69: True Power

1.4K 61 7
                                    

Dedicated to blueheart_princess

Xander's Third POV

Patuloy na tumataas ang kapangyarihang taglay ni Ermidion. Ang akala niya ay tinalo na niya ito pero isang malaking pagkakamali ang akalang iyon. Nanalo siya sa labanan ng pagiging hari ng mga diablo pero may lubos pa pala siyang hindi nauunawaan.

Nalinlang siya ng kalaban niya. Hindi pa pala nito inilabas kanina ang tunay nitong kapangyarihan. Naalala niya ang sinabi ni Ermidion bago silang dalawa maglaban. Pinagbigyan lang siya nito na makalaban para sa titulo ng pagiging hari ng mga diablo. Nagawa nanan niyang makuha ito pero may higit pa palang binabalak ito.

"Si Ermidion.." Narinig niya g marahang sabi ni Arfiona. "Ang totoong balak niya ay maging hari ng buong Elfiore gamit ang karmosa ng diablong halimaw."

Binalingan niya ito at bumaling din sa kanya. Tinitigan siya nito ng mabuti.

"Kailangan natin siyang mapigilan at talunin ngayon mismo. Dito sa lugar na ito. Dahil kung hindi natin magagawa ay mababalot ng takot at dilim ang buong Elfiore." Paliwanag pa ni Arfiona at saka muling bumaling ng tingin kay Ermidion na patuloy pa rin na lumalakas.

Tama si Arfiona. Kailangang pigilan nila at tapusin si Ermidion kung gusto nilang masiguro ang kaligtasan ng lahat.

"Binabati kita sa pagiging hari ng dalawang lipi." Sabi ni Azinaya. "Ito ang una mong tungkulin. Ang talunin at paslangin si Ermidion." Dagdag pa nito.

Tama din si Azinaya sa sinabi nito at kailangan niyang pamunuan ang paglaban at pagtalo kay Ermidion. Wala ng ibang gagawa non bukod sa kanya. Wala na..

Biglang sumugod si Azina at ang iba pang heneral sa hanay ng mga Leviathan. Pati ang iba pang mga heneral ng mga kaalyansa nilang lipi. Sinugod nila si Ermidion at sabay-sabay na umatake.

Pero sa isang iglap ay nawalan ng saysay ang ginawa ng mga ito. Nagtalsikan at napinsala ang mga ito ng nagpakawala ng enerhiya sa buong katawan si Ermidion. Sa ganoong kasimpleng atake ay nagawa ni Ermidion na pigilan at panghinain ang pinagsanib na pwersa ng mga heneral. Ganon na siya kalakas ngayon. Ganito na nakakatakot ngayon si Ermidion.

Peke ang karmosa nito pero nagagawa nitong gamitin at pasunurin sa kagustuhan nito. Walang dudang si Ermidion na ang pinakamalakas na nagtataglay ng karmosa sa kasalukuyan.

"Xander, kapag tuluyang naabot ni Ermidion ang pinakaantas ng kanyang karmosa. Mahihirapan na tayong talunin siya!" Babala ni Azinaya.

Rumehistro sa utak niya ang kasasabi lang nito. Kailangan na nilang labanan si Ermidion at pigilan ang pagtaas ng kapangyarihan nito.

Inilabas na ni Azinaya at Arfiona ang kani-kanilang karmosa. Handa na ang dalawa para lumaban.

"Arfiona, anak, ipahiram mo muna sa akin ang kamosa ng mga Leviathan." Sabi ni Hiros. Tinitigan ito ni Arfiona bago hinubad at ibinigay ang karmosa. Isinuot ito ni Hiros at saka ginamit.

Sa isang iglap ay nawala si Hiros at ang kasunod ay ang pakikipaglaban na nito kay Ermidion. Nagpapakawala ito ng sunud-sunod na mabibilis na atake. Pero hindi iniinda ni Ermidion ang mga pagsugod na iyon ni Hiros. Iwinasiwas ng isang beses ni Ermidion ang espada nito at bumubulusok na tumalsik ng napakalayo si Hiros.

"Tayo na, Arfiona!" Malakas na sabi ni Azinaya at saka mabilis na sumugod at umatake.

"Xander!" Tawag sa kanya ni Arfiona bago ito sumugod at tinulungan si Azinaya.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon