28: Orsales

2.1K 86 30
                                    

Dedicated to TinyYuki and jeromedeguia54

Xander's Third POV

Nakikita nila ang mga kawal ni Ermidion sa paligid. Sinasamantala ang kahinaan ng mga mamamayan ng Orsales. Pinagmamalupitan at hindi magawang lumaban ng mga mamamayan.

"Sumasakit ang mga mata ko sa mga nakikita ko." Amin nya. Naglalakad sila sa mga kalye ng Orsales.

"Nasakop na ang bayang ito ni Ermidion." Tugon ni Azinaya. "Maaaring nasa tanggapan sila ng tagapangasiwa ng bayang ito."

"Ano na ngayon ang gagawin natin?" Usisa ni Serefina.

"Sa ngayon hayaan muna natin sila. Pumunta tayo sa pinakakuta ng mga diablo." Tugon nya.

Ang sinabi nya ang nasunod. Naglibot sila sa Orsales para hanapin ang pinagkukutaan ng mga diablo.

Sina Adilion ay nanatili sa barko.

Hindi nagtagal at nasa harapan sila ng gate ng pinagkukutaan ng mga galamay ni Ermidion. May apat na bantay sa labas ng pintuang bakod. Pawang armado ng kani-kanilang sandata.

Nilapitan sya ni Manong Green. "Maghintay muna tayo ng tamang pagkakataon. Pag-aralan muna natin ang mga kilos nila." Suhesyon nito.

"Sang-ayon ako, kamahalan." Singit ni Albion.

Pinagmasdan nya ang apat na gwardya. "Dito lang kayo." Saka biglang tinakbo ng ubod ng bilis ang apat na gwardya at inespada.

Wala ng buhay ang apat na diablo ng magsibagsakan sa lupa. At nakatawag ito ng pansin sa mga nakapaligid sa kanila. Naghintuan ang mga ito sa pagkilos at bakas sa mukha ang takot.

Nagmamadali syang nilapitan ni Arfiona. Alerto ang mga mata ng prinsesa ng mga diablo.

"Anong ginagawa mo? Wala sa napag-usapan ang umatake agad!" Reklamo ni Arfiona.

"Umatras ka." Utos nya at saka nilapitan ang gate at tinadyakan ng ubod lakas.

Malakas ang naging pagbalandra ng pinto. Ang mga kawal sa loob ay naging alerto. Nagmamadaling sumugod ang mga ito.

"Arfiona, umatras ka." Muling utos nya ng nahalata nyang sasabak sa labanan ang unang asawa nya.

Tinitigan sya ni Arfiona bago ito umatras.

"Kamahalan, wag muna tayong magmadali. Pag-aralan muna natin ang sitwasyon." Pigil ni Azinaya.

Hindi sya natinag kay Azinaya. Gusto na nyang wakasan ang pananakop sa bayan.

"Pakiusap.." Muling hirit ni Azinaya.

May tumapik sa kanang balikat nya. Nang lingunin nya ay si Albion ang nabungaran nya. Umiling ito.

"Ano pa ba ang hinihintay natin? Sa isang kisapmata ay makakaya kong maghatid ng delubyo sa mga diablong kaaway natin." Usisa nya.

"Kamahalan, maaaring malagay sa peligro ang mga bihag nila. Kung gusto mong iligtas ang bayang ito. Dapat mo munang isipin ang kapakanan ng mga mamamayang naninirahan dito." Paliwanag ni Azinaya.

"Tulad ng ano? Di pa ba sapat na ililigtas natin sila?"

"Iyon ang pakay natin. Umatras muna tayo para maipaliwanag ko sayo ng mabuti."

Ang mga kawal ay nagtitipon-tipon na sa kaguluhang naganap.

Napatango sya. "Umatras muna tayo. Hayaan natin silang mag-isip na hindi natin sila kaya." Saka tumalikod at tumakbo.

THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon