Chapter 40

33 1 0
                                    

Habang abala ako sa pagbabasa ng libro sa living room ay biglang dumating si Luna. Tiniklop ko ang libro at napatingin sa'king wristwatch, 5 pm na pala.

Pinanood ko siyang ilapag ang kaniyang gamit sa sahig at pabagsak na umupo sa sofa. Bahagyang napataas ang kilay ko nang makita ang inis at galit sa kaniyang mukha.

"Anong nangyari?" usisa ko at muling binuklat ang libro 'tsaka roon ko itinuon ang aking atensyon.

Hindi niya ako kinibo kaya sinulyapan ko siya pero mabilis naagaw ng atensyon ko ang tauhan niyang papasok sa living room habang may bitbit na kumpol na lily flower.

Sumilay ang nang-aasar na ngiti sa'king labi.

"Saan 'yan galing?" nakangisi kong tanong sa lalaki.

"Kay, Mr. Cervantes po," sagot nito kaya napakunot ang noo ko.

"Sino 'yon?" bulong ko sa sarili at muling nilingon si Luna.

"Sabi kong itapon mo 'yan," inis nitong saad sa lalaki.

Napayuko naman ang tauhan at sinunod ang utos.

Nang lingunin ako ni Luna ay mabilis kong binalik ang atensyon sa librong hawak at nagkunwaring nagbabasa.

"Get ready. We're having a dinner meeting later," sambit nito at deretsong tumayo.

"Sino?"

"Huwag puro tanong," iritado nitong saad at tinalikuran ako.

Palihim naman akong umirap at napabuntonghininga. Napatingin ako sa bintana nang makitang itapon ng lalaki ang bulaklak. Sumulyap ako sa hagdanan at naka-akyat na si Luna.

Tumayo ako at lakad-takbong nagtungo sa labas. Nang mamataan ang lalaki ay senenyasan ko itong lumapit sa'kin.

"Yes, Ma'am?"

"Bakit mo naman tinapon?" kunot-noo kong tanong. "'Tsaka, kanino ba 'yon galing?"

"Kay, Mr. Dether po."

Umawang ang labi ko. "Talaga?" medyo natatawa kong saad.

Tumango ito at bahagyang ngumisi. Natawa ako at mabilis na tinungo ang basurahan, dinampot ang bulaklak at pinagpagan. Buti na lang wala pang laman ang trash can.

Matalim kong tinignan ang lalaking nakatingin sa'kin. "Huwag mong sasabihin, maliwanag?" banta ko.

Bahagya siyang yumuko. "Maliwanag pa sa buwan, ma'am."

"Tsh." Tinalikuran ko na siya at patakbong pumasok sa loob. Bumaba ang paningin ko sa bulaklak nang makita ang maliit na envelope na nakasuksok.

Nagtungo muna ako sa kuwarto bago iyon buksan. Binaba ko ang bulaklak sa kama at kinuha ang maliit na envelope. Hindi ko pa man nababasa ay natatawa na ako.



'Hi, Ma'am. Hindi mo pa ako napapatay pero patay na patay na ako sa'yo.😍'

                                                                                —Deth.

Napahalakhak ako nang mabasa iyon. Natampal ko ang aking noo at na-iling. Hay, naku. Napangisi ako nang maalalang may past pala ang dalawa.

Ganito ba dumiskarte ang ama ko?

Napangiwi na lang ako.

Binalik ko na ang envelope at nagtungo na sa cr para maghanda para sa meeting mamaya. Curious pa rin ako kung sino ang kikitain namin, hindi ko rin alam kung bakit kailangang kasama pa ako.

Naghanap ako ng medyo formal na damit sa closet dito sa kuwarto at buti na lang ay meron. Black dress and buti na lang at fit sa'kin, hindi na rin ako nag-abalang maglagay ng make-up.

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon