Inihinto nito ang sasakyan nang makarating na kami sa tapat ng bahay ni Luna. Nang bumalik kasi kami kanina sa restaurant ay wala na siya kaya sinabi ko na lang na ihatid niya na lang ako sa bahay ni Luna.
Tipid akong ngumiti at tinanggal ko na ang seatbelt.
"Thanks pa. Good night." At tinapik ko ang kaniyang braso bago lumabas.
"Good night. Kung may sasabihin si Luna sa'yo, pakinggan mo siya, okay?" kalmado nitong saad kaya tumango ako.
"Sure. Ingat!" Lumayo na ako sa kotse para bigyan ito ng daan.
Nagsimula na itong umandar at bumusina pa. Nang hindi ko na siya makita ay pumasok na ako sa gate. Napabuntonghininga ako at napayuko para tanggalin ang suot na heels, nangawit na ang paa ako. Paa-paa akong naglakad papasok ngunit napatigil nang mahagip ng mata ko ang taong naka-upo sa couch.
Nakahalukipkip ito habang pinapanood ako.
Inilapag ko sa gilid ang bitbit ko. "Hinatid po ako ng papa ko," mahina kong saad at sinulayapan siya.
Napatayo siya. "Let's go upstair. May sasabihin ako." At nagpa-una na siyang maglakad.
Bahagyang kumunot ang noo ko at medyo kinakabahan sa sasabihin niya kahit wala akong ka-ide-idea. Sinundan ko lang siya hangang sa pumaosk siya sa kuwartong tinutuluyan ko. Umupo ito sa kama at hindi ako tinanantanang titigan, hanggang sa mapansin ko ang biglang paglungkot ng kaniyang mukha.
"Makinig kang mabuti at intindihin mo ang lahat, maliwanag?" malumanay nitong sambit kaya tumango.
"Maliwanag."
"I have a husband and a daugther, they are my life. But my husband commit a stupid mistake. A mafia group had they revenge at ako ang ginawa nilang pain para mapa-amo ang aking asawa pero traydor sila. Pinalabas nilang patay ako at ang ikinagagalit ko ay mabilis napaniwala ang asawa ko. Pinahirapan ako ng grupong iyon hanggang sa niligtas ako ng isang secret agent," mahaba nitong kuwento.
Lumiit ang mata ko kasi magkapareho ang kuwento ni Dether at kuwento niya.
"Mag-asawa ba kayo dati ni Dether?" seryoso kong tanong.
"Yes... and we hava a daugther," sambit nito at nagtubig na ang kaniyang mata.
Umawang ang labi ako at lumabas ang hangin doon. Nanigas ako sa'king kinatatayuan at napakurap nang nanunubig na ang aking paningin.
Napag-connect ko na ang lahat... Siya ang asawa ni Dether at ang inang matagal ko nang hinahanap.
Napahagulgol ako at napatakip ako sa'king mukha hanggang sa hindi ko na maramdaman ko ang tuhod ko at nanghihina akong napaluhod. Mas lalo akong napapikit at bumuhos ang luha ko nang maramdaman ang kaniyang pagyakap sa'kin.
"Matagal ko nang gustong gawin ito, matagal na kitang gustong yakapin pero hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung saan ka tinago ng papa mo," mahina nitong saad.
Napahikbi ako at niyakap siya pabalik. "Ma-ma," bigkas ko at mas lalong na-iyak si Luna, este mama pala.
"Ito ba ang tinutukoy mong naghahanap ka pa ng tamang oras para sabihin sa'kin ang totoo?" bulong ko at ramdam ko ang kaniyang pagtango. Napangiti ako. "Buti at hindi ka nahuli para sabihin sa'kin."
"Patawarin mo ako sa lahat ng pagkukulang ko sa'yo, Yadah. Ngayon hindi ko na papalampasin ang mga oras na kasama kita, wala na akong sasayangin."
"Naintidihan kita, naintindihan ko naman kayo ni papa. Alam kong marami tayong pagkukulang at kasalanan na nagawa, at ang tanging magagawa natin ay umintindi at magpatawad," sambit ko at napangiti.
BINABASA MO ANG
The Gamble (COMPLETED)
RomanceILLEGAL SERIES #1 In order to capture the enemy, you should target the weakest point, which is the daughter.