65: Zeros The Eagle Bearer

1.4K 62 6
                                    

Dedicated to KathInYellow

Arfiona's Third POV

Nakita niya ang kulungan at hindi siya makapaniwala na ang ama niyang si Haring Hiros ang naroroon at nakakulong. Nakita din niya ng ilabas nina Serafina ang bihag nila. Walang iba kundi ang nag-iisang babae na kasapi ng Urdu Badyari. Si Valeria! Nahuhulaan na niya ang balak gawin ng mga kasama. Magkakaroon ng palitan ng mga bihag sa dalawang panig na magkalaban.

"Hawak namin ang kasamahan ninyo!" Malakas na pagkakasabi ni Serafina at hinila sa gilid nito si Valeria. Sa kanang bahagi.

"Hawak namin ang dating hari ng mga diablo!" Tugon ng mangdirigma na may baluti ng leon.

Nasa hanay na nina Serafina si Azinaya. Naroroon na rin si Hepatetrus at si Erosocapus. Kaagad na lumapit siya sa mga kasama.

"Magpalitan tayo ng bihag." Kalmadong sabi ni Azinaya.

Ngumisi ang may baluti ng leon. "Ibigay ninyo muna si Vala. Ang mahinang kasapi ng Urdu Badyari." Mahinahon nitong sabi.

Napatingin siya ng husto sa kaniyang ama. Naka-indian sit ito at nakakrus ang mga braso sa dibdib. Tulad niya ay nakikiramdam din ito sa nangyayaring palitan ng bihag.

Lumipad siya at lumapag sa tabi ni Azinaya. Binalingan siya ng kaibigan at reyna ng Acrania at marahang tumango.

Wala siya sa panganib pero nakakaramdam siya ng kaba. Gusto niyang mabawi ang ama at ang lahat ay nakasalalay sa negosasyon.

Tumikhim si Azinaya. "Palayain ninyo muna ang ama ni Arfiona."

Lumapit ang may baluti ng leon sa kulungan ni Haring Hiros. Inespada nito ang kandado ng pintuan at binuksan. "Makakalabas ka na, Hiros."

Marahang kumilos ang dating hari at tumayo. Nagdalawang isip ito kung lalabas o hindi.

"Malaya ka na, Hiros! Lumabas ka na!" Sigaw ng may baluti ng leon. Nang lumabas ang dating hari ay kaagad nitong hinawakan sa kanang braso at hinila papunta sa harap. "Palayain ninyo si Vala!"

Sumenyas si Azinaya kay Serafina na palakarin na papunta sa gitna si Valeria.

Itinulak ni Serafina si Valeria sa likod at nagsimula itong lumakad sa gitna.

Pinalakad din si Hiros sa gitna. Nang magsalubong ang dalawang bihag ay may sinabi si Valeria kay Hiros at kaagad na inilabas ang karmosa nito na sibat. Itinutok nito ang matalim na dulo sa leeg ng ama niya at pinalakad pabalik.

Susugod na sana siya pero pinigilan siya ni Azinaya ng kanang kamay.

"Wala na rin silang magagawa, Arfiona. Atin na ang tagumpay sa digmaang ito. Pinatatagal lang nila ang oras." Seryosong sabi ni Azinaya.

Sa sinabing yon ng kasama ay inihinto niya ang balak na pagsugod para tulungan ang ama. Tama si Azinaya. Nasa kanila na ang panalo.

Nasa rurok na ng pagkapuksa ang pwersa ni Ermidion. Tanging ito na lamang, si Safra, ang Urdu Badyari, at ang nasa isangdaan kawal ng Beelzebub, ang natitira. Hawak na nila ang tagumpay.

Nakarating na sa panig ng mga kasama nito si Valeria at ang kaniyang ama. Pumuwesto si Valeria sa tabi ng may baluti ng leon at bihag pa rin si Hiros.

Inilabas ng may baluti ng agila ang kulay asul nitong espadang karmosa. Pagkatapos ay lumakad papunta sa gitna. Itinutok nito ang dulo ng espada sa kanila.

"Kahit sino sa inyo ay pwede akong makaharap. Pwede din na kayong lahat na ang humarap sa kin." Hamon nito at pagmamayabang.

Pupunta na sana siya sa gitna pero muli na naman siyang panigilan ni Azinaya. "Ako ang lalaban.." Marahan niyang sabi.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon