ARFIONA'S THIRD POV
Bumagsak ang dambuhalang alupihan. Iisa pa lamang napapatay nila. May apat pang namiminsala.
Nakakalat na ang mga mersenaryong Acranian. Nilalabanan ang apat pang higanteng alupihan.
Papunta na sana sila sa iba pang higanteng mga alupihan. Nang lumitaw ang dalawang nilalang sa bubong ng isang bahay.
"Ermidion!" Sigaw nya.
"Arfiona, natutuwa akong makita ka." Nakangiting sabi ni Ermidion.
Lumitaw ang mga pakpak nya at sinugod ni Ermidion.
"Arfiona, wag!" Sigaw ni Azinaya at saka sumunod.
"Lumapit ka, Arfiona!" Masayang sigaw ni Ermidion.
Pagkalapit na pagkalapit nya ay inespada nya si Ermidion. Sinangga nito ang pag-atake niya ng sarili nitong espadang karmosa.
"Arfiona! Hindi mo ko magagapi sa ganyang uri ng lakas lang!" Saka hinawi ni Ermidion ang espada nya.
Napaatras sya ng ilang dipa. "Pagbabayaran mo ang pagpaslang mo sa aking ama!" Saka muli syang sumugod.
"Hindi ko na kasalanan kung naging mahina ang ama mo!" Humahalakhak na sabi ni Ermidion ng magbanggaan muli ang kani-kanilang espada.
"Papaslangin kita!" Malakas nyang pagkakasabi.
"Kung magagawa mo, Arfiona." Kalmanteng tugon ni Ermidion.
"Kamahalan, bihagin na natin ang prinsesa." Suhesyon ni Safra.
"Sige! Bihagin si Arfiona!" Saka itinulak sya.
"Hindi nyo magagawa yan!" Sigaw ni Azinaya.
Sinugod ni Azinaya si Ermidion. Si Serafina naman ay pinaulanan ng mga palaso si Safra.
Inilagan ni Safra ang mga palaso at pinana si Serafina. Gumanti naman ng pagpana si Serafina. Nagbanggaan ang dalawang palaso.
"Magaling ka." Sabi ni Safra kay Serafina.
Pinagtulungan nilang dalawa ni Azinaya si Ermidion. Si serafina naman ay kalaban si Safra.
Binabalewala lang ni Ermidion ang pag-atake nilang dalawa ni Azinaya.
"Wag natin syang titigilan, Arfiona!" Sigaw ni Azinaya.
Tumango sya walang humpay na winasiwas ang espada sa pag-atake. Tama si Azinaya. Kung hindi nya kayang talunin ng mag-isa si Ermidion ay kailangan nya ng makakatuwang.
Medyo nahirapan si Ermidion sa kanilang dalawa. Umatras ito at napatingin sa kaliwa. Nakita nito ang paparating na Iluminatos. Kasunod ang dalawang magiting na mandirigma at ang isa pang inililipad.
"Safra aatras na tayo. Hindi natin kakayanin ng tayo lang ang mga paparating." Sabi nito.
"Masusunod kamahalan."
Naglaho ang dalawa. Kaagad namang sinugod ng Iluminatos si Arfiona. Muli ay tinulungan sya ni Azinaya.
Walang magawa si Azinaya at Arfiona sa tatag ng Iluminatos. Lahat ng pag-ateke nilang dalawa ay nababalewala.
Si Hepatetrus na ang lumaban sa Iluminatos ng makalapit. Inespada nito ng walang kahirap-hirap ang kalaban hang sa napaslang nito.
Lumapag na sila at nagsama-sama. Wala ng kalaban.
"Gaya ng dapat asahan sa lakas ng isang heneral." Puri ni Azinaya.
"Ero, ikaw na ang bahala sa ibang higanteng alakdan." Utos ni Hepatetrus.
BINABASA MO ANG
THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)
FantasyHIGHEST RANK #36 IN FANTASY (PERO DATI PA YON) Ano ang gagawin mo kapag aksidente kang napunta sa isang kakaibang mundo? Isang mundo na pinamumugaran ng mga halimaw at mga diablo. At ang tanging susi para makabalik ka sa mundo ng mga tao, ay nakasal...