Nabitawan ko ang hawak kong kutsilyo habang nakatulala sa katawan ni Belinda. Isang pulis ang agad na lumapit at tinignan ang pulso nito at umaasa akong tumitibok pa ang puso ng babae ngunit isang dismayadong mukha ang kaniyang ipinakita.
Umiiling-iling ito. "Masyadong maraming dugo ang nawala at ang mga saksak ay malalalim din," saad ng lalaking pulis.
Nanghihina akong napasandal sa pader. Sa gilid ng aking mata ay naaninag ko naman ang pagdating ni Ravi.
"What happened here?" kunot-noo nitong tanong, agad siyang lumapit sa'kin at niyakap ako.
"Patay na siya, sir," saad nila sabay tingin sa'kin.
Kumuyom ang palad ko. "Hindi ako ang may gawa niyan," walang buhay kong saad. Napasulyap naman ako nang makita ko ang pagdating ni Joaq kaya pinanood ko ang kaniyang reaksyon.
Walang buhay ang mga mata at hindi ko mabasa kung ano ang nararamdaman niya. Lumapit siya sa katawan at pinagmasdan lang ito.
"Miss, kailangan mo pong sumama sa presinto."
Kumunot naman ang noo ko. "What? Hindi naman ako ang may gawa niyan," saad ko at sinusubukan kong maging mahinahon.
"Pero kailangan ka po naming imbestigahan. Lalo na't hawak mo ang ebidensya nang makita ka namin," saad nila.
Sinulyapan ko si Ravi at isang tipid na tango lang ang kaniyang pinakawalan.
"Wala ka namang ginawang masama kaya sumama ka na sa kanila. Susunod ako," aniya at hinaplos ang aking likod.
Bumuntonghininga ako at nakayuko ang ulong sumama sa lumapit sa kanila.
"Kasama ka ng biktima 'di ba?" Rinig kong tanong nila kay Joaq, hindi ito sumagot pero alam kong tumango siya.
"Tara na." At hinawakan ng isang pulis ang aking braso. Sa likod kami dumaan para hindi masyadong makita ng mga tao.
Nakayuko lang ako at kahihiyan ang bumabalot sa'king katawan, lalo na't pinagtitinginan kami ng mga tao. Para akong isang criminal na pumatay sa babaeng 'yon. Baka kaaway lang ng ama n'on, lalo na't anak ng isang drug lord.
Napangiwi ako.
Nagsisi pa akong pumunta sa cr kanina. Ako tuloy ang napagbintangan. Bumuntonghininga ako at pinanood na magmaneho ang pulis. Habang palapit na palapit na kami sa police station ay hindi ko maiwasang kabahan, hindi nga ako 'yong gumawa pero paano kung ako 'yong idiin nila?
Jusko.
Agad nila akong pina-upo sa upuan habang ang pulis ay nasa harapan ko. Interogation time!
"Buong pangalan?"
"Y-Yana Dahlia Cervantes," utal-utal kong sagot.
"So, Yana, kilala mo ba ang biktima?"
Nagbaba ako ng tingin at napalunok bago tumango. "O-Oo."
"Hm." At nanliit ang mata nito 'tsaka pinasadahan ng tingin ang aking kabuan.
"Maniwala kayo sa'kin. Hindi ako ang may gawa n'on, sa katunayan ay nakita ko kung sino ang may gawa," matapang kong saad at deretsong tinignan ang pulis.
Bahagyang tumaas ang kilay nito. "Sabihin mo ang iyong mga nakita."
"Unang-una, kilala ko si Belinda pero hindi kami close at wala akong motibo para gawin ang ganoong bagay. No'ng pumasok ako sa cr, nasa harap lang siya ng salamin tapos dumaan lang ang ilang minuto ay namatay ang ilaw at narinig kong tumili siya. Paglabas ko ng cubicle eksaktong bumukas ang ilaw at doon ko na nakita ang katawan niyang duguan." Tumigil ako at napalingon sa pintuan nang bumukas ito at iniluwa noon si Joaquin.
BINABASA MO ANG
The Gamble (COMPLETED)
RomanceILLEGAL SERIES #1 In order to capture the enemy, you should target the weakest point, which is the daughter.