Chapter 1

277 13 2
                                    

YANA DAHLIA CERVANTES

"Dala mo na ba?" tanong ng isang lalaking naka-suot ng baseball cap sa akin.

Tipid akong tumango at bumuntong-hininga. Inilibot ang tingin sa madilim at makipot na eskinita, chine-check kung mayroong nagmamasid, nang masiguro ay inilipat ang tingin sa lalaki. Tinitigan ko muna ang lalaki bago kinuha sa'king bulsa ang sampung gramo ng cocaine.

"Sigurado ka bang sampung gramo 'to?" paninigurado nito at tila hindi pa naniniwala.

"Oo naman, sir. Ano ka ba," saad ko at bahagyang ngumisi.

"Oh!" Palihim nitong inabot sa'kin ang bayad, akmang aalis na siya nang pigilan ko ito.

"Sandali, sir. Bibilangin ko muna para sigurado." Nagtaas-baba ang aking isang kilay.

Tumango lang ang lalaki kaya sinimulan ko nang bilangin ang makapal na blue bills.

"48,49, 50! Sakto. Makakaalis ka na," saad ko at tinanguan siya. Ibinulsa ko na ang bayad at umalis na bago pa may makakita sa'min dito.

Pasipol-sipol ako habang naglalakad pabalik sa'king pinagtratrabahuan. Bahagya akong kumaway nang madaanan ko ang mga tambay sa isang eskinita. Lahat ng mga tao rito ay tropa ko. Lahat sila ay mapagkakatiwalaan at kung isa man sa kanila ang bumaliktad, sigurado akong hindi na iyon masisikatan ng araw. Kaya lahat sila ay nakatahi ang bibig.

"Mukhang naka-benta ka na naman, ah," sulpot ni Acid habang naglalakad palapit sa'kin.

Ngumiti lang ako.

"Sabi na, eh! Basta gumuhit na ang ganiyang ngisi alam na," natatawa nitong saad kaya natawa rin ako.

Bahagya kong sinapak ang braso niya. "Ikaw? Wala ba ngayon?" tanong ko dahil hindi masigla ang mukha nito. Kilalang-kilala ko na 'to eh, kami kaya 'yong sinasabing partner-in-crime.

"Olats. May buyer na ako kaso mukhang natunugan yata ng pulis," aniya at ngumiwi kaya nagrolyo ako ng mata.

"Mga pulis nga naman, oh. Masyado silang paki-alamero." Napahalukipkip ako at napatango naman siya sa aking sinabi.

"Sinabi mo pa. Tara na sa underground."

Hinila niya na ang aking pulsuhan kaya nagpatangay na lang ako. Bumuntong-hininga ako at napayuko. Alam ko naman na masama 'tong ginagawa ko, eh. Walang-wala lang talaga kami, lalo na't may dalawa akong kapatid na dapat buhayin, kailangan ko ring bayaran ang napakalaki naming utang at nais ko ring makapagtapos ng kolehyo.

Nagkautang ang taong nagpalaki sa'min kay Big Boss. Ang taong kinakatakutan at makapangyarihan dito sa aming lugar. Ang alam ko ay two hundred thousand ang utang nito sa kaniya at dahil matanda na. At may sakit pa ay ako ang kakayod para mabayaran iyon. May usapan na magtratrabaho ako sa kaniya bilang dealer at ang mapagbebentahan ko ay iyon na raw ang bayad ko sa kaniya. No'ng una hindi ako pumayag ngunit kalaunan ay wala akong nagawa.

Hindi pa ako nakapagtapos ng kolehyo at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ganong kalaking halaga. Hanggang sa ito na.

Mga magulang naman namin? Hindi ko alam, parang pusa nga kaming iniwan pagkatapos manganak sa basurahan eh. Buti nga at may kumupkop sa'min at ang bumuhay sa'min ay mga masamang gawain dahil ang nag-alaga sa'min ay nagbebenta rin ng droga.

Matanda na siya kaya ako na ang nagbebenta ngayon. Wala, eh. Kapit sa patalim at easy money pa. Kahit labag sa'king konsensya ay wala akong magawa, kaya araw-araw ay humihingi ako ng tawad sa Diyos. Pinangako ko rin na kapag nakapagtapos talaga ako ng pag-aaral ay aalis na kami rito at magbabagong buhay na.

Nawala ang aking mga iniisip nang makapasok na kami sa loob na sobrang ingay dahil sa tunog at mga hiyawan ng mga tao. Nandito na kami sa Death Underground at literal na underground talaga ito, tago rin ang lugar na ito at hindi ko masisigurado kung ligtas ba ito sa mga mata ng pulis.

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon