"[Hey, you call! Free ka na?]" saad nito sa kabilang linya.
Ngumiti ako at tumango. "Uh-huh! Hintayin mo na lang sa kanto."
"[Sunduin na lang kita. Nasaan ka ba?]"
Umiling ako kahit hindi ako nito nakikita. "Huwag na. Basta doon mo ako hintayin."
Bumuntonghininga ito. "[IOkay. See you later!]"
It's been a week no'ng last kaming nagkita. Wala na rin siya sa underground pero ang sabi ni Uncle Dether ay hindi naman daw siya nag-resign. Aminin ko na, oo, naghihintay ako na magpaparamdam siya throught texts or calls pero wala. I think okay na ako, hindi na umiiyak tuwing gabi pero hindi pa naman ako totally move on. Nandoon pa rin ang sakit.
Ayaw ko pang pakawalan ang nararamdaman ko.
Tumayo na ako at nag-ayos. Ready na akong lumabas dahil isang linggo akong nakakulong dito. Nag-aalala na rin ang kapatid ko pero si Uncle na ang nagpaliwanag sa kanila. Daig ko pa nga broken hearted kung umakto eh.
"Oh my god! Ate!" tili ni Dana at dali-daling tumakbo palapit sa'kin.
Napapikit ako at sinalubong siya ng yakap.
"Sorry..." bulong ko at dinampian siya ng halik sa noo nito.
Napangiti naman siya kaya nahawa rin ako. "Okay ka na, ate? Wala ka na bang sakit?" tanong nito.
Napatingin naman ako kay Uncle na nakataas lang ang isang kilay. Ngumuso ako.
"Yup! Okay na okay na ako!" energetic kong saad kaya natawa naman ito.
"Good, ate! Kain na po tayo. Namiss ka namin..." At ngumuso ito. Kinurot ko ang ilong nito at naglakad na kami papuntang dinning room.
"Good morning!" maligaya kong bati sa kanila.
"Wow. Hindi na 'yan broken hearted?" panunuyang saad ni Uncle kaya natawa ako.
"Siguro? 'Di mo sure."
Nanliit ang mata nito nang makita ang suot kong damit, isang white flowy dress. Nakita ko lang 'to sa cabinet at kasya naman sa akin. "Ayos na ayos, ah. May date ka agad?" usisa nito.
"Psh. Wala," tanggi ko sabay kumpas ng kamay.
"Sus! Sino naman 'yang bagong lalaki?"
"Kaibigan lang." At sumandok ako ng pagkain.
"Okay. Pero mag-ingat ka sa mga lalaki ngayon, ha?" seryoso nitong saad na parang ama.
"Yes po." At magalang akong tumango.
"Good."
Nagpahatid ako hanggang sa kanto kung saan kami magkikita. Until now hindi ko pa rin puwedeng sabihin kung saan kami nakatira. Privacy na rin.
"Ma'am, sure ka bang dito kita ibababa?" tanong nito habang nag-aalangan ang mukhang nakatingin sa lugar.
Tumango ako at tipid na ngumiti. "Yup! Okay lang dito. Thank you!" Bumaba na ako at eksakto naman ay naaninag ko na ang kotse ni Ravi na parating.
Kumaway ako at bumusina naman siya kaya natawa ako.
Tumigil ang sasakyan nito sa'king gilid at kasabay n'on ang pagbaba ng bintana. Ang singkit na mata nito ang bumungad.
"Hi, beautiful! Get in." Ngumisi sabay kindat. Hindi ko pa nga nahalata dahil sobrang singkit ng mata niya.
Pabiro na lang akong umirap at umikot para pumasok.
"Where do you want to go?" tanong nito kaya napasulyap ako sa kaniya.
"Kung saan mo ako dinala no'ng isang araw," sagot ko at ngumiti sa kawalan.

BINABASA MO ANG
The Gamble (COMPLETED)
RomanceILLEGAL SERIES #1 In order to capture the enemy, you should target the weakest point, which is the daughter.