XANDER'S THIRD POV
"Nasan ang mga kalaban?!" Pinagmasdan nya ang tatlong higanteng bangkay.
"Wala na!" Inis na sabi sa kanya ni Arfiona.
"Mabuti naman! Dahil di nila matitikman ang bangis ko!" Pagyayabang nya.
"Sa pagtatago o sa pakikipaglaban?" Natatawang tanong ni Manong Green.
Nasa kabayo na sila at tinatahak ang kahabaan ng mabatong ilog. Kapag lilingon sya sa likuran nila ay nakikita pa rin nya ang mga higanteng bangkay.
"Manong Green, nataranta lang ako kanina sa laki nila. Pero ngayon kalmado na ko. Sindak de gulat ang ginawa sa kin eh. Puro weak naman pala!" Hirit pa nya.
"Oo na! Ikaw na ang malakas. Ikaw na ang magiting. Blah! Blah! Blah!" Natatawa pa rin sabi ni Manong Green.
"Aking hari, huwag kayong mabahala. Ang espada ko ay para lang sa paglilingkod sayo." Sinserong sabi ni Azinaya.
Napangiti sya ng husto. "Azinaya, ako na ang bahala sa iba pang Bakwayan. Hindi uubra sa kin ang mga weak na yon!"
"Ikaw ang masusunod, Haring Dragon." Sabi na lamang ni Azinaya.
"Baka naman ikaw ang mahina." Si Arfiona.
"Ako weak? Nasan na yang mga Bakwayan na yan!"
Yumanig na naman ang lupa. Sa pagkakataong ito ay mas malakas. Pagkatapos ay nasulputan ang na limang Bakwayan. Sa malayong unahan nila.
"Ayan na ang mga hinahanap mo." Babala ni Manong Green.
"Ako na ang bahala sa kanila." Prisinta ni Azinaya.
Napa-snob sa kanya si Arfiona. "Ang akala ko ba ikaw ang bahala sa kanila, mahal na hari?" May kalapit na sarkasmo sa tinig nito.
Tumikhim siya. Kung nagawang paslangin ng mga kasama nya ang tatlong mga nauna. Kakayanin din nyang paslangin ang ikalawang bugso ng mga kalaban.
"Ako na ang lalaban." Sabi nya.
"Sigurado ka?" Paniniguro ni Manong Green.
Ngumiti sya ng husto. "Sisiw na sisiw lang sa kin mga yan." Sabi nya.
"Ikaw may sabi niyan." Sabi na lamang ni Manong Green.
Huminto ang limang higanteng Bakwayan malapit sa kanila. May mga trosong hawak. Tanaw ng mga ito ang tatlong mga kasamang walang buhay. Pagkatapos ay gumawa ng nakabibinging ingay ang mga ito.
Bumaba sya ng kabayo nya. Alam nyang susugod na ang mga ito.
"Karmosa." Sambit nya. "Shamakdu!" Pagkaraan ay sabi nya ng maging espada ang karmosa nya.
Nang susugod na ang limang Bakwayan ay bigla syang nawala. Ineespada nya ang kanang balikat ng nauna. Ang pangalawa ay inespada nya ang kaliwang hita. Ang ikatlo ay inespada nya sa leeg. Pagkatapos ay lumitaw sa harapan ng mga ito.
Bumagsak ang dalawa. Ang isa ay nawalan ng buhay. Ang pinutulan nya ng balikat ay naghuhumiyaw sa sakit at napaluhod.
Ang dalawang walang tama ay marahas na sumugod sa kanya. Na iniilagan nya ng walang kahirap-hirap ang hampas ng mga troso.
"Isa talaga syang hari!" Bulalas ni Manong Green.
Inespada nya sa kaliwang tagilira ang mas malapit sa kanya. Nahati ito sa dalawa ng bumagsak. Ang isa pa ay inespada din nya sa leeg at napugutan ng ulo.
Ang natitirang buhay na lang ay ang nawalan ng kanang balikat at kaliwang hita.
"Xander, tapusin mo ang dalawang napinsala mo!" Sigaw ni Arfiona.
BINABASA MO ANG
THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)
FantasyHIGHEST RANK #36 IN FANTASY (PERO DATI PA YON) Ano ang gagawin mo kapag aksidente kang napunta sa isang kakaibang mundo? Isang mundo na pinamumugaran ng mga halimaw at mga diablo. At ang tanging susi para makabalik ka sa mundo ng mga tao, ay nakasal...