26: Master Swordsman part three

1.8K 92 17
                                    

Dedicated to NorvitBituin and michellemartelino1

Xander's Third POV

Hapon na at patuloy pa rin sya sa pagsasanay. Napatigil sya dahil napatingin sya sa tinitingnan ng dalawa nyang kasama sa itaas.

Sinipat nya ng mabuti ang paparating. Isang dambuhalang ibon!

"May bisita tayo." Sabi ni Harmulus.

Tuluyang nakalapit ang dambuhalang ibon hanggang sa pumaikot na ito sa itaas ng barko. Maya-maya pa ay lumapag si Zerfione at Arfiona!

Napahinto na sya ng tuluyan sa pagsasanay. "A-Arfiona.." Mahina nyang sabit habang magkahinang ang paningin nilang dalawa.

Mabilis syang nilapitan ni Arfiona at sinapak! At pagkatapos ay niyakap sya ng mahigpit.

"Ang sarap ng pasalubong mo sa kin, Arfiona! Sapak muna bago yakap!" Angal nya.

Inangat ni Arfiona ang mukha. Parang luhang gustong pumatak ang nakikita nya sa mga mata nito. Tapos..

Bigla na lang nangyari..

Hinahalikan sya ni Arfiona at sya naman ay gumanti rin ng halik. Parang huminto ang orasan sa pagitan nilang dalawa. Parang silang dalawa lang ang nasa barko.

"Awat na!" Pinaghiwalay silang dalawa ni Zerfione at niyakap sya nito at kumalas. "Kumusta ka na? Hindi ka ba pinapahirapan ng husto ng dalawa mong barbarong kasama.

Ang sama ng timing! Nasa heaven na eh! Naudlot pa!!!!!! Hiyaw nya sa isipan.

Pero kakaiba ang nararamdaman nya kay Zerfiona. Parang pagmamahal ng isang ina ang ipinapakita nito sa kanya. At gaanoon din ang nararamdaman nya kay Adilion. Kay Harmulus naman ay nakatagpo sya ng isang kaibigan.

Hinila ni Adilion si Zerfione. "Wag kang nanggugulo sa dalawa!" Saway nito sa asawa.

Nagkatinginan na lang silang dalawa ni Arfiona at nagkangitian. Pagkatapos ay hinila nya si Arfiona sa gilid ng barko at isinuksok ang espadang ginagamit nya sa pagsasanay.

"Bakit ikaw lang ang bumisita? Nasan na ang iba?" Usisa nya.

"Abala sila sa isla." Nakangiting sagot ni Arfiona. "Ikaw. Kumusta ka na?"

"Heto walang ginawa kundi magsanay mula umaga hanggang gabi. Kain at tulog nga lang ang pahinga ko!"

Natawa ito at nahawa na rin sya sa pagtawa. Nagrereklamo na pala ang dating ng mga sinabi nya.

"Lalakas ka pa, Xander. Tinutulungan ka ng dating hari ng Acrania."

"Mahirap pero kinakaya ko naman. Kailangan eh!" Nakangiti nyang sabi.

"Alam kong kaya mo yan. Ikaw ang babago sa kasaysayan."

"Oo." Tumingala sya sa langit. "Kailangan kong lumakas pa para matalo si Ermidion. Akala ko malakas na ko. Akala ko yakang-yaka ko ang paglaban sa kanya. Pero ipinamukha sa kin Harmulus na pagdating sa totoong laban. Mabibilang lang ako sa mga bagito. Marami pa kong dapat matutunan. Marami pa kong dapat pagdaanan." Seryoso nyang sabi.

"Bakit bigla ka yatang naging seryoso? Wala ka bang tiwala sa mga taglay mong karmosa?"

"Mahina pa rin ako, Arfiona. Kahit ang dami kong karmosang taglay. Kailangan ko ang pagsasanay na to para punan ang mga kahinaan ko at palakasin."

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon