Mabagal kong inabot ang hawak nitong taco at mabilis na nag-iwas ng tingin. Tumikhim ito kaya napa-ayos ako ng tayo.
"Follow me," saad nito kaya mabilis akong sumunod. Tumigil siya sa isang gilid at pumwesto.
Napatitig lang ako sa kaniya hanggang sa kumunot na ang noo nito.
"Tularan mo ako," saad nito ay nanlaki ang mata ko at ginaya siya kung paano niya hawakan ang taco.
Bahagya akong napa-igtad nang hindi ko namalayang nasa gilid ko na pala siya. Inayos nito isa kong kamay kung saan nakapatong ang katawan ng taco. Gan'on din kung paano ko hawakan ang taco.
"Ganiyan. Then try mong basagin ang triangle gamit ang white na bola," saad nito patukoy sa siyam na bola kung saan nakaayos itong mala triangle.
Gamit ang pamatong puti ay sinunod ko ang kaniyang sinabi. Agad nagbanggaan ang mga bola at may dalawa agad na nahulog. Nanlaki ang mata ko nang muntik nang mahulog ang puting bola.
"Muntik na," natatawang saad ni Joaq at siya naman ngayon ang pumwesto para sa kaniyang pagtira. "Panoorin mo na lang ko," utos nito kaya tumanga ako.
"Okay!" At napangiti ako habang pinapanood siya.
Madali lang naman palang matutunan ang basic. Kaya ayon, sa buong oras ay naglalaro lang kami ng billiards kahit wala akong na-iihulog na bola sa pocket. Napapanguso nalang ako tuwing si Joaq ang titira ay hulog agad.
Kahit gan'on lang ang nangyayari ay nag-eenjoy rin ako, masaya at nakaka-challenge rin. Lalo na kung tuwing tumitira ako ay sasamang mahuhulog sa bulsa ang puting bola. Syempre talo na ako.
Nang maghahapon na ay nag-aya nang magpunta sa bahay namin si Joaq. Nagtakha pa ang ako at doon ko naalala na may pangako pala 'to sa kambal. Buti naman at hindi niya nakalimutan? Kasi kung nalimutan niya ay siguradong magtatampo ang dalawang 'yon, lalo na si Dana.
"Sure ka? Wala ka na bang gagawing iba?" tanong ko habang inaayos niya na ang mga taco sa isang basket. Sinundan ko siya ng tingin kung saan sunod naman niyang inayos ang mga bola.
"Wala. Mabobored lang naman ako sa tinutuluyan kong apartment," sagot nito habang abala pa rin sa ginagawa. "Isa pa, ayaw ko namang malungkot ang kambal dahil hindi ko natupad ang ipinangako ko sa kanila," wika nito sabay lingon sa'kin nakapagpatalon sa'king puso.
Tinikom ko na lang ang aking labi at tipid na tumango. "Pero alam ko namang maiintindihan nila 'yon," saad ko para mawala ang mabilis na pagtibok ng aking puso.
Umiling siya. "Bata pa sila and deserve rin nilang sumaya kahit papaano. Ayaw kong malungkot sila dahil lang sa isang pangako," sambit nito at makahulugan na tumingin sa'king mata.
Napasinghap naman ako ng hangin at mabilis na nag-iwas ng tingin habang walang tigil naman sa pagwawala ng aking puso. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang patungo rito si Acid.
"Uuwi ka na?" tanong nito habang nakangiti ngunit agad din iyong napalitan ng simangot nang mapatingin ito kay Joaq.
"Oo, eh," sagot at nagkibit-balikat. Usually 7pm kasi ang uwian ko, e 5pm palang.
"Aga ah," natatawa nitong saad. "May lakad ka?"
Umiling ako. "Wala. May pangako kasi 'yan sa kambal," saad ko at nginuso si Joaq na malapit nang matapos sa pag-aayos.
Kagaya ng inaasahan ko ay nagdugtong na naman ang kaniyang dalawang kilay. "Sa kapatid na? Wait, close na agad sila? Paano? E, kung maaari kang pinapalapit na tao sa mga kapatid," panunuya nito pero tama siya.
Gan'on kasi ako ka-protektado sa kanila. Ni makipaglaro sa kapit-bahay naman eh hindi ko pinapayagan, kasi nga ayaw kong malaman nila ang trabaho ko. Ayaw ko namang mawala ang pagiging inosente nila kasi halos lahat ng mga tao rito ay masasama, baka kung ano pa ang ituro sa kanila tuwing wala ako. Natatakot ako, gusto ko gan'on lang sila, inosente na parang anghel at mabait.

BINABASA MO ANG
The Gamble (COMPLETED)
عاطفيةILLEGAL SERIES #1 In order to capture the enemy, you should target the weakest point, which is the daughter.