55: Tartamus

1.5K 62 14
                                    

Dedicated to Khaim_Dude and GeralynRivero

Xander's Third POV

Nasa ituktok silang dalawa ni Arfiona ng isang mabatong bundok. Sa ibaba nilang dalawa ay isang malawak na kapatagan. Sa kabilang dako ay isang mabato at mataas na bulkan ang makikita. Sa ibaba ng mataas na bulkan ay ang hanay ng isang napakalaking hukbo.

Nasa harapan niya ngayon ang isang malaking pwersa ng mga kalaban. Mabuhay pa kaya siya sa dami ng dapat paslangin? Makabalik pa kaya siya sa mundong pinanggalingan niya?

"Naririto na tayo sa Tartamus." Pahayag ng prinsesa ng mga diablo. Larawan ito ng isang magiting na mangdirigma.

"Daang libo ang kakaharapin nating dalawa, Arfiona. Makakaya ba natin sila?"

"'Wag kang panghinaan ng loob. Hindi lang sila ang may malaking pwersa." Sabay turo sa ibaba ng mabatong bundok. May naglitawan na mga portal at naglabasan ang hukbo ng mga diablo. "Naririto na ang lahi ng mga Leviathan!"

"Arfiona, ang konti niyan kumpara sa dami ng mga makakalaban natin!" Angal niya. Buong akala niya kasi ay si Ermidion lang at ang hukbo nito ang makakaharap nila.

Sumimangot ang prinsesa saka siya pinatikim ng batok! Pagkatapos ay sumeryoso ito. "Xander, naaalala mo pa ba noong una tayong nagkita? Noong sagipin mo ang tribo ng mga Mandarok. Sinabi mong babaguhin mo ang mundong ito. Nasa harapan mo na ngayon ang namamagitan sa pangarap mong yon."

Napatigil siya sa sinabi ng kasama. Naaalala pa niya ang tagpong iyon. Iyon ang unang beses na nagamit niya si Gargamus. Napangiti siya. "Oo, Arfiona. Tandang-tanda ko pa ang mga sinabi ko. Tama ka. Ang malaking pwersa na yan ang nakaharang para matupad ko ang pinapangarap ko."

"Abot-kamay mo na ang pangarap na yon. Dito mo ibuhos ang buong lakas mo. Maging hari ka ng mga diablo. Nasa likod mo lang ako na handang sumoporta sayo." Tama na naman si Arfiona. "Magwala ka sa digmaang ito, hari ng dalawang lipi!" Dagdag pa ng prinsesa.

Pinagigil niya ang mukha. "Handa na ko!"

"Anong nangyayari sayo? Bakit ganyan ang itsura ng mukha mo?" Nagtatakang usisa ng prinsesa.

"Nagwawala na ko, Arfiona!" Binatukan na naman siya ng prinsesa. "Aray ko naman, Arfiona! Two hits na yon!" Angal niya.

Itinuro ni Arfiona ang kinaroroonan ng malaking pwersa. "Hayun ang mga kalaban! Wala dito!" Saka pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib.

"Pwede bang break time muna? Hintayin muna natin ang mga kakampi natin!" Wala siyang balak sumugod at harapin ang daang libong mga kalaban ng silang dalawa lang ng prinsesa. Wala siyang balak mag-suicide!

Napailing na lamang prinsesa. Naupo ito sa mabatong kinatatayuan. "Sige! Maghintay tayo!" Sang-ayon na lamang nito.

Naupo na rin siya para maghintay. Makalipas ang anim na oras ay dumating ang hukbo ng Elkiria. Nasa ilalim ito ng pamumuno ni Prinsesa Dayaniral. At ayon sa nalaman niyang katotohanan tungkol sa totoo niyang pagkatao. Nakababatang kapatid niya ang prinsesa. At malaki ang hukbo ng Elkiria, na ayon sa nalaman niya noon, ay ito ang pumapangalawa sa Acrania.

Madali namang nakita ng batang prinsesa ang kinaroroonan nilang dalawa ni Arfiona. Nagmamadali itong pumunta sa ituktok ng bundok.

"Kuya Xander!" Masayang tawag sa kanya ni Dayanira at patabong lumapit sa kanya at yumakap.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon