Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi habang nakatitig sa hawak kong kwintas. Iyong binigay ni Joaquin kagabi. Nakakahiya dahil hindi man lang ako nakapagpasalamat nang ibigay niya sa'kin, hindi talaga ako nakapagsalita para akong pipe.
Huminga muna ako nang malalim bago dinial ang kaniyang number.
Actually ang ganda ng design ng kwintas. Gold 'yong lace tapos ang pendant ay sobrang liit na deck of cards, apat sila, heart, diamond, spades and clubs. Ang cute lang tignan. Wondering the meaning of this necklace...
Iingatan ko 'to.
"[Good morning,]" usal nito nang sagutin ang aking tawa. Paos pa ang kaniyang boses.
"Uhm. About pala sa gift na binigay mo last night..."
"[Hindi mo ba nagustuhan?]" tanong nito na may bahid ng kalungkutan.
Agad naman akong umiling. "Hindi! Ang ganda kaya... gusto ko lang magpasalamat tapos sorry kung wala akong nasabi kagabi," pahina nang pahina kong saad.
Napalunok ako at hinihintay ang kaniyang sagot.
"[Okay lang. Ang mahalaga, nagustuhan mo 'yong binigay ko sa'yo.]" At matunog siyang ngumiti kaya napangiti rin ako.
"Thank you," sincer kong saad.
"[No prob.]"
"S-Sige. Ibaba ko na. Thank you ulit!" At mabilis kong pinutol ang linya. Ang bilis pa ng paghinga ko habang nag-papalpitate naman ang puso ko.
Bumagsak ako sa kama at napapikit.
"Kahit kailan nagwawala talaga ang sistema ko kapag kausap siya o kahit nasa harapan ko lang."
Bumuntonghininga ako at mabilis na nagtungo sa cr. Tumayo ako sa harap ng salamin at dahan-dahang sinuot ang kwintas. Napangiti ako nang mapagmasdan ang kwintas na nakasabit sa'king leeg.
Ang ganda.
Bumaba na ako at nang mapadaan ako sa bintana ay bigla akong napatigil. Nanliit ang aking mata nang makitang naroon si Joaquin. Anong ginagawa niya rito nang ganitong kaaga? May pinag-uusapan sila ni Uncle at mukhang seryoso base sa kanilang mukha.
Lumabas ako at nagtungo sa likod kung nasaan sila. Sumandal ako sa pader malapit kung nasaan sila at pinakinggan ang pinag-uusapan.
"Si Ruyuji raw ang nag-utos," dinig kong saad ni Joaquin.
Ruyuji? Umawang ang aking labi. Ka-apelyedo ni Ravi!
Humalakhak si Uncle. "I told you! Siya lahat ang nasa likod nito," mariin nitong saad.
Napalunok ako. Sino naman kayang Ruyuji ang tinutukoy nila? Malabo namang si Ravi dahil hindi ko siya nakikitang kaya niyang gumawa ng ganoong krimen.
"Kumusta na ngayon ang lalaking 'yon?"
"Nasa hospital, Boss. Tuluyan na ba natin?" tanong ni Joaq kaya nanlaki ang mata ko.
Natawa naman si Uncle. "Masyado pang maaga para sa kamatayan niya. Saang hospital?"
"Saint Bethany."
Pupunta ako roon! Titignan ko kung sino ang tinutukoy nilang Ruyuji. Pero teka, bakit nasa hospital? Agad nanlaki ang mata ko nang marinig ang palapit nilang yapak sa'king kinatatayuan. Tahimik akong umalis at hingal na hingal na sumandal sa likod ng pintuan.
"Phew!"
Ngayon proproblemahin ko kung paano ako makaka-alis dito na hindi nila nalalaman. Hindi puwedeng dumaan sa harap dahil maraming bantay ganoon din sa likod, ang buong bahay ay maraming bantay ang nakakalat. Parang presidente nga ang nakatira rito, eh. Tumingala ako sa mataas na pader, hanggang kailan ko kaya ito maaakyat?
BINABASA MO ANG
The Gamble (COMPLETED)
RomanceILLEGAL SERIES #1 In order to capture the enemy, you should target the weakest point, which is the daughter.