo?"

"Asawa mo na ko. Kung saan mo gustong pumunta nasa tabi mo lang ako dapat."

"Hindi tulad ng mundo mo ang mundo ko. Maraming pagkakaiba."

"Pumayag ka man o hindi ay sasama pa rin ako sayo. Ako lang ang nakakaalam para makabalik ka ulit sa mundong ito kung gugustuhin mong bumisita."

"Isang krimen ang pagpatay sa mundo ko. Kakailanganin mo rin sanayin ang sarili mo na wag gamitin ang mga pakpak mo."

"Magagawa kong pigilan ang sarili ko."

"Alam mo ba ang sinasabi mo o sinusunod mo lang ang gusto mo ng napipilitan?"

Naiinis sya dahil parang ayaw syang isama ni Xander at ayaw lang sabihin sa kanya ng direkta. Natamik sya ng ilang sandali. Nakaramdam sya ng kirot sa dibdib. Balewala lang ba sa asawa nya ang namagitan sa kanilang dalawa ng gabi ng Dugong Buwan?

"Buo na ang pasya ko. Sasama ako sa pagbabalik mo sa mundo mo." Gusto nyang sapakin ito pero kinakailangan nyang pigilan ang sarili dahil asawa na nya ang dayo.

"Ikaw ang masusunod. Gusto ko rin naman makasama ka sa mundo ko." Nilingon sya nito na nakangiti ng husto at pagkatapos ay bumaling na ulit sa harapan.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon