70: Death Of A Demon

1.7K 60 0
                                    

Dedicated to DexterGongob and chedoma75 and InahDaep

Xander's Third POV

Nagsimula na ang panibagong bakbakan sa pagitan ng dalawa niyang asawa at ng nagtataglay ng pekeng karmosa ng diablong halimaw.

Nagagawa ng makipagsabayan ng dalawa sa kalaban. Nagkaroon na sila ng laban. Nagkaroon na sila ng pag-asa.

Bumubulusok na tumalsik si Ermidion sa pinagsanib na lakas ni Arfiona at Azinaya. Taguypay ang kumbinasyon ng dalawa. Pero bago pa man magdiwang si Azinaya at Arfiona ay naganap ang pagbabago kay Ermidion.

Tumodo ang lakas nito sa pinakahangganan at nagkaroon ito ng kakaibang baluti na kulay itim. May nakaukit sa dibdib nito na mukha ng isang nakakatakot na halimaw.

Nalagay na naman sila sa alanganin sa isang maikling sandali lang. Tuluyan ng nangibabaw ang napakalakas na kapangyarihan ni Ermidion.

Muling sumugod si Arfiona at Azinaya pero bawat wasiwas ng espada ni Ermidion ay napapatalsik ang dalawa pero paulit-ulit na umaatake.

Naitikom niya ang mga kamao. Nagtagis ang mga bagang niya. Masyado ng napakalakas ng kalaban nila at walang sino man sa kanila ang may kakayahang talunin ito.

Pero..

May sinabi sa kanya si Gargamus na maaaring tanging pag-asa nila.

Puso at isipan.. Napakamot siya ng sunud-sunod sa ulo hanggang sa guluhin na niya ang buhok.

Sa papaanong paraan niya pag-iisahin ang puso at isipan nilang dalawa ni Gargamus?

Nagkaroon ng sunud-sunod na mga pagsabog. Si Arfiona at Azinaya ang may gawa nito. Pero hindi man lang gaanong naapektuhan si Ermidion.

Ano na ang gagawin niya ngayon? Kapag hindi siya nakagawa ng paraan ay maraming papaslangin ang dating hari ng mga diablo na si Ermidion. Ang isang kamatayan ay masusundan pa ng maraming kamatayan.

Kailangan na niyang subukang maging isa silang dalawa ni Gargamus. Iyon na lang marahil ang tanging paraan para malagpasan ang tiyak na kamatayan. Kailangan na din niyang maging halimaw at diablo.

Kung hindi niya gagawin ay marami pang buhay ang tiyak na susunod na mapapahamak. Bilang hari ng dalawang lipi ay tungkulin niyang masigurong ligtas sa panganib ang buhay ng nakararami.

Pero.. Sa papaanong paraan?

Napailing siya ng marahas. Batid niyang maraming buhay ang masasayang kapag hinayaan niya si Ermidion sa hangarin nito. Pero sa anong paraan niya mapipigilan ang pagdanak ng dugo? Hangal si Ermidion. Wala na ito sa wastong pag-iisip. Hindi na ito nakakapag-isip ng tama. Ang tanging idinidikta ng isipan nito ay matupad ang hangarin nitong puno ng karahasan.

Nagkaroon na naman muli ng sunud-sunod na pagsabog. Dahil ito ng pagsusumikap ng dalawang importanteng babae sa buhay niya na pigilan na maisakatuparan ang maitim na hangarin ng kalaban.

Pero tulad ng mga naunang pagsabok. Nawalan din ng saysay ang ikalawang pagpapasabog.

Kailangan niyang gamitin ang pagkakataon na lumalaban ang dalawa. Kailangan niyang subukang makamit ang tanging huling pag-asa nilang lahat.

Naupo siya ng idian si ang kaliwang kamay ay nakapatong sa kaliwang hita. Ang espada sa kanang kamay niya ay nakatusok ang dulo sa lupa. Ipinikit niya ang mga mata. Inalis ang ano mang bumabagabag sa isipan niya at sinimulang isipin si Gargamus.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon