Chapter 23

33 5 0
                                    

Ayaw ko siyang maka-usap ngayon pero bakit siya nandito?

Walang emosyon ang aking mukha habang nanatiling nakatayo. Tipid siyang ngumiti pero nanatiling ganon ang aking itsura.

"Good morning." At siya na ang naglakad palapit sa'kin.

Hindi ako umimik at lumamig lang ang tingin ko sa kaniya habang tiim na tiim ang aking mga ngipin.

"Bakit ang tahimik mo?" komento nito at pilit na natawa.

"Bakit ka nandito?" malamig kong sambit at kita ko namang dumaan ang gulat sa mata nito. Umawang pa ang labi.

"I'm here para mag-sorry about sa nangyari kahapon. I'm really sorry, Yadah," sensero nitong saad at ang mga mata ay nangungusap.

Nag-iwas ako ng tingin at mariing lumunok. Ito na naman siya. Bumigat ang aking paghinga at mariin siyang tinitigan.

"Okay lang. Pero hindi mo na sana ako sinabihang hintayin ka kung hindi ka naman pala babalik," deretso kong saad na ikinabigla nito.

"Y-Yadah—"

Pinutol ko siya. "Okay lang. Umalis ka na at baka hinahanap ka na ng Belinda mo," madiin kong saad at tumalim na rin ang aking mga tingin. Pilit ko namang tinatago ang pagkibot ng aking labi dahil nagbabadya na naman ang aking luha. "Iyon lang ang sasabihin mo? Ayos lang talaga. Huwag mo na akong problemahin," dahil wala ka namang paki alam sa'kin.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero lumamlam ang mata nito at tila lumungkot. Agad akong nag-iwasng tingin.

"Sige na umalis ka na," ani ko at binigyan siya ng daan. Pero hindi siya gumalaw at deretso pa rin ang tingin sa'kin dahil nararamdaman ko ang mata niya sa'kin.

"Sorry talaga, Yadah," mahina nitong saad na mas ikinakulo ng aking dugo.

Puro sorry! Nakaka-irita! Kumuyom ang aking palad.

"Puweda ba doon ka na lang sa Belinda mo? Doon ka at huwag ako ang guluhin mo!" sigaw ko at habol-habol ang aking hininga. Naramdaman ko na lang ang mainit na tubig na dumaloy sa'king pisngi.

Agad akong tumalikod at mabilis na tumakbo palayo sa kaniya habang hinahawi ang luha sa'king pisngi.

"Wait, Yadah!" habol nito ngunit para akong bingi na walang narinig. Deretso lang ako sa pagtakbo hanggang sa makapasok ako sa bahay. Ayaw kong marinig ang paliwanag niya dahil para sa'kin ay wala na iyong saysay. Hindi niya mababago ang nararamdaman ko at hindi rin n'on mababago ang katotohanang wala siyang gusto sa akin.

Gusto kong sumigaw-sigaw at ilabas lahat ng hinanakit ngunit parang may pumipigil sa'kin. Totoo nga pala. Masakit ang pag-ibig at kaunti na lang siguro ay masisiraan na ako ng bait dito. Napakakomplikado pa lang magmahal. Akala ko kapag nagmahal ako masaya lang pero na-realize ko na magkasama pala ang saya at sakit kapag nagmamahal. Hindi rin matatawag na pag-ibig kung puro saya lang.

Pero itong sa'kin? One-sided love. Malabo, sobrang labo.

Buong araw akong nagkulong sa'king kuwarto hanggang sa kinabukasan ay may kumatok sa'king pintuan.

"Yadah, buhay ka pa ba? Lumabas ka nga!" sigaw ni Uncle Dether sa kabila ng pintuan habang patuloy itong kinakalabog.

Bumuntonghininga ako at tamad na bumango mula s higaan.

"Bakit?" tanong ko nang mabuksan ang pintuan.

Kumunot naman ang noo nito. "Grabe naman 'yang itsura mo. Mag-ayos ka nga!"

Napahikab ako at tinakpan ang bibig. Hindi pinansin ang kaniyang sinabi.

Napakamot ito sa kaniyang buhok, para na-frufrustrate sa'kin. "Punta ka sa underground, may ipapakuha lang ako," seryoso nitong saad. "Utos ko kaya sundin mo," aniya.

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon