"Kumapit ka!"
Nanlaki ang mata ko nang humahangos na lumapit sa'kin si Joaquin. Agad niyang hinatak ang pulsuhan ko pa-angat kaya tinulungan ko rin ang katawan kong umakyat. Ngunit napatili ako nang bigla niya akong hilain at dahil nasobrahan yata ay nawalan siya ng balanse at awtomatiko naman akong nasama dahil hawak nito ang aking kamay.
Hindi ako nakagalaw habang nakatingin sa mukha niyang isang inch na lang ang pagitan sa'kin. Ang mabilis na pagtibok ng aking puso ay mas lumala at parang nag-slow motion ang aking paligid habang nakatitig pa rin ako sa kaniyang muhka. Ramdam ko rin ang tibok ng kaniyang puso dahil nasa dibdib niya ang aking isang kamay habang ang isa ay hawak pa rin nito.
Napalunok ako nang mapatingin ito sa'king labi. Agad akong nag-iwas ng tingin at mabilis na tumayo. Mabilis namang gumapang ang kahihiyan sa'king katawan.
Agara rin siyang tumayo habang ako ay nanatiling nakayuko. Tumikhim ako.
"Uh. S-Salamat," mahina kong sambit at hindi ako makatingin sa kaniyang mata.
"Ano ba ang pumasok sa isip mo at naisipan mong tumalon diyan?" iritado nitong tanonh at medyo tumaas rin ang boses nito kaya agad akong napatingin sa kaniyang mata habang mabilis na umi-iling.
"H-Hindi! B-balak ko lang pero hindi ako tumalon. May tumulak sa'kin!" mariin kong saad at kita ko ang pagbabago ng kaniyang emosyon.
"What do you mean?"
Huminga ako nang malalim. "Naka-upo ako riyan." Sabay turo kung nasaan ako kanina. "Iniisip ko ang mga posibilidad kung ano ang mangyayari kapag nagpakamatay ako. Tapos maya-maya lang ay may nanulak sa'kin."
Kumunot ang noo niya. "Hindi mo ba nakita kung sino 'yon? Wala rin akong nakitang tao nang papunta ako rito," aniya.
"Wala akong nakita, eh... Imposible naman kung multo 'yon." At pilit akong natawa habang nanatili naman ang seryosong mukha ni Joaquin. "Anyway, paano mo pala nalaman nandito ako? Buti na lang talaga dumating ka." Tipid akong ngumiti.
"Nagtanong syempre. At tinuro ang daan kung saan ka pumunta kaya alam ko na dito ka magtutungo."
Tumango na lang ako at napatulala sa langit na ngayon ay biglang kumulimlim. Mukhang uulan pa talaga. Bumuntonghininga ako at naupo sa sahig. Nangunot ang noo ko nang makita ang limang lata ng beer. Napatingin ako kay Joaquin na ngayon ay binubuksan na ang isang lata. Napangisi na lang ako at kinuha ang isa.
"Yadah."
Sinulyapan ko siya. "Hm?" At uminom ng alak.
"Para sa'yo, ano ang pag-ibig?" tanong nito habang nakatitig sa'kin.
Lumunok muna ako bago magsalita. "Uhm. Siguro kapag nakaramdam ka ng pagmamahal sa tao at nagtitiwala ka nang lubos dito... Hindi ko alam!" At natawa ako habang umi-iling. Wala pa naman akong karanasan sa pag-ibig na 'yan, ngunit sabi ng iba ay nakakatakot daw.
Napahinga naman siya nang malalim. "Tama. At ang pag-ibig ay kayang magparaya at magsakripisyo. Ipaglalaban din nito ang kaniyang minamahal."
Tumango ako ng dalawang beses at napapikit nang gumuhit ang pait sa'king lalamunan. Naibaba ko na lang ang hawak kong beer.
"Bakit mo pala natanong? Naranasan mo na ba?" nakangisi kong tanong.
Tumitig muna siya sa'king mata bago nagsalita. "Not sure." Nagkibit-balikat at tumungga ng beer.
"Sabi kasi nila, nakakatakot daw ang pag-ibig. Maaari raw ikasira ng iyong buhay," natatawa kong saad dahil iyon ang sabi sa'kin ni lola. Kaya wala rin naging asawa si lola. Tumanda siyang dalaga. Mapait akong ngumiti dahil naaawa ako sa kaniya, hindi man lang niya naranasang umibig.
BINABASA MO ANG
The Gamble (COMPLETED)
RomanceILLEGAL SERIES #1 In order to capture the enemy, you should target the weakest point, which is the daughter.