62: Blood Moon

1.7K 66 12
                                    

Dedicated to mirADELo17

Arfiona's Third POV

Isa talagang malakas na kalaban si Askar Morgoria. Natapatan nito ang kanyang atake ng walang kahirap-hirap. Karapat-dapat nga ito sa titulong hari ng mga halimaw. Totoong isa nga ang kalaban niya na isa sa mga pinakamalakas sa buong Elfiore. Talaga bang tinalo ito ng kanyang ama? Bata pa siya ng hamunin ni Askar ang kanyang ama. Naglaban ang dalawa at nanalo ang ama niya. Pero hindi niya maalala ang buong detalye ng pangyayari. Musmos pa siya noon at wala pang alam sa pakikipaglaban. Isa lang ang kalaro niya ng kamusmusan niya at iyon ay walang iba kundi si Azina. Ang matalik niyang kaibigan.

Isang malakas na pagsabog ang gumulantang sa diwa niya. Nagkaroon ng makakapal na alikabok sa buong paligid. Ilang minuto ang lumipas at napawi ang makakapal na alikabok sa pinangyayarihan ng labanan. Parang langgam na nagkalat ang mga bangkay. Hinanap ng paningin niya kung sino ang pumaslang sa buong pwersa ng mga kalaban. Nasipat ng paningin niya si Xander. Kulay itim pa rin ang balat nito sa itaas na bahagi ng katawan. Nakakaramdam siya ng isang napakalakas na pwersang nagmumula sa katawan nito. Sa mga panahon na nakasama niya si Xander. Ngayon lang niya namalas ang ipinapakita nitong pwersa. Ngayon lang niya nalaman na may malakas itong kapangyarihan na itinatago.

Muli niyang ibinaling ang paningin sa kalaban. Naghihintay lang ito na muli siyang bumaba para magpatuloy ang paglalaban nilang dalawa. Malakas ang kalaban niya at alam niyang may ilalakas pa ito. Hindi pa pinapakita ni Askar ang lakas na ginamit nito ng kalabanin nito ang kanyang ama. Bababa na sana siya ng biglang atakihin ni Xander ang hari ng Morgoria. Simpleng sipa lang ang ginawa nito sa tiyan ng kalaban pero tumalsik ito na parang bulalakaw ng malayo. Kaagad siyang bumulusok ng lipad pababa at lumapag sa tabi ng asawa.

"Xander, ako ang kalaban niya. Ako ang dapat tumalo sa kanya." Marahan niyang sabi.

"Nakita ko kung paano niya buhayin ang mga namatay ng kalaban. Kung hindi ko siya tatapusin malamang na buhayin na naman niya ang malaking pwersa ng mga kalaban." Sabi nito ng hindi tumitingin sa kanya.

"Alam ko yon pero ipaubaya mo na siya sa akin.."

"Bakit pinatatagal mo pa ang laban, Arfiona? Makakaya mo naman siyang tapusin ng mabilisan. Bakit hindi mo ginagamit ang kapangyarihan ng diablong phoenix?"

"May dahilan kung bakit hindi ko pwedeng gamitin ang kapangyarihan ng diablong phoenix. May kailangan akong impormasyon sa kanya!" Saka pumunta sa unahan ni Xander. "Magtiwala ka lang.. Matatalo ko siya gamit ang karmosa ng Leviathan!" Paniniguro niya.

Nakita niyang bumangon sa pagkakasubsob si Askar. Iniling-iling nito ang ulo na parang nahilo at ibinabalik ang wisyo. Pagkatapos ay patakbo itong sumugod sa direksyon nilang dalawa ni Xander. Nang makalapit ito ay ang asawa niya ang sinugod. Malakas nitong pinalakol ang magiging hari ng dalawang lipi. Pero laking gulat niya at mas lalong ikinagulat ni Askar ang sumunod na nangyari. Sinalo ni Xander ng kaliwang kamay ang malaking palakol na may magkabilaang talim.

"I-isa kang h-halimaw!" Hindi makapaniwalang sabi ni Askar.

"Morgorian, ako ang kalaban mo!" Singit niya.

Inihagis ni Xander ang malaking palakol sa gawing kaliwa nito. Kasamang tumalsik si Askar. "Arfiona, kung ano man ang kailangan mo sa kanya. Talunin mo siya sa pinakamalakas na teknik ng karmosa mo." Pagkasabi nito ay tumalikod na ito at umalis.

Muling bumangon si Askar at marahang naglakad sa direksyon niya. Hindi man aminin ng kalaban niya ay naapektuhan ito ng ginawa ni Xander. Tama nga ito sa sinabi kanina. Isang halimaw si Xander. Ang nilalang na nakatakdang maging hari ng dalawang lipi. Ang naghahangad ng pagbabago sa sangkalahatan.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon