Epilogue

77 3 0
                                    

Ramdam ko ang matalim nitong titig kahit natatabunan ng maskara ang kaniyang mukha. Prente itong naka-upo sa itim na swivel chair, ang buong opisina ay madilim.

Deretso akong nakatayo at hinihintay ang kaniyang sasabihin. I licked my lower lip at nakipagtitigan din sa kaniya.

Mahina itong napahalakhak ngunit seryoso ko lang siyang tinitignan.

"Oh, my boy. Wala kang maitatago sa'kin," wika nito at bakas ang galak sa kaniyang boses.

Nanatili akong tahimik.

"Alam ko kung sino ka at ano ang reputasyon mo, but I will let you inside my territory." Tumigil siya saglit. "But please, protect my daughter," seryoso nitong pakiki-usap.

"In exchange?" I asked and crossed my arms.

"I will tell you everything about the Drug Lord. Alam kong iyon ang habol mo."

Sumingkit ang aking mata, ilang minuto akong nakatayo roon at tinalikuran ko na siya.

"Pag-isipan mong mabuti," habol nito at sinara ko na ang pintuan.

Bumaba ako ng hagdan at dumapo ang tingin ko sa babaeng makakasalubong ko. Tinignan ko siya mula taas-pababa at binalik din ang tingin sa kaniyang mata. Napatigil ako nang tumitig siya sa'king mata, hindi niya iyon pinutol hanggang sa malampasan niya ako.

Mabilis akong suminghap ng hangin dahil hindi ako nakahinga kanina. Bumuntonghininga ako at umiling.

Pinagmamasdan ko siyang tumatawa habang naka-upo ako sa harapan nila. Kausap niya 'yong kaibigan niya, si Acid. Agad akong umiwas ng tingin nang mapatingin siya sa'king gawin. Bakit napakaraming usok dito? Hindi ako makahinga. Tumayo ako at naglakad na lang palabas.

Wala akong balak na sumang-ayon sa offer ng Boss nila, ngunit tuwing nakikita ko ang babaeng 'to nagiging tama ang mali. Alam kong dealer siya bakit hindi pa ako gumagawa ng warrant of arrest? Imbes na isuplong siya sa presinto bakit pinipili kong siyang iligtas?

Nagtiim ang aking bagang. Hindi ito maaari, malaki ang magiging epekto nito sa'king trabaho.

Mayroon kaming kikitain mamaya, malapit sa eskwelahan kung saan may masikip na eskinita. Tiniktikan ko na rin ang kasama kong pulis. Nasa likuran ko ang babae, papunta sa hinanda kong patibong. Humigpit ang kapit ko sa manubela ng motor at nais kong bumalik. Ngunit nanaig ang tama. Nakarating na kami sa lugar.

Nagbago ang lahat nang makita ang mukha at mata niyang kinakabahan. Inutusan ko siyang tumakbo dahil parating na ang aking mga kasama. Nakahinga ako nang maluwag nang maglaho siya saking paningin, bumaba ang tingin ko sa'king sugat na kagagawan ng estudyante.

Nakatulala ako sa bote ng beer. Habang tumatagal ay hindi na tama ang mga ginagawa ko, gusto ko nang sumuko sa misyon na ito at iba na lang ang pumalit sa'kin. Pero hindi puwede... kailangan niya ako. Kailangan ko siyang protektahan! Kumuyom ang aking kamao.

Kinuha ko ang susi ng aking motor at patakbong lumabas. Hinarap ko ang Boss at tuluyan nang sumuko. Hindi na ang misyon ko ang importante, kundi ang babaeng iyon na.

"Hindi ko inakalang magbabago ang desisyon mo," gulat at mangha nitong sabi.

Seryoso ang aking mukha at mahigpit ang pagkakakuyom ng aking kamao.

"Bakit biglang nagbago ang isip mo?" takha nitong tanong ngunit hindi ko sinagot. "Kung pag-ibig ang iyong sagot, isang malaking kahangalan."

Naningkit ang aking mata. "Sabihin mo na kung paano makakalapit sa Drug Lord. Naiinip na ako," walang emosyon kong saad at tumiim ang aking bagang.

"Ang lahat ng tao ay may kahinaan. Alamin mo ang kahinaan at doon mo sapulin."

Dalawang linggo na akong hindi nag-rereport sa'ming Headquarter at tadtad ng missed calls ang cellphone ko kaya nag-iba na ako ng sim card.

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon