Dedicated to Sopriem29 and NhojSeyer8
Arfiona's Third POV
Ang layo na ng nalakbay nila. Kanina ba nangangawit ang puwet nya sa pagsakay kay Briyana. Pero wala yatang balak magpahinga ang mga kasama nya. Si Xander ang nasa unahan nya at nakapagtatakang hindi ito nagrereklamo sa walang patid na paglalakbay.
Iginala nya ang paningin sa mga nadadaanan. Malapit ng magdilim pero parang hindi ito alintana ng mga kasama. Kailangan na nilang manghuli ng Muskitang upang may makain sa hapunan. Pero si Azinaya ay walang ibinibigay na utos para gawin yon. Na para bang nagmamadali ang kaibigan na makarating ng Acrania.
"Arfiona.." Mahinang tawag sa kanya ni Xander. Parang malalim ang iniisip nito habang nasa paglalakbay.
"Bakit?" Matipid nyang tanong.
"Ano ang masasabi mo ngayon sa kapangyarihan ni Ermidion?"
Seryoso ang mokong! Sabi nya sa isipan. "Taglay nya ang isa sa anim na makapangyarihang karmosa sa Elfiore."
"Gaano na sya kalakas?"
"Walang makakapigil sa paghahari nya. Lahat ng lupain at lipi sa buong mundo ay mapapasakamay nya."
Natahimik ito ng matagal bago nagsalita. "Kung ganon ay kailangan natin syang pigilan sa lalong madaling panahon."
Tama si Xander sa sinabi nito. Kailangan nilang mapigilan ang paghahari ni Ermidion. Dahil kung hindi nila magagawa ay tiyak na ang kadilimang babalot sa sanglibutan. At ang tangi nilang pag-asa ay nasa kamay ng mga Acranian. Na kinakailangang mapasakamay ni Xander bago pa mahuli ang lahat. Pero paano na kung hindi sila umabot? Mapipigilan ba nila ang paghahasik ng kasamaan ni Ermidion. Para sa kanya ay napakalakas na ng taglay na kapangyarihan ni Xander. Pero aminado syang nahihigitan iyon ng taglay niyang karmosa. At sa kanilang grupo ay silang dalawa lang ni Xander ang pinakamalakas. Pero hindi ibig sabihin non ay mahihina na ang kanilang mga kasama. Pero ano ang laban nila sa taglay na kapangyarihan ng bagong hari ng mga diablo? Aminado syang hindi pa sapat ang kanilang pwersa para ipanalo ang laban. May kailangan pa silang makuha at nasa Acrania ito. Iyon na lang ang tangi nilang pag-asa.
Maya-maya pa ay ipinahinto ni Xander ang dalawang diablong bantay. Nasa liblib silang kagubatan.
"May sikat pa ang araw. Kailangan nating magpatuloy sa paglalakbay." Protesta ni Azinaya ng bumaba na si Xander.
"Kailangan nating magpahinga. Dito na tayo magpapalipas ng dilim." Tugon ni Xander.
Bumaba na rin sya at ganon din ang mga kasama. Si Albion at Marsuk ay nagprisintang maghanap ng kakainin nila sa hapunan. Si Zebro at si Serafina ay nagsilbing bantay sa paligid. Si Valeria at Azina ay naupo sa tabi ng puno upang magpahinga. Si Azinaya naman ay nasa tabi ni Xander at patuloy na nagpoprotesta.
"Masyado pang maaga para magpahinga." Narinig niyang sabi ni Azinaya.
Hinintay niyang sumagot si Xander pero nananatili itong tahimik at walang kibo. Na para bang napakalalim ng iniisip.
Lumapit siya sa dalawa. "Azinaya, pagod na rin kami sa paglalakbay." Sabi niya ng makalapit.
Binalingan siya ni Azinaya na para bang ipinapaintindi nito ang saloobin. Pero sa huli ay wala na itong nasabi. Naupo ito sa tabi ni Xander.
Ilang oras pa ang lumipas bago nakabalik si Albion at Marsuk. May dala silang Muskiting na wala ng buhay. Si Marsuk na ang nagluto ng kakainin nila. Maya-maya pa ay nagsimula ng magdilim hanggang sa tuluyan ng maggabi. Ilang minuto pa ang lumipas ay sinimulan na nilang kumain at pagkatapos ay maagang nagsitulog.
BINABASA MO ANG
THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)
FantasyHIGHEST RANK #36 IN FANTASY (PERO DATI PA YON) Ano ang gagawin mo kapag aksidente kang napunta sa isang kakaibang mundo? Isang mundo na pinamumugaran ng mga halimaw at mga diablo. At ang tanging susi para makabalik ka sa mundo ng mga tao, ay nakasal...