Page 37

21 6 0
                                    

It Was Always You
Page 37

"A year changes you a lot."

Kaylee POV'
"Grabe ang haba ng buhok mo tapos tumangkad kana rin." Naiiyak pa na sabi ni Hera.

"Ga*a ka talaga. Wala man lang goodbye picture tapos umalis kana." Hampas pa ni Kaye sa balikat ko na ikinataas ng labi ko.

"Ano ba nag bakasyon lang naman ako eh." Sagot ko.

"Bakasyon? Pagbalik may tatlong branches na! May bato kaba?" Inis na sabi ni Kaye.

"Jinx ohh, yung shota mo." Sumbong ko kay Jinx na tumatawa lang.

"Kamusta naman kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Maliban sa namiss ka namin eh natira naman na kami." Hera said na ikinanlaki ng mata ko.

"Babe just say your not a virgin anymore. Hindi yung natira." Seryosong sabi ni Kiel na ikinatango ni Hera.

"Aba bakit akala niyo kayo lang?" Ngising sabi ko.

"Nag s*x kayo ni Nikolai ng minor?" Napataas naman yung boses ni Kaye na ikinatingin saamin ng mga tao roon.

"G*ga asa edad na kami nun, tska mukha bang nabuntis ako?" Saad ko rito at humigop ng inumin.

"Aba what if nabuntis ka non? Edi isa ka sa mga unemployed na babae na minor na sasabihing i normalize ang teenage pregnancy." Irap na sabi ni Hera na masyadong overthinker.

"Hindi unemployed, mayaman si Kai no." Kiel said.

"Yeah tsaka susustentuhan ka naman nun." Jinx said.

"Ang layo na ng narating ng utak niyo." Turo sa kanila ni Kaye.

"Kita niyong andito si Kaylee eh tapos nasa States na yang si Nikolai." Dagdag niya pa na halos manlaki yung mata ko.

Tumayo ako at hinampas yung lamesa, "Si Ely??!!? Asan!!???" Nagulat naman sila sa sigaw ko na ikinatingin na naman ng tao saamin.

Hinila naman ako paupo ni Kaye dahil sa kahihiyan.

"Hindi mo alam?" Sabay-sabay na sabi nilang apat na ikinatango ko naman.

"Where is she!?!" Sigaw ni Yxiale roon na ikinagulat na naman namin.

Ng makita niya ako ay agad na lumapit ito saakin at niyakap ako na para bang antagal kong nawala.

"Oh my god! It is really you!" Masayang sabi nito sabay halik ng napakarami saakin.

"Boo tirhan mo naman ako para mamaya." Hila sakanya ni Dominic na ikinatawa ko.

"PSHH." Yxiale said at tuwang tuwa talaga ng makita ako.

"Hay nako maupo nga kayo." Kaye said at naupo naman kami.

"So anong ganap?" Dominic asked.

"Kailan umalis si Ely?" Tanong ko.

"Nung umalis ka. Nabalitaan narin namin." Hera said na ikinabagsak ng balikat ko.

"Paano na ako?" Naiiyak na sabi ko.

"G*ga wag kang umiyak." Kaye said.

"Oh right! I saw this article." Yxiale said at kinuha yung cellphone niya.

"Owner of Calafiore Company, Mr. Cassian and his Wife Mrs. Levana said that their Son Mr. Azriel Nikolai was ready to inherit all of the assets of his Parents. And it was announced that Calafiore Family are going back in Phillipines to have an Engrande Event here to officially announce the Heiress of the Calafiore Assets." Yxiale said that we are all shock. It was really hard to believe that but Ely was really amazing.

"I can't believe we had a friend like him." Kiel said na natawa naman kami.

Ely was really amazing. I am so proud of him.

"Kailan kaya ang balik?" Kaye asked.

"Let me ask my Father about that." Jinx said.

"Well I'm pretty sure na mga mayayamang pamilya ang invited roon. And we're just nothing kaya, Family lang ni Jinx siguro ang papasukin." Dominic said and we nodded.

May invitation roon. Siguradong yun lamang ang papapasukin.

"Well i will just asked my Father guys, don't worry about it. Gagawan natin ng paraan." Jinx answered and we nodded.

Time Passed at dahil may mga trabaho pa sila eh nagsipag paalam na. I'll see them tomorrow naman kaya kering-keri na. Sobrang namiss ko talaga sila huhu.

"Kamusta anak?" Mama asked me.

"Uhm... Umalis si Ely Ma." Malungkot na sabi ko sabay bagsak sa sofa.

"Pagbalik niya napakayaman niya na." Dagdag kopa.

"Nak wag kang mag alala. Kilala kapa non." Natatawa namang sabi ni Mama.

"Ma naman." Ngusong sabi ko.

"Hehehe." Nakangiti naman ito.

"Kumain kana ba?" She asked me.

"I'm not hungry." I said at dumiretso na sa kwarto ko.

I miss him so bad... How are you doing Ely? Do you miss me too? Hope your doing well there. I really really want to meet you.

...

Morning came fast and Mama was already gone when i woke up. She already left ng sunduin siya ni Papa.

Nag-iwan lang ito ng sulat na tatawagan niya ako pag-uwi nila. And i just smiled.

I took a shower and ate the food that Mama cook. Pagkatapos ay papasyalan ko si Nanay at Tatay dahil miss na miss kona sila.

I drove the car at agad naman akong nakarating sa bahay at may dala narin akong bulaklak. Sana ay nagustuhan nila ang regalo ko sa kanila hehehe.

Pagpark ko ng sasakyan ay bumaba na agad ako at masayang dumiretso sa puntod nila at nilapag yung bulaklak.

"Nay! Tay! Kamusta ho kayo?" Saad ko at naupo roon.

"Namiss niyo ba ako?" Dagdag kopa.

"Miss na miss kona kayo. Nakabantay poba kayo jaan sa taas. Isang taon narin po ang nakalipas Nanay, maayos ba kayo jan ni Tatay? Sana naman ay maayos kayo jaan dahil kami ay maayos naman po dito." Kausap ko sa kanila.

"Si Ely po? Hay nako mabuti naman po ang lagay ni Ely ngayon sa ibang bansa. Mukha namang umaasenso siya." Ngiting dagdag kopa.

"Siya nga pala, binibisita niya poba kayo? O hindi rin po kagaya ko? Pasensya na kayo saamin. Nabusy lang po kami pero hindi naman po namin kayo nakakalimutan. Mahal na mahal po namin kayo." Buntong hiningang saad ko.

"I hope you know i pray for your happiness like i pray for mine."

×××
Thank you for reading! Have a nice day!

Kindly vote for my stories and follow me <'3

×××

Twitter: @ghostified_me
Instagram: @ghostified_me

It Was Always You | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon