Chapter 21

34 6 0
                                    

Lumipas na ang isang linggo kaya puwede na akong lumabas. Nakakasawa na rin dito sa loob, tapos na rin naming dinesenyohan ang christmas tree at ang buong bahay. Kaya buhay na buhay na ang loob. Tapos isang beses lang din kung umuwi si Dether kaya sobrang tahimik. Kapag kasi nandito siya maingay habang kalaro 'yong dalawa. Minsan nga nagiging isip bata ang matandang 'yon eh. Tapos kapag trabaho naman ang usapan titignan mo palang ang mukha niya kakabahan ka na. 'Yong tipong hindi mo mapagkakamalang sindikato kapag nasa bahay. Ganon ang peg niya.

Isang linggo ring wala akong balita kay Joaquin. Walang tawag o text man lang. Pero para akong sinampal ng katotohanan. Katotohanang bakit niya iyon gagawin? Sino ba naman ako 'di ba. Ako lang naman 'yong patagong nagkakagusto sa kaniya.

Mapait akong napangiti at kasabay n'on ang pagkirot ng aking puso.

Nagtungo ako sa Death Underground. Pagpasok ko pa lang ay kakaibang katahimikan agad ang sumalubong sa'kin. Inilibot ko ang aking paningin at kumunot ang noo. Nakakapanibago. Kaunti lang ang mga tao at sobrang tahimik. Hinanap agad ng paningin ko si Joaq ngunit hindi ko siya nasumpungan. Umakyat ako sa ikalawang palapag at ganon din, walang katao-tao. Puwera na lang sa isang couch.

Ang kaninang maliit na ngiti sa'king labi ay awtomatikong naglaho. Napalunok ako at pinagmasdan ang dalawang masayang nag-uusap. Si Joaquin kasama 'yong babae. Nanghihina akong napasandal sa pader at kasabay n'on ang pagkirot ng aking puso. Parang sinasaksak sa nakita.

Parang ang bilis naman yatang magbago. Isang linggo ring hindi ko siya nakita. Parang no'ng nakaraan lang ako 'yong kasama niya. Linunok ko na lang ang katotohanang hindi niya ako gusto.

Tumalikod na ako at kasabay n'on ang pagtulo ng butil sa'king mata. Nagtungo ako sa baba at umupo sa couch, itinaas ang tuhod at itinago ang mukha ko roon. Para akong bata na inagawan ng pagkain.

Suminghap ako at pinunasan ang pisngi nang maramdamang may umupo sa'king tabi. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nilingon 'yon. Bumuntonghininga ako nang makita si Acid sa'king tabi.

Tipid ko siyang nginitian.

Nagtatakha ang tinging ipinukol sa'kin. "Bakit ka umiiyak? Okay ka lang?" kunot-noo nitong tanong.

Lumamlam ang mata ko at hindi sumagot. Walang buhay akong napasandal sa couch.

Sarkastiko siyang ngumisi at sumandal din. "Imposible naman tungkol iyan sa lola mo. Kay Joaquin 'no?" panunuya nitong sambit. "Hay, Yadah." At humalukipkip ito.

"Bakit ako nasasaktan?" wala sa sariling tanong ko.

"Syempre gusto mo siya at umaasa kang may gusto rin siya sa'yo. 'Yan kasi, asa pa more! Nagpakita lang ng kaunting motibo!" At sa huli ay natawa siya sa sarili nitong sinabi.

Hindi ako umimik at napatulala lang sa kung saan.

"Kung ako sa'yo, kalimutan mo na 'yang nararamdaman mo. Mukha namang hindi ka trip n'ong tao. Isa pa, hindi mo ba alam na nagkakamabutihan na sila n'ong anak ng drug lord? Noon ngang wala ka laging naglalampungan."

Parang napantig naman ang aking tenga sa aking narinig. Laging naglalampungan? Mapait akong napangiti ngunit nauwi iyon sa pagtangis ng aking mga ngipin.

Akala ko n'ong una trip-trip niya lang iyong babae ngunit hindi ko alam na seryoso pala siya.

"Ano nga palang pangalan niya?"

"Bebang," sagot nito kaya dahan-dahang kumunot ang noo ko at nilingon siya.

"Seryoso? Sa ganda ng katawan, iyon ang pangalan niya?" hindi makapaniwalang sambit ko.

"Joke lang naman. Belinda talaga." At napahalakhak ito.

Tumango ako. Ganda ng name bagay sa kaniya, pero mas maganda iyong akin. Yana Dahlia.

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon