15: Acranian Training

2.4K 116 53
                                    

XANDER'S THIRD POV

"Hepa, wala bang time-out?! Bugbog sarado na ko kanina pa!" Angal nya. Naroon ng tadyakan sya at ihagis habang nakikipag-espadahan kay Naruk.

Sumenyan si Hepatetrus kay Naruk na tumigil. Nahalata siguro ng heneral na kanina pa sya pagod. Uhaw na uhaw na nga sya at hapong-hapo.

Pinagmasdan nya ang katunggali. Mukhang hindi man lang napagod at mukhang ganadong-ganado pa!

Tinamaan ng lintek! Ako pagod! Yong kalaban ko excited pa rin! Nasan ang hustisya!!!!!! Reklamo nya sa isipan!

Gawin ba naman syang praktisan. Eh sya nga itong nagsasanay!

Bakit ba kasi naibigay pa nya ang karmosa? Eh doon nga sya strong!

Weak nga sya!!!!

"Kamahalan, magpahinga ka muna. Maya-maya ay magsisimula na ulit ang pagsasanay." Pagpapahayag ni Hepatetrus.

"Thank you, Lord! Penge tubig!" Lumapit sya sa tabi ni Hepatetrus at naupo sa lupa.

"Naruk, ikuha mo ng maiinom ang kamahalan." Utos ng heneral.

Kaagad namang tumalima ang nakatunggali. Lumapit ito sa bahay at pumasok. Nang lumabas ay may dala ng isang pitsel na tubig at iniabot sa kanya.

Kaagad nyang inabot at tinungga. Maraming lagok ang nagawa nya. Ikaw ba naman ang makalaban si Incredible Hulk. Di ka ba hihingalin na parang kabayo.

"Simula bukas mula umaga hanggang tanghali. Sa pagpapalakas ka ng katawan tututok, kamahalan. Maraming kulang sayo." Sabi ng heneral.

"Hepa, yon siguro kakayanin ko pero ang kalabanin si Manong Usa." Napailing sya. "Hindi pa kaya ng powers ko."

Natawa si Hepatetrus. "Kamahalan, sa antas mo ay tatalunin ka pa ng mga batang Acranian. Ang karmosa lang ang nagdadala sayo."

"Hepa, nang-aasar ka ba?" Angal nya na lalo nitong ikinatawa.

"Ang isang Acranian ay matibay sa lahat. Sa murang edad pa lamang ay hinahasa na sa pakikipagdigma. Ang lahi ng Acranian ang pinakamagaling sa lahat ng mga lahi. Nasa sandata rin ng Acranian ang makakatalo sa mga nagtataglay ng karmosa." Litanya ng heneral.

"Hepa, paano ba maging kasing lakas mo?" Usisa nya. Gusto nya talagang maging kasing lakas ng heneral. Nagawa nitong talunin ang Iluminatos sa maikling sandali. Bagay na di nya magawa.

Ngumiti ang heneral. "Ginagawa mo na ang unang hakbang, kamahalan."

Ano na kaya ang ginagawa ni Arfiona?

"Hepa, si Arfiona nga pala? Anong oras sila babalik dito?" Hindi tuloy nya napigilan magtanong.

"Hindi sila banalik dito sa loob ng isang linggo, kamahalan." Tugon ng heneral.

Napatingin sya bigla kay Hepatetrus. "Bakit naman?"

"Sa itaas na bahagi sila ng kabundukan magsasanay." Saka tinungo ang bahay pahingahan.

Muli syang uminom. Si Naruk ay matamang nakatitig sa kanya.

Nakaramdam tuloy sya ng pagkailang. Marahan nyang inalok ng tubig ang kasama pero tumanggi ito.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon