Page 27

17 6 0
                                    

It Was Always You
Page 27

"And I'm afraid I'll miss you forever."

Azriel POV'
The day my real parents came, I was very surprised. That's why i got busy and hindi kona naalala si Kaylee, hindi na kami nagkakasama at hindi na kami nakakapagusap ng madalas. I don't have the time to approach her kasi nahihiya ako at ayoko siyang madamay sa problema ko.

And when i found out too that Roxy and i are soon to be engaged because of mom amd her parents ay nagalit ako ng sobra. Nainis ako sa ginawa nila ng hindi sinasabi saakin.

Sinabi ko kay Roxy na ayoko sa kanya at hindi ko siya mahal. Girlfriend ko ang kaibigan niya. Sinabi niya saakin na kahit ilaw araw lang ay hayaan ko siya na magkasama kami at pagkatapos nun ay lalayuan na niya ako at ititigil niya na lahat. I agree to her pero sinabi ko na kahit anong salita ay wala siyang sasabihin kay Kaylee at ako lahat ang magsasabi nun at sinabi ko rin na layuan niya si Kaylee dahil malaking kasalanan ang ginawa niya. Alam kong paniniwalaan ako ni Kaylee kahit kailan hindi siya naniniwala sa ibang tao at hanggat kaya niya ay iniintindi niya ako. That's why i love her.

I lied to her saying that umuuwi ako kay Nanay at Tatay pero ang totoo ay nag sstay ako sa mansion at nagiinom, pinipilit sila Mom na hayaan akong pakasalan si Kaylee pero hindi sila pumayag. Hanggang sa isang gabi sa bar ako nag inom at inaasahan ko si Kaylee na ang sumundo saakin pero hindi amoy ni Kaylee ang naamoy ko nung gabing iyon, amoy iyon ng babaeng kinamumuhian ko. Ang babaeng sumisira saamin ng taong mahal ko. Sa sobrang lasing ko ay nahihilo at nanlalambot ako. Ang laman ng isip ko ay si Kaylee na mahal ko.

I can't move my body ng hinuhubaran ako ni Roxy gusto ko siyang itulak pero hindi ko makayanan, ang magawa kolang ay magmakaawa na iuwi ako kay Kaylee dahil ayaw ko siyang kasama at si Kaylee ang kailangan ko at siya na ang nag mamay ari sakin because that's the truth, i can't imagine myself that time begging to her.

Nilamon ako ng antok at nagising nalang ako na wala nasi Roxy sa tabi ko.

Lumipas ang mga araw at hindi pa ako pumapasok at nagkukulong sa bahay. Naglalasing at walang kibo. Hanggang sa sinabi na saakin ni Roxy na tapos na lahat at hahayaan niya na ako, sobrang saya ko nung araw na iyon. Tuwang tuwa ako ng magkita kami ni Kaylee dahil lahat ay sasabihin ko sa kanya walang labis walanh kulang.

Pero pagkarating na pagkarating ni Kaylee ay nakipaghiwalay agad siya, walang paliwanagan ay iniwan niya ako. Hinabol ko siya at nagmakaawa na hayaan akong magpaliwanag at wag akong iwan pero wala, umalis lang siya at iniwan ako roon.

Ginawa ko ang lahat para sa kanya. Siya lang ang meron ako ngayon siya lang ang kailangan ko at wala ng iba.

Tumakbo pako para habulin siya pero wala na talaga sumakay ako sa sasakyan ko at nagmamadaling hinanap siya pero nabigla ako ng lamunin nalang ako ng dilim hanggang sa magising nalang ako nang nasa hospital ako at kumikirot ang buo kong katawan, doon ko nalaman na naksidente ako at ilang araw akong walang malay.

Ang akala ko andoon si Kaylee pero ang nakita ko lamang ay si Roxy na alalang alala saakin, at doon ko narealize na wala na talaga iniwan na niya talaga ako at hindi na siya babalik pero bakit hindi man lang niya ako binisita o kahit kamustahin man lang niya ay wala akong narinig.

Kahit gusto ko siyang puntahan ay ayaw ni Mommy at Daddy dahil malubha pa ang sakit ko, hindi pako masyadong makalakad kaya inantay kong makagaling ako. Pero nang dumating ay araw na iyon ay masaya na si Kaylee at maayos na siya ayoko na siyang guluhin kaya kahit masakit ay hinayaan kona lang siya.

I begged Roxy not to tell her anything at hayaan na siya dahil alam kong pabigat lang ako, at doon ako nangako sa sarili ko ma hihintayin ko siya hanggang sa makagraduate kami. Wala akong kinilalang babae na kahit sino ay hindi ko pinapalapit saakin, si Kaylee lang anh gusto ko at wala na akong hinihiling pa.

Oo na't nagalit ako sa kanya kasi mas pinili niyang maniwala sa ibang tao pero alam kong sobrang nasaktan si Kaylee kaya hanggat maaari pagagalingin ko muna siya at hanggang sa maayos na lahat at maging magkaibigan ulit kami.

Pero sana lagi niyang tatandaan na mahal na mahal ko siya at kahit kailan ay hindi nagbago iyon. Mahal na mahal kita Kaylee.

"I'll wait for you my love..."

×××
Thank you for reading! Have a nice day!

Kindly vote for my stories and follow me <'3

×××

Twitter: @ghostified_me
Instagram: @ghostified_me

It Was Always You | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon