Xander's Third POV
Gabi na naman. Nakakampo sila sa gilid ng kabundukan. Isang muskiting ang kasalukuyang iniihaw ni Marsuk. Si Azinaya at si Arfiona ay wala. Naliligo ang dalawa sa isang talon.
Ipinagtataka nga nya kung bakit mas pinili ng dalawa na maligo ng madilim. Pwede namang bukas ng umaga.
Lumapit sya kay Marsuk. "Manong Green, matagal pa ba yan?" Gutom na sya.
"Sunduin mo na yong dalawa. Pagbalik nyo luto na to." Tugon nito na hindi sya tinitingnan.
Napalunok sya. "Manong Green, papatayin mo ba ko? Naliligo yong dalawa!"
"Sino susundo? Alangan naman ako? Hindi naman ako ang mapapangasawa ng dalawa!"
May point don si Manong Green. Ok lang na mabosohan nya ang dalawa. Tutal naman ay mapapangasawa nyang pareho. Pero isipin pa lang nya ay dudugo na ang ilong nya!
"Wag ka ng magpakeme-keme. Wag mong sayangin ang pagkakataon." Sulsol pa ni Manong Green.
Maulap ang buong kalangitan. Madilim ang buong paligid.
Nilapitan siya ni Serafina. Parang hindi ito mapakali at may gustong sabihin sa kanya.
"Fina, natatae ka ba?" Tanong nya.
"M-may kailangan kang malaman, kamahalan. Gabi ngayon ng Dugong Buwan."
"Ako na ang magsasabi." Awat ni Manong Green.
Nagpaubaya naman si Serafina.
Napatingin sya kay Manong Green. "Problema nyong dalawa?" Pasuspense!!!!!!
"Xander ang dahilan kung bakit naligo ang dalawa ay dahil inihahanda nila ang sarili nilang dalawa bilang pagtanggap na maging kabiyak ka ngayong gabi." Paliwanag ni Manong Green.
Kamuntik ng dumugo ang ilong nya! Hindi mahirap hulaan ang ibig ipahiwatig sa kanya ni Manong Green.
Pumasok sa isipan nya ang imahe ni Arfiona at Azinaya na walang saplot at kapwa nakapulupot sa kanya.
"Teka lang Manong Green! Bata pa ko para sa kanyan!" Protesta nya.
"Xander, Ang Dugong Buwan ay isang hudyat sa lahat ng mga prinsesa na makipagdaupang palad ngayong gabi. Kung hindi mo gagawin iba ang gagawa at magdurusa si prinsesa Arfiona at Azinaya."
"Teka! Di ba si Arfiona lang ang prinsesa sa dalawa." Napabaling sya kay Serafina. "Di ba?"
"Si Azinaya ay isang prinsesa ng Acrania, kamahalan." Amin ni Serafina.
"Di nga? Yong totoo?"
"Nagsasabi ko ng totoo, kahalan."
Nahawi ang makakapal na kaulapan sa kalangitan. Naging kulay pula ang langit at tumambad ang isang buwan na kawangis ng dugo ang kulay. Animo dumudugo ang kalangitan.
"Anong nangyayari?" Usisa nya.
"Ang hudyat ng pagsisimula." Sabi ni Serafina.
"Magmadali ka, Xander. Nasa panganib ang dalawa!" Natatarantang sabi ni Manong Green.
"Bakit? Naguguluhan ako. Ang bata ko pa!" Angal nya!
"Ang mga prinsesang walang nakadaupang palad ay naglalaho kasabay ng Dugong Buwan! Maglalaho silang dalawa sa loob ng isang oras! Magmadali ka na!" Paliwanag ni Manong Green. "Alalahanin mo ang orakulo. Silang dalawa ang mapapangasawa mo at hihiranging hari ngaung gabi." Dagdag pa nito.
"Di ko kaya!" Amin nya!
"Magpakalalake ka, Xander! Ikaw lang ang makakapagligtas sa dalawa!"
"Pakiusap, kamahalan. Iligtas mo silang dalawa." Pagsusumamo ni Serafina.
BINABASA MO ANG
THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)
FantasyHIGHEST RANK #36 IN FANTASY (PERO DATI PA YON) Ano ang gagawin mo kapag aksidente kang napunta sa isang kakaibang mundo? Isang mundo na pinamumugaran ng mga halimaw at mga diablo. At ang tanging susi para makabalik ka sa mundo ng mga tao, ay nakasal...