Dedicated to xanderthedragon and janinecute143
Arfiona's Third POV
Ilang beses na niyang nilingon ang pinanggalingan nila. Pero walang Xander na dumarating. Parang nagsisisi na sya kung bakit sinunod niya si Azinaya na ihagis si Xander. Aminin man niya o hindi ay nami-miss na niya si Xander. Sa pagharap sa panganib ay malaki ang tiwala niya sa asawa. Malakas ito at maaasahan pagdating sa mga labanan. Kanina ay nakarinig sila ng mga malalakas na pagsabog. At batid niyang kagagawan iyon ng magiting na lalake sa puso niya. Pero ang hindi niya maintindihan ay ang pagpupursigi ni Azinaya na makarating ng Acrania. Ganoon ba kaimportante ang nasa posesyon ng lipi ng mga dragon?
Sa kasalukuyan ay tinatahak nila ang isang malawak na desyerto. Ramdam na niya ang pagkapagod ni Argurus at Briyana. Kailangan ng magpahinga ng dalawang diablong bantay. At nasa gitna sila ng matinding init. Ang hiling lang niya ay huwag sanang sumuko pa sa paglalakbay ang dalawang diablong bantay. Dahil pag nagkaganon babalik ang dalawa sa karmosa at magiging napakahirap ng paglalakbay para sa kanila.
Huminto sa pagtakbo si Argurus at Briyana. Lihim syang napamura. Iniisip pa lang niya ay nangyari na nga. Nawalang barang bula si Argurus at Briyana at bumagsak sila sa mainit na buhanginan.
"Anong nangyari?" Usisa ni Zebro. Bumangon ito mula sa pagkakabagsak at pinagpag ang kasuotan.
"Iyon na ang limitasyon ng dalawang diablong bantay kapag nalalayo sa pinaglilingkuran. Madali silang mapagod." Paliwanag niya at saka bumaling kay Azinaya. "Ano na ngayon ang gagawin natin?" Usisa niya.
"Kailangan na nating magpatuloy. May maliit na kampo sa unahan. Mararating natin yon kung sisimulan na nating maglakad." Tugon nito.
Nauna ng naglakad si Marsuk. "May palagay akong mahaba-habang lakaran to."
Tumingala sa kalangitan si Albion. "Hay ang init." Nakangiti nitong sabi at saka naglakad na.
Si Valeria at Serafina ay naglakad na rin. Si Azinaya ay sumunod na rin sa paglalakad pati si Zebro.
"Prinsesa, bakit hindi mo gamitin ang diablong phoenix para mapabilis ang paglalakbay natin?" Usisa ni Azina.
Umiling sya. "Masyadong malakas ang diablong phoenix. Isa pa ay hindi pa napapanahon para gamitin siya sa ano pa man." Saka naglakad na rin at sinundan naman siya ni Azina.
Xander's Third POV
Natatanaw niya ang malawak na desyerto sa unahan nilang dalawa ni Ziya. Wala siyang ibang makita kundi puro buhangin. Kanina ay naramdaman niya ang pagbabalik sa karmosa ni Argurus at Briyana. Kung nasaan man ang mga kasamahan niya ay nasisiguro niyang naglalakad ang mga ito.
"Kamahalan, kailangan na nating tawirin ang desyerto para makarating ng Acrania." Paalala ni Ziya.
Sang-ayon sya sa sinabi ng kasama. Ayon na rin kay Ziya. Ang desyerto ang huling daraanan para makarating ng Acrania. "Xeropia, maglakbay tayo sa pinakamatulin mong pamamaraan." Pagkasabi niya ng kautusan ay nagsimula ng umabante ang diablong ahas.
"Kamahalan, nagdidiwang ang buong Acrania sa pagdating ng bagong hari." Maya-maya ay sabi ni Ziya.
"Ano ba ang ibig sabihin ng Acrania? Nang pagiging isang Acranian." Wala sa isip na naitanong niya.
"Ang lumaban sa kasamaan at pagiging pinakamagiting na mga mandirigma. Iyon ang ibig sabihin ng tanong mo, kamahalan."
Napailing siya. "Susunod ba sa akin ang buong Acrania kahit hindi ako isang tunay na Acrania?" Nagtaka sa tanong niya ang kasama. "Hindi ako isang Acranian, Ziya. Pero gusto kong gamitin ang Acrania para baguhin ang mundo ng Elfiore." Amin niya.
BINABASA MO ANG
THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)
FantasyHIGHEST RANK #36 IN FANTASY (PERO DATI PA YON) Ano ang gagawin mo kapag aksidente kang napunta sa isang kakaibang mundo? Isang mundo na pinamumugaran ng mga halimaw at mga diablo. At ang tanging susi para makabalik ka sa mundo ng mga tao, ay nakasal...