Chapter 34

31 1 0
                                    

Nagmulat ako ng mata at napakurap nang mapagtanto kung nasaan ako. Nandito ako sa kuwarto ng suite namin. Agad kong hinawakan ang aking labi at napapikit ako nang sumakit ang aking ulo dahil sa hang over.

Pero hindi ko ininda ang sakit, ang iniisip ko ngayon ay ang nangyari kagabi!

H-He kissed me... Hinalikan ako ni Joaquin!

Nanlaki ang mata ko at napatakip sa'king labi pero hindi pa rin ako sure kung nangyari ba talaga 'yon or hindi kasi lasing ako kagabi. Knowing me, masyado akong assumera at baka hallucination lang iyon.

Napa-igtad ako nang bumukas ang pintuan ng kuwarto at iniluwal nito ang taong iniisip ko. Bigla akong nilamon nang kahihiyan dahil baka nangyari talaga 'yon kaya siya nandito! Humugot ako nang malalim na hininga at na nag-angat ng tingin.

Blanko lang ang kaniyang mukha kaya kumunot ang noo ko.

"Gising ka na pala. Kain na," aya nito kaya napakurap ako.

Iyon lang ang sasabihin niya? Iyon na 'yon?

Nagkakamot ako ng ulo nang tumayo at inayos ang buhok kong magulo. "Hilamos lang ako," paalam ko at pumasok sa cr. Paglabas ay nanlaki ang mata ko nang nandoon pa rin siya.

"Bakit?" takha kong tanong dahil nakatingin siya sa mukha ko.

Tinitigan niya ako nang matagal. "Nothing." At tinalikuran niya na ako pero lakas loob ko siyang pinigilan.

"Wait!"

Nilingon niya ako habang suot ang blankong ekspresyon.

Napakagat ako sa'king labi. "'Di ba nag-inuman tayo sa rooftop kagabi?" tanong ko pero hindi sigurado.

Tipid siyang tumango at nag-isang linya ang kaniyang labi. "Yeah."

Bumilog ang labi ko. "Uhm. May naaalala ka ba about sa nangyari kagabi? Kasi ang pagkaka-alala ko lasing ako."

Nanliit ang mata niya at dahan-dahan ding umiling. "I don't remember anything last night. I'm too drunk. Sorry," seryoso nitong sambit kaya umawang ang labi ko.

Napalunok ako at pilit na lang na ngumiti. "Ah, I see." Nilampasan ko na siya at nang malampasan ko siya ay biglang kumirot ang puso ko.

Malakas ang kutob kong totoo ang nangyari kagabi at hindi iyon hallucination. Pero malas, hindi niya maalala ang ginawa niya at sinabi niya kagabi. Napapikit ako at kumuyom ang aking kamao. He didn't mean it 'cause lasing lang siya, parang mas lalo niyang pinamukha na hindi niya ako gusto kapag matino ang kaniyang isip.

Agad akong umupo sa hapag at umupo rin siya sa tapat ko. I scan the dishes infront of me. Tumaas ang kilay ko nang mukhang masarap ang mga ito. Bumuntonghininga ako at nang matikman ang pagkain ay nanlaki ang aking mata at napatango.

"Masarap," puri ko at tatanungin ko na sana kung sino ang nagluto pero nagsalita ang nasa harap ko.

"Thanks." At tipid na napangiti si Joaquin.

Napakurap ako. "Ikaw ang nagluto nito?!" hindi makapaniwala kong tanong pero agad kong binawi ang ipinakita kong emosyon nang maalala ang nangyari kagabi. Naging blanko ang aking mukha.

Tumango ito at ngumisi.

"I see. Marunong ka naman palang magluto," bulong ko at bahagyang sumimangot. Honestly, mas masarap pa ang luto niya kaysa sa akin.

Bago raw kami makarating sa Disneyland ay kailangan naming sumakay ng train at mahigit isang oras ang byahe. Ngayon ay nakasakay kami sa van papunta sa train station. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Ibang-iba ang environtment dito kaysa sa Pilipinas. Dito ay malinis at nakakahiya pang tapakan ang sementado nilang daan, ni isang pinagbalatan ng candy ay walang makikita.

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon