52: Night Of The Serpent

1.6K 70 3
                                    

Dedicated to ILOVEYOUUxd

Azinaya's Third POV

Pinamumunuan niya ang malaking hukbo ng mga mangdirigmang Acranian. Ilang araw na ang nakalilipas buhat ng lisanin nila ang Acrania. At ngayon ay nagkakampo sila sa isang malawak na damuhan. Si Xander at Arfiona ay nauna na sa kanila papuntang Tartamus. At sila naman ay nasa kahabaan pa ng damuhan.

Nagniningning ang mga bituin sa kalangitan. Tahimik ang gabi maliban sa ingay ng mga ilang Acranian na nag-iinuman ng alak. Mukha namang payapa ang paligid at walang senyales ng matinding panganib.

"May bumabagabag ba sa isipan ng reyna ng Acrania?" Usisa ng mangdirigmang si Zebro mula sa likuran niya.

"Naiisip ko lang kung ang magiging kahihinatnan ng digmaang ito." Amin niya at saka bumaling sa likuran at nakitang kasama ng kaibigan si Serafina. May dalang bote ng alak si Zebro.

Ngumiti si Serafina. "Ang digmaan ay papabor sa ating lipi. Nasa atin ang lahat ng senyales para magtagumpay sa nalalapit na sagupaan." Saka lumapit sa kanya at tinapik ang kanang balikat niya.

"Masyado pang maaga ang gabi, mahal na reyna. Pagsaluhan muna natin ang alak na dala ko." Sabi ni Zebro na lumapit na din sa kanilang dalawa ni Serafina.

Wala na siyang magagawa kundi pagbigyan ang paanyaya ng dalawang kasama. "Nasaan si Marsuk at si Albion?" Usisa niya.

"Siguro ay nagpapahinga na ang dalawang iyon." Sabi ni Zebro at tinungga ang alak at pagkatapos ay ipinasa sa kanya.

Inabot niya ang alak at tumungga. "Wala ng sasarap pa sa alak na gawa ng mga Acranian." Puri niya at saka ipinasa kay Serafina.

"Sang-ayon ako sa sinabi mo, kamahalan." Nakangiting sabi ni Serafina ng abutin ang bote ng alak. Itinaas nito sa ere ang alak. "Para sa bagong hari ng Acrania!" Sabay tungga at ipinasa kay Zebro.

Tinitigan niya si Zebro. "Bakit hindi mo tinanggap ang kayamanang ibinibigay sayo ng Acrania at mas pinili mo pang isuong sa panganib ang buhay mo?"

Sandaling natahimik si Zebro. "Para sa aking ama na isang Acranian." Maya-maya ay sagot nito. "Hindi man ako isang tunay na Acranian ay nasa dugo ko naman ang pag-asang maging kalipi ng Acrania." Ngumiti ito at saka tinungga ang alak.

Napaisip siya sa sinabi ni Zebro. Hindi man ito totoong Acranian ay nasa puso naman nito ang pagiging Acranian.

"Mukhang nagkakatuwaan kayo at hindi nagyayaya." Nakangiting bungad ni Valeria.

"Heto. Uminom ka ng alak." Sabi ni Zebro at iniabot kay Valeria ang bote ng alak.

Inabot ito ni Valeria at tumungga at pagkatapos ay ipinasa sa kanya. "Hindi ako makapaniwalang makakasalamuha ko ang hukbo ng mga magigiting na Acranian. Na ang pangalan ay umaalingawngaw sa katanyagan sa buong Elfiore." Saka may inilabas na bote ng alak. "Tikman natin itong ipinagmamalaki ng mga Albaros na alak. Karibal daw nito ang alak ng Acrania."

Tumungga siya ng alak. Pinagmasdan niya ang mga kaibigan. Hindi niya malaman ang dahilan dahil bigla siyang kinabahan. Na para bang may mangyayari na hindi niya magugustuhan. Tumungga ulit siya. "Kailangan ko ng magpahinga. Maaga pa tayong gigising bukas." Paalam niya at saka tinungo na ang tent niya.

Valeria's Third POV

Ikinatuwa niya ang pagtalab ng gamot na inilagay niya sa alak. Nakatulog na si Serafina ay Zebro. Si Marsuk ay Albion ay nauna ng naging biktima ng alak na may halong pampatulog. Si Azinaya ay maaaring nskatulog na rin at mahimbing na natutulog. Maaari na niyang isakatuparan ang madilim niyang plano. Papaslangin niya ng nag-iisa ang buong hukbo ng Acrania. Kapag natupad niya ang balak ay wala ng tulong na matatanggap ang hari ng Acrania sa kanyang lipi. At magiging daan ito upang maging matagumpay ang lipi ng mga diablo sa magaganap na digmaan. Pero bago magkaroon ng katuparan ang planong iyon ay kinakailangan niya munang patulugin ng mahimbing ang buong hukbo ng Acrania. At magagawa niya iyon ng walang kahirap-hirap gamit ang kanyang satiling karmosa.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon