Page 15

31 9 0
                                    

It Was Always You
Page 15

"I just wanna be happy. Not confused, not hurt, not stressed, just happy."

Kaylee POV'
We all stopped walking when someone stopped in front of us.

Tinignan namin ito and it was him. The guy i almost hated.

Azriel Nikolai Calafiore.

Tahimik lang siyang nakatayo roon at tinignan ako. Nang magtama ang mata i saw everything. He was a mess. Halatang puyat, pumapayat, kulang sa tulog at pagod na pagod. That's not you Ely...

"We'll get going first." They said na ikinatango kolang.

I rest assured Jio by looking at him na kaya ko ito. 'Don't worry about me' I mouthed and he smiled.

He asked me to follow him and i did.

"Where we going?" I asked ng alalayan niya ako papasok sa kotse.

"Please..." Bulong nito na rinig ko naman.

I can't look at him. Pag nakita ko siya maybe maiyak nalang ako, he's really not okay.

He drove the car and i don't kung saan niya ako dadalhin.

I've known Azriel for so long. We first met when we were in elementary school, we became friends until we became junior high school and that's where it all started.

We're both 17 ng maging kami, mas matanda ng buwan saakin si Azriel that's why casual lang ang turing namin sa isat isa.

We've been together for a year and we lasted a year.

That time yun ang problema ko, we both study well para makapasok sa Maximilian University and i never thought that time na maghihiwalay kami.

That's why i stay in Maximilian University but i keep avoding him. Not showing up in front of him or more like i don't really want him to find my existence.

And I don’t know why we met again and here i am, sitting in the passenger seat with him beside me, driving.

Walang kibo si Azriel. Hindi niya ako tinignan kahit minsan.

Lumipas ang ilang minuto at mukhang namumukaan ko kung saan ako daldalhin ni Azriel.

"Don't tell me na dadalhin moko sa mga magulang mo?" Inis na tanong ko rito ngunit hindi siya kumibo at tinignan lang ako.

Bumukas ang mga malalaking gate at nagpatuloy sa pagmamaneho si Azriel. Napakalaki ng lugar na ito, ilang minuto bago kami makarating sa mansion nila.

Huminto si Azriel sa mismong harap ng mansion nila at pinagbuksan siya ng mga katulong roon. Lumabas si Azriel sa driver seat at umikot papunta sa passenger seat at pinagbuksan ako.

Inalalayan niya akong lumabas at hinawakan ang kamay ko. Tinitignan kolang yung bawat kilos at galaw niya.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at tinignan ako. Tinignan korin lang naman siya.

"Trust me." He said to me pero ramdam kong seryoso siya roon at pilit na ngumiti.

Wala akong naisagot sa kanya, sumusunod lang ako sa bawat kilos niya. Tuluyan kaming pumasok sa loob at lahat ng tao roon ay naaagaw namin ang atensyon.

Manghang mangha ako sa nakikita ko, lahat ay kimikintab sa sobrang linis, napakaliwanag at napakalaki nitong mansion nila. Kahit pa hindi ito ang unang beses na pumunta ako rito, nakakamangha.

Inalalayan ako maupo ni Azriel sa napakahabang sofa roon at lumuhod ito saakin at hinalikan ang kamay ko.

"Wait for me here." He said at tinignan ako, i looked at him and i just nodded.

"I'll be back." He said at tumayo, i was froze ng halikan niya ako sa noo.

He never failed me to give butterflies when he's doing that.

Nanatili lang ako roon at walang kibo, nagmamasid lang ako roon. Naglapag ng mga pagkain at inumin yung katulong at nginitian ko naman ito bilang pasasalamat, ganoon rin naman siya.

Ilang minuto ang lumipas at wala parin si Azriel at wala na akong choice kundi ang tumayo na. Lumapit ako sa mga larawan roon at tinignan ang mga ito.

There he is Azriel with his Parents standing in one frame and there's two girls smiling there. Mga bata ito at kamukhang kamukha ng Mommy ni Azriel samantalang si Azriel ay kamukhang kamukha ng Daddy niya.

Napansin korin yung litrato ni Azriel at Roxy na magkasama. Walang emosyon si Azriel doon sa litrato at si Roxy ay nakangiti. Seems like pinilit si Azriel dito.

Napatigil ako ng may naririnig akong hiyawan at hindi ko alam kung saan. Pilit kong sinusundan yung hiyawan nayun at mukhang narating konga. Napakalaking kwarto at nakabukas ng kaonti ang pinto, asa gilid lang ako at nakasilip ng kaonti.

"Mom she is the one i want to marry!" Sigaw na sabi ni Azriel.

"Yung babae nayon? Yung Kaylee na yon? Son baka nakakalimutan mo na siya ang dahilan kung bakit ka naaksidente at kung bakit nanlalabo yang mga mata mo ngayon!" Sigaw pabalik ng Mommy niya.

I waa shock and at the same time i can't understand what accident it is, same with Roxy. Ganoon ang sabi niya nung gabi iyon.

"No she isn't. I can't blame her Mom, she's all i want..." Azriel said na ikinatahimik ng Mommy niya.

"Dad please let me marry her. She's the only woman i want." He's about to cry.

"Ano pabang dapat kong gawin sayo? Lahat na ginawa ko para malayo ka sa babaeng iyon." Umiiyak na sabi ng Mommy niya.

"Mahal ko siya." He finally said it.

"Sigurado kabang mahal ka niya? Sigurado kabang tatanggapin ka niya? Sigurado kaba na sa kabila ng mga nangyayari ngayon tanggap kapa niya?" Sunod na sunod na tanong ng Mommy niya na wala naman siyang maisagot.

Maski ako ay hindi ko alam ang isasagot.

"Roxy was all along there, WITH YOU!" Sigaw ng Mommy niya.

"But you still chose that girl." Galit na dagdag ng Mommy niya.

"You are a disgrace to this family!" Sigaw ng Mommy niya and before i know agad na akong umalis doon sa pintuan na iyon at nagtago.

Nang maramdaman kong wala na ito ay aalis na sana ako sa pagkakatago ng may humila sa damit ko.

Tinignan ko ang mga ito at sila yung dalawang bata roon sa litrato kanina. Sinulyapan nila ako na sumama sa kanila at sumunod naman ako, napaka gaganda nilang dalawa at kambal ang dalawang ito.

"Hi Ate." Ngiting sabi ng isa ng dalhin nila ako sa isang napakalaking kwarto na mukhang pag mamay-ari nila.

"Hello." Ngiting sabi korin dito.

"Uhm. Ako po si Angel Kia." Pakilala nito.

"Ako naman po si Zairyll Kiana." Pakilala ng isa.

"Napakaganda niyo po." They both said while giggling.

"Lagi po kayong kinekwento saamin ni Kuya Kai." Sabay ulit nilang sabi.

"Napakabait niyo rin po." Sabi nila na parang kilalang kilala na talaga nila ako.

"What a plot twist you we're."

×××
Thank you for reading! Have a nice day!

Kindly vote for my stories and follow me <'3

×××

Twitter: @ghostified_me
Instagram: @ghostified_me

It Was Always You | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon