Page 8

24 8 0
                                    

It Was Always You
Page 8

"And that's how are story end."

Kaylee POV'
Days Passed and today is the Intramural Sports Day! Sobrang excited ko, wala man akong nasalihan na Club okay lang kung sino lang naman willing eh. And yung kay Jio after what happened at the pool hindi na kami naghabulan and ako parin naman ang Coach niya HAHAHAHAHA.

And if y'all wondering after nung sinabi ni Azriel non is umalis siya at tulala talaga ako, hindi kona siya hinabol dahil maski ako nagulat. But hindi pa ako sigurado kaya ayokong mag jump ng mga conclusions.

One more thing lagi nang magkasama sila Kaye, Hera, at Yxiale kasama sila Jinx, Kiel, at Dominic at sometimes kasama si Azriel pero umiiwas talaga ako. I always told them na busy ako or i need to do something kahit wala naman talaga. Halata naman siguro sa kanila kung bakit ayaw ko sumama.

Nakikita ko man si Azriel ay agad akong tatakbo o magtatago dahil hindi ko talagang kayang harapin siya. Hindi ko kaya.

"Hoi!" Sigaw ni Jio saakin.

"Ano?!" Sigaw korin sa kanya.

"Sootin mo to hehehee." Jio said at inabot saakin ang isang black plain t-shirt.

"Ano to?" Tanong ko.

"Couple tayo heheeh." He said at hinubad yung jacket niya at nakita ko naman na naka black plain t-shirt din to.

"No." Seryosong sabi ko.

"Dali na ahhh. Laban ko naman ngayon eh." He said at nag pout pa ang loko.

"Pwease?" P-pota.

Ang kyut niya!

"Oo na. Magpapalit lang ako." I said at ngumit naman ito.

Dumiretso ako sa Bathroom at pumunta sa cubicle roon.

Hinubad ko yung damit ko at sinoot yung t-shirt na binigay ni Jio, tinuck-in ko sa short ko and maganda naman siya pares na pares sa white converse shoes ko.

"Grabe ang gwapo ni Jio no!" Rinig kong tawa ng mga babae.

"Kaya nga eh. Answerte ni Kaylee." Rinig kopang sabi ng isa.

Hala? Ano daw?

"Sila? Bakit hindi ako update huhu." Sabi pa nung isa.

"Bagay naman sila no. Atsaka mabait naman si Kaylee." Well mukhang may fans ako ahh.

"Pero wala paring tatalo kay Nikolai at Roxy no!" Kilig na sabi nung isa.

"Mismo!" Sabay na sabay na sagot ng kasama nila.

Umupo ako roon at tulala lang.

May part saakin na naniniwala sa sinabi ni Azriel pero may part saakin na wag. Imposibleng mahal pa ako ni Azriel. Kilala ko siya. Halatang mahal niya si Roxy.

Ever since ng dumating ang mga tunay na magulang ni Azriel nagkalabuan na kami. Marami siyang ginagawa at ako ren. Busy siya at ako rin. Halos hindi na kami nagkikita non at hindi rin nagpapansinan. Sa totoo lang lagi ko silang nakikitang magkasama ni Roxy nun, kaya sobrang nagselos ako. At ilang araw din ang lumipas doon ko nalang nalaman na pinagkasunduan sila. Pero hindi ako naniwala dahil inaantay kong si Azriel mismo ang magsabi saakin non pero kahit isang salita wala ang narinig sa kanya. Hanggang sa isang gabi ay hindi tumawag ang Nanay niya at Tatay o yung mga nag alaga kay Azriel na hindi pa raw ito umuuwi sa kanila buhat ng dumating ang mga tunay na magulang niya at magkagulo. Doon na ako nagduda pero ayokong maniwala, sabi ni Azriel saakin ay umuuwi siya sa Nanay at Tatay niya pero mukhang hindi totoo iyon dahil hindi pwedeng nagsisinungaling lang saakin sila Nanay at Tatay dahil kilala ko sila.

Hinanap ko ng gabing iyon si Azriel at doon ko nalaman na may Apartment pala siyang tinutuluyan na famillar talaga saakin. Nasa harap na akong ng Apartment ni Roxy at hindi ko alam kung paano ako papasok, nang kakatok ako ay biglang bumukas ang pinto at hindi ko alam pero kinabahan ako. Pero pumasok parin ako, nag dahan-dahan lang ako at ng makapasok ako ay nakita ko yung sapatos ni Azriel at heels ni Roxy, doon rin ako nakakita ng damit ni Roxy at Azriel, umaamoy ng alak sa buong sala na iyon at hindi ko alam pero tahimik parin akong lumabas.

Hindi ko alam ang gagawin ko ng makalabas ako, andami kong iniisip. Walang alam si Azriel na nagpapakahirap akong mag-aral non para ipagmalaki sa magulang niya na kaya kong buhayin si Azriel kahit wala sila, na kaya kong magtrabaho para sa kanya. Pero sampal na salita, sampal sa pisngi ang inabot ko. Hinding-hindi nila ako magugustuhan kahit kailan, kaya nung gabi ring iyon ni hindi ko alam kung paano ako nakauwi kahit na kung ano ano ang iniisip ko at nasa isip ko.

Lumipas ang mga araw na tulala ako at wala sa sarili, umiiyak gabi-gabi, nagaaral buong magdamag hanggang sa dumating yung araw na nagkita kami ni Azriel at kitang-kita yung malalapad niyang ngiti habang nakatingin saakin pero ako? Hindi ko ramdam iyon, dahil ang totoong ngiti ni Azriel mula sa mata hanggang puso mararamdaman mo talaga.

Diniretso ko si Azriel at nakipaghiwalay ako ng walang paliwanag o kahit ano. Iniwan ko siyang tulala roon. Hinabol niya ako pero hindi ako nagpatinag, kahit pa nagmakaawa siya ay hindi ko nagawang maawa sa kanya. Sobra sobra na ang nangyayari, kailangan ng itigil ang lahat ng to.

Hindi ako nagsisi na nakipaghiwalay ako kay Azriel kahit may mga araw na namimiss ko siya pero part lang iyon ng pagmmove on ko at masasanay rin ako.

Kung para kay Azriel ay kasalanan ko lahat ay ayos lang saakin dahil ginawa ko ang tama. Ginawa ko lahat para sa kanya, wala siyang alam sa ginawa ng magulang niya sa Nanay at Tatay niya at wala rin siyang alam na kami na ang nagaalaga sa kanila. Samantalang doon sa pagsampal saakin at pagsabi ng kung ano-ano ng Mommy ni Azriel? Wala nayon, maayos na ako. Ayos na saakin yung walang nalaman na kahit isa si Azriel sa mga ginawa ko lalo na sa nakita ko sa Apartment ni Roxy nung gabing iyon. Walang makakaalam kundi ako lang at wala ng iba.

"The more you love. The more you suffer."

×××
Thank you for reading! Have a nice day!

Kindly vote for my stories and follow me <'3

×××

Twitter: @ghostified_me
Instagram: @ghostified_me

It Was Always You | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon