Chapter 47

32 0 0
                                    

Maaga akong pumasok sa hospital kinabukasan at hanggang ngayon ay badtrip pa rin ako dahil sa nangyari kagabi. Hindi na kami nakapag-usap ni Leon dahil umakyat ako agad sa'king kuwarto at mabilis na nakatulog kaya ang aga kong nagising kanina. Seryoso ang mukha kong tinungo ang entrance ng hospital at napatigil nang kusa itong bumukas dahil may lalabas yata.

At meron nga, naka-wheel chair na babae habang may yakap na sanggol at tulak-tulak naman ng isang lalaki. Nanliit ang mata ko at pinakatitigang mabuti ang mukha ng babae. Parang siya 'yong babaeng buntis na buhat-buhat ni Joaquin... Nanlaki ang mata ko at napatakip sa'king bibig.

Fuck. Siya nga!

Pero napatingin ako sa lalaking nasa likuran nito na nagtutulak, hindi naman siya nurse or staff ng hospital. Nakangiti nitong pinagmamasdan ang babae at anak nito.

Napalunok ako. B-Bakit hindi si Joaquin ang nagtutulak diyan? Kailangan kong makasiguro.

Naglakad ako palapit sa kanilang puwesto at napatingin agad ang babae sa'kin kaya ngumiti ako.

"Good morning! Uuwi na po kayo?" magiliw kong saad at tinitigan ang baby.

"Good morning po... Doc." At napatingin siya sa'king ID. "Pina-uwi na po kasi kami," sagot nito at bahagyang ngumiti.

Tumango ako. "Congratulations, ma'am and sir... kayo po ba ang father?" tanong ko nang nakangiti.

"Yes po." At proud itong tumango.

Mas lalo akong napangiti. "Magkamukha kasi kayo! Ingat po kayo." Nagpaalam na ako sa kanila at mabilis na pumasok sa loob.

Napahawak ako sa'king dibdib dahil sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Damn! Napaniwala ako roon, ah! Pero sumimangot ako dahil pinaglalaruan niya ako! Walanghiya talaga 'yang Joaquin na 'yan. Kumuyom ang kamao ako sa gigil, gusto ko siyang sapakin.

"Are you okay, Dra?" biglang may nagsalita sa likod ko kaya napatalon ako sa gulat.

Nang humarap ako sa nagsalita ay bumalik ulit ang inis ko. Hindi ko napagilang suntukin siya sa dibdib at nagsisi agad ako dahil ako ang nasaktan, ang tigas masyado! Sinamaan ko siya ng tingin at hindi pinahalatang nasaktan ang kamay ko.

"Aww," daing nito sabay hawak sa dibdib na sinapak ko at kumunot ang noo. "What's your problem?" medyo iritado nitong sabi.

"Back off!" sigaw ko at tinalikuran siya.    

"Hey!" awat niya sa'kin ngunit nagpatuloy ako sa paglalakad. "Yadah!"

At nang marinig ko ang pangalan kong binanggit niya napatigil ako. Kay tagal kong hindi narinig ang boses niyang tinatawag ang pangalan ko. I swall swallowed really hard and iI heard his foot step approaching.

Maramahan nitong hinawakan ang braso ko at hinarap sa kaniya. "What's wrong?" ngayon ay marahan nitong tanong at ang mata ay nangungusap.

Hindi ko napigilang kumibot ang aking labi. Fuck. I don't want to cry and make a scene inside this hospital! At nang hindi ako magsalita ay hinatak niya ako hanggang sa makarating kami sa fire exit. Binuksan niya iyon at hinatak ako palabas hanggang sa mapunta kami sa carpark.

Hindi ko na pinigilan ang aking luha at tumulo na sila. Napayuko at parang batang umiiyak dahil pinagalitan.

"Shit. Why are you crying?" rinig kong nag-aalala nitong tanong.

"Fuck you... Jerk! I hate you..." 'yon lang ang sinabi ko at natahimik siya. "I fucking hate you, Joaquin!" madiin kong saad at kumirot ang aking puso, parang pa-ulit-ulti na sinaksak. Ang sakit.

"Hush..." pagkalma nito sa'kin at niyakap ako. Hinaplos nito ang aking likod kaya nakahinga ako nang maluwag pero hindi pa rin matigil ang aking paghinga.

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon