XANDER'S THIRD POV
"Acrania?" Usisa nya. "Asawa ko?" Napangiti sya ng husto.
Pero kung magiging asawa nya ang nagpakilalang Azinaya. Bakit sya inatake nito sa gubat?
Tumango ito. "Ako ang makakadaupang palad mo alang-alang sa kinabukasan ng Acrasia."
"Paanong nangyari yon?" Usisa niya.
"Ako bilang huling hanay sa sagradong lahi sa Acrania. Ay nakatakda mong punlaan. Ang prinsesa ng mga diablo ay ibang usapan." Paliwanag ni Azinaya.
Napangiti na talaga sya ng husto. Pano ba naman kasi mukhang inambunan siya ng sobra-sobrang swerte! Kaw ba naman may mapapangasawa na dalawang bebot. Di ka ba magtatatalon sa tuwa?
Ang nakapagtataka lang ay kung bakit binansagan syang hari ng dalawang lipi.
Ano nga ba talaga totoo sa biro lang? Magiging hari ba sya o isa na syang ganap na hari.
"Arfiona, baka naman pwedeng ipaliwanag mo sa kin ang nangyayari?" Tanong niya.
"Magiging kabiyak mo ko, Xander. At gayon din ang babaeng Acrania." Simpleng paliwanag ni Arfiona at saka tumayo na mula sa pagkakaluhod.
Tumayo na rin si Manong Green. "Isa itong tadhana." Ang tanging nasabi nito.
Naguguluhan pa rin sya. Ano bang daan ang tatahakin nya?
"Saan na tayo pupunta ngayon?" Usisa niya.
"Ang iligtas si Tarnacio Acrania." Matatag na tugon ni Azinaya.
"Ang tapusin ang pekeng hari ng mga diablo." Sabi naman ni Arfiona.
Ano ba talaga? Kanan o kaliwa?
"Magkaibang layunin pero iisa ang patutunguhan." Sabi ng pinuno. "Ang gapiin ang umuusbong na kasamaan." Dagdag pa nito.
"Kung ganon saan ako dapat pumunta at magwala sa kapangyarihan?" Astig ko talaga!
"Sa Tartamus!" Magkasabay na sagot ni Arfiona ar Azinaya.
"Tartamus?" Pag-uulit nya. "Saan yon?"
"Kaharian ng mga kalahi ni Beelzebub." Sagot ni Arfiona.
"Ang dating emperyo ng mga diablo." Dagdag ni Azinaya.
Tumango-tango sya. "Sino ang target natin don?"
"Si Ermidion. Ang kasalukuyang hari ng mga diablo." Sagot ni Arfiona.
Tumalikod na sya. "Tayo na!" Utos nya at saka nauna ng lumakad palabas ng templo.
Bumalik na sila sa tarangkahan at pagkatapos ay sa tribo ni Marsuk sakay ni Briyana. Kakailanganin nilang maghanda sa malayong paglalakbay.
Pagkatapos nilang kumuha ng mga supply ng pagkain at tubig ay nilisan na nila ang tribo. Gabi na ang naging palalakbay nila. Bandang alas-dies na ng gabi ng magkampo sila sa kagubatan.
Si manong green ang nag-ihaw ng karne. Na kanilang kakainin samantalang kanya-kanya silang latag ng mahihigaan.
"Anong sunod na bayan ang madadaanan natin." Usisa nya habang napapagitnaan ng dalawang babae.
"Ang nayon ng Marsupre." Sagot ni Manong Green.
"Bayan ang tinatanong ko." Pag-uulit nya.
"Ang bawat bayan ay nakapaloib sa isang kastilyo o kasing impluwensya ng isang kaharian." Tugon ni Azinaya.
BINABASA MO ANG
THE LAST DEMON PRINCESS (ELFIORE 1)
FantasyHIGHEST RANK #36 IN FANTASY (PERO DATI PA YON) Ano ang gagawin mo kapag aksidente kang napunta sa isang kakaibang mundo? Isang mundo na pinamumugaran ng mga halimaw at mga diablo. At ang tanging susi para makabalik ka sa mundo ng mga tao, ay nakasal...