Chapter 46

26 1 0
                                    

"I'll take that as a yes," nakangisi nitong saad ni Leon.

Habang ako ay tulala lang na nakatingin sa labas ng delivery room. Naka-upo siya stainless chair habang nakayuko at punong-puno nang pag-aalala ang kaniyang mukha.

No'ng nakaraan ay si Acid ang nandiyan, ngayon ay hindi ko inaakalang siya ang sunod kung makikita diyan. Tama nga ang sinabi ni Acid, he's doing well dahil may pamilya na pala at isa nang ama.

"Excuse me." I excused myself to Leon at patakabong nagtungo sa cr. Nasa pintuan pa lang ako ay hindi ko na kayang pigilan ang luha ko.

Parang gripo itong tumulo at napatakip ako sa'king bibig nang lumabas ang impit kong hikbi. Napahawak ako sa'king dibdib dahil sobrang sakit... Grabe ang kirot ng puso ko, para akong sinasaksak.

Nakaka-inis... ang dami kong tanong na gustong sabihin sa kaniya. Nangako siya sa'kin at oo, naghihintay ako hanggan ngayon kaya hindi ko kayang sagutin si Leon dahil umaasa ako. Pero ngayon? Siya rin pala ang sisira sa sarili niyang pangako.

Ilang minuto akong nagtagal sa loob ng cubicle dahil hindi matigil ang pagtulo ng aking luha. At nang lumabas ako ay sobrang hapdi ng mata ko. Nagtungo ako sa sink para banlawan ang mukha to reduced the puffiness of my eyes. At nang pinagmasdan anng aking mukha sa salamin ay medyo namamaga pa rin ang mata ko. Pero napatigil ako nang mapatingin ako sa singsing na nakasuot sa'king daliri.

Kumibot na naman ang aking labi at ambang tutulo ang luha ngunit mabilis kong pinigilan. Tumingala ako at huminga nang malalim. Kumuyom ang aking kamao dahil ramdam ko ang pag-init ng aking dugo. Naiinis ako at nasasaktan.

Hinubad ko ang aking singsing at tinitigan muna ito nang matagal bago inilapag sa sink at iniwan ko na roon. Lumabas na ako at biglang bumagal ang paglakad ko nang makasalubong ko siya sa hallway at napatigil ako at nakatingin lang sa kaniya.

Mas lalong kumirot ang puso ko nang hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin at deretso lang ang kaniyang mata sa dinadaanan niya, hanggang sa nilampasan niya na ako. Kumuyom ang kamao ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Ang kapal ng mukha! Parang hindi sinira ang pangako niya. Sa dinami-dami nang hospital, bakit ba kasi dito niya pa sinugod ang asawa niya? Nakaka-inis.

Dumeretso ako palabas hanggang sa makarating ako sa parking lot ng hospital. Sumakay ako roon at pinaharurot paalis ang aking kotse. Sumikat na ang araw kaya deretso ako sa bahay para matulog ulit. Inaantok pa ako at in-off ko na rin ang phone para walang abala. Wala naman akong trabaho ngayon at bukas pa.

Nang maka-uwi, akala ko hindi na ako makakatulog at akala ko hindi na ako iiyak pero nagawa ko naman. Nakatulog ako dahil sa kaka-iyak.

Ngayon hindi ko alam kung kaya ko bang pumasok, knowing na nasa iisang hospital kami. Idagdag pa ang kaniyang mag-ina. Sana hindi magkrus ang landas namin ngayon. Napapikit ako at naalalang day off pala ngayon ni Leon! Hindi kasi kami parehas ng schedule.

Huminga muna ako nang malalim bago lumabas sa aking kotse at naglakad papasok sa hospital. Deretso lang ang mata ko at pinipigilan kong ilibot ang aking paningin baka kung saan mapadpad.

Para namang ako nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil kanina pa ako pa-ikot-ikot dito sa loob  ng hospital pero hindi ko pa siya namamataan. And that's a good thing. Sumakay na ako ng elevator pababa sa lobby dahil galing ako ng 10th floor at wala pang kalaman-laman ang elevator. Kinapa ko ang cellphone at nagtipa roon dahil kanina pa nag-text si Leon, ngunit bigla siyang tumawag. Napatitig ako sa screen ng phone at eksakto namang bumukas ang elevator dahil may papasok. Sinulyapan ko ito pero agad akong nagsisi.

Tuwid akong tumayo at tumikhim bago sagutin ang tawag.

"Y-Yes?" halos pabulong kong saad. Napapikit naman ako at huminga nang malalim pero ang pabango nito ang nasinghot ko. Mas lalo siyang bumango at kahit malayo siya sa'kin ay ang laki ng diperensya ng height namin sa isa't isa. Tumangkad din siya at pumuti.

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon