Walang tigil ang pagbuhos ng aking luha habang pinagmamasdan ang katawan nito. Suminok ako at pinunasan ang aking pisngi gamit ang likod ng aking palad. Mabagal akong lumapit sa kaniyang mukha at marahan kong pinatakan ng halik ang noo ni lola. Maluha-luha kong tinakpan ng kamot ang kaniyang matigas at malamig na katawan.
'Sorry kung hindi kita nailigtas, sorry dahil wala ako sa tabi mo. Ngunit maraming salamat. Nang dahil sa iyo ay nabuhay kaming magkakapatid. Hindi kita makakalimutan at tatanawi ko itong malaking utang na loob. Ipapangako ko ring mabibigyan ng hustisya ang iyong pagkamatay. Pangako.'
Sumiksik ako sa sulok at niyakap ang aking tuhod. Tahimik akong lumuha hanggang sa naramdaman kong may umupo sa'king tabi. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at sinalubong ako ng malungkot na mata.
Hindi siya nagsalita at sa halip ay niyakap niya ako. Walang salita ang lumabas sa kaniyang bibig ngunit sa mga ganitong kilos niya ay naiintindihan ko ang nais niyang iparating. Niyakap ko siya pabalik at hindi ko mapigilan ang sarili kong higpitan ang pagkakayakap sa kaniya.
Idiniin ko ang mukha ko sa kaniyang dibdib at doon binuhos ang lahat ng aking luha.
"Akala ko masakit nang mawalan ng magulang ngunit mas masakit pa palang mawalan ng taong nagpalaki sa'yo," mahina kong sambit habang napasandal sa kaniyang dibdib.
"Pero mas masakit ang layuan ang ating minamahal," saad nito at ramdam ko ang lungkot sa kaniyang boses.
Napa-iling naman ako. "Ngunit maaari mo pa rin naman silang makita at balikan," wala sa sarili kong saad habang nakatulala kung saan. "Hindi kagaya nito. Namatay na at kahit kailan ay hindi mo na makaka-usap at makikita."
Katahimikan ang bumalot sa kuwartong ito at ramdam ko naman ang malalalim na paghinga niya. Pinikit ko na lang ang aking mata at pinakinggan ang tibok ng kaniyang puso. Ang kaninang marahan na pagtibok nito ay naging marahas kaya bahagya ko siyang tiningala.
Nakapikit din ang mata nito habang nakasandal ang kaniyang ulo sa'king ulo. Tipid akong ngumiti.
Makalipas ang ilang minuto'ng naka-upo roon at bahagya akong napalayo sa kaniya dahil medyo nangangalay na ako. Kumunot ang noo ko nang may tatlong lalaking naka-itim na suite ang pumasok sa aming bahay. May shade pa silang kulay black. Ano 'to?
"Ms. Yadah, tara na po," magalang na saad n'ong isang lalaki.
Mas lalo namang lumalim ang kunot sa'king noo. "Sino kayo? Hindi ako sasama sa inyo," saad ko at biglang umatras ang aking mga luha. Tumayo ako at matapang silang hinarap.
"Ihahatid ko lang po kayo sa iyong kapatid."
Agad naman nanlaki ang mata ko at walang pasabing lumapit sa lalaking nas gitna at kwinelyuhan ito kahit na mas malaki siya kaysa sa'kin. "Nasaan sila?!" galit kong tanong habang nanlilisik ang aking mga mata.
"Kalma lang po. Nasa maayos po silang kalagayan, Ms," saad naman n'ong isa at bahagyang ngumiti.
Marahas kong inalis ang aking kamay sa kwelyo ng lalaki. "Paano naman ang katawan?" inis kong tanong.
"Kami na po ang bahala," sabay nilang saad kaya napabuntonghininga ako.
"Teka. Sino ba kayo?" tanong ko ngunit tinalikuran lang nila ako at naglakad na palabas ng bahay.
Wala sa sarili akong lumabas at sinundan sila hanggang sa tumigil sila sa gilid ng isang magarang itim na sasakyan. Umawang ang aking labi nang kumikintab pa ito. Binuksan ng lalaki ang pintuan at senenyasan akong pumasok.
Ngunit hindi pa naman ako nakakasalita ay may nagsalita sa'king likuran.
"Saan niyo siya dadalhin?" mariing tanong ni Joaquin sa mga lalaki kaya napalingon ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Gamble (COMPLETED)
RomanceILLEGAL SERIES #1 In order to capture the enemy, you should target the weakest point, which is the daughter.