Dedicated to EsmaelUtto and rrrhhhhhh
Serafina's Third POV
Nadala nila ng ligtas si Arfiona sa Belporia. Napainom na rin ng lunas para sa lason.
Kumuha sila ng silid at kasama nyang nagbabantay si Marsuk at Albion. Wala si Valeria dahil nag-ikot ito sa kaharian ng Belporia.
Wala pa rin malay si Arfiona. Mataas na rin ang sikat ng araw.
Kinuha na ang tela na nakababad sa tubig sa isang lalagyan at sinimulang pumasan ang mukha ni Arfiona.
"Parating na kaya si Xander at ang mahal na reyna?" Usisa ni Marsuk.
"Parating na ang dalawang yon." Tugon nya. Pinunasan nya ang kanang braso ni Arfiona at pagkatapos ay ang kaliwa.
Biglang bumukas ang pinto ng balyahin ito ng dalawang kawal. Ikinagulat nilang tatlo ang nangyari. Nagpasukan ang nasa pitong kawal ng Belporia.
"Anong ibig sabihin nito?" Kaagad nyang bungad. Napatayo sya at napatingin sa pana nya na malayo sa kanya.
"Wag nyo ng tangkaing lumaban." Pasok ni Safra. "Hindi nyo gugustuhing mapahamak ang prinsesa."
"Wag!" Pigil nya kay Albion at Marsuk ng tangkain ng dalawang hugutin ang kanilang espada.
"Magaling." Sabi ni Safra. "Masunurin ka naman pala. Sige dakpin ang mga yan at dalhin sakastilyo."
Kaagad na kumilos ang pitong kawal. Binuhat ng dalawa si Arfiona.
"Dalhin na ang mga yan!" Utos ni Safra at saka tumalikod na at lumabas ng silid.
Wala na silang nagawa kundi ang sumunod. Paglabas nila ay may nasa dalawampu pang mga kawal. Dinala na sila sa palasyo.
Dinala sila sa palasyo at idiniretso sa piitan. Isang mandirigma na may desenyong lobo ang baluti ang dumalaw sa kanila. Kasama nito si Safra.
"Pagmasdan mo ang mga bihag, Safra. Parang mga daga sa kulungan." Wika ni Biton.
"Wag ka munang magdiwang, Biton. Wala pa sa mga kamay mo ang hari ng Acrania. Isa syang mahusay na mandirigma."
"Ano ang ikinababahala mo, Safra? Naaayon ang lahat sa mga sinabi ni Vala. Hihintayin natin ang pagdating ng magiting nilang hari at ihuhulog sa aking patibong." Tinitigan nito si Albion. "Mahihinang klase." Sabi nito at saka dumura.
Ngumisi si Albion. "Hindi lang kami nakalaban dahil nasa peligro ang isa naming kasama."
Humalakhak ng husto si Biton at lumapit ng husto sa rehas. "Pipitsugin lang kayo." Pangmamata nito.
Hindi nya napigilan ang sarili na magkomento. "Malakas ang aming hari. Kahit anong patibong pa ang inihanda mo sinisiguro ko sayong mabibigo ka. Ang aming hari ay nagmula kay Adilion. Tulad ng ama ay halimaw din sa lakas ang anak."
"Totoo ang sinabi nya. Ako mismo ang saksi." Pagpapatotoo ni Safra.
Muling tumawa si Biton. "Ayon na rin sayo, Safra. Dayo lang ang bagong hari ng Acrania. Sabihin na nating malakas sya pero hindi pa sapat ang lakas nya para harapin ako. Kaming mga myembro ng Urdu Badyari ay maihahambing sa isang heneral. Ganon kami kalakas." Puno ito ng kumpyansa.
"Sabihin mo yan kapag nakaharap mo na ang hari ng Acrania. Huwag mong bibigyan ng kahihiyan ang ating kamahalang Ermidion."
"Maghintay lang tayo. Pasasaan ba at mahuhulog din sa bitag ko ang hari ng Acrania." Saka bumaling sa kanya. "Papatayin ko ang huling pag-asa nyo."
BINABASA MO ANG
THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)
FantasyHIGHEST RANK #36 IN FANTASY (PERO DATI PA YON) Ano ang gagawin mo kapag aksidente kang napunta sa isang kakaibang mundo? Isang mundo na pinamumugaran ng mga halimaw at mga diablo. At ang tanging susi para makabalik ka sa mundo ng mga tao, ay nakasal...