Ilang linggo na lang ay malapit nang magpasko kaya halos lahat ng nadaraanan namin ay mga christmas lights na kumukutikutitap. Pauwi na ako galing sa underground at kanina ay nagprepresentang ihatid ako ni Ravi ngunit tumanggi ako dahil kabilin-bilinan ni Uncle Dether na huwag ipaalam sa iba kung saan kami nakatira ngayon. Si Joaquin lang ang tanging nakaka-alam at hindi naman iyon ikinagalit ni Uncle na ipinagtatakha ko ngayon.
At napagkasunduan na rin namin na laging may maghahatid at susundo sa'kin. Mahirap din kasing mag-commute lalo na't napakalayo. Lalo ngayong may nagtatangka sa buhay ko. Feeling ko tuloy isa akong Presidente na may death threats.
Pagdating sa bahay ay napataas ang kilay ko nang makitang nakaparada 'yong sasakyan ni Uncle sa harap.
Himala at umuwi na siya.
Agad ko silang nakita sa may living room. Naka kalong ang dalawa habang hindi nila namalayang naka-idlip na pala si Uncle. Napa-iling na lang ako at naglakad palapit sa kanila. Ngunit maya-maya lang ay nagmulat ng mata ang matanda.
"Dumating ka na pala," wika nito at umayos ng upo.
Tumango ako. "Ikaw. Umuwi ka na pala," saad ko na may bahid ng panunuya.
Bahagya itong natawa at may ibinulong na kung ano ngunit hindi umabot sa'king tenga. "Kain na tayo," aya niya sa bata at tumayo na, hinawakan niya rin ang kamay n'ong dalawang bata.
"Mauna na kayo. Kumain na kasi ako kanina," sambit ko at bahagyang nginitian ang kambal.
"Hi, ate!" bati sa'kin ng dalawa at tumakbo payakap sa'kin.
Natawa naman ako. "Miss you, guys," bulong ko.
Tumango lang si Uncle at nilampasan na ako, pinasunod ko na rin ang dalawa para makakain na sila. Umakyat na rin ako para maligo at makapagpahinga.
Tulala ako kung saan habang naka-upo sa harapan ng underground. Kanina pa ako rito nakatambay dahil ayaw kong pumasok sa loob. Para akong na-susuffocate dahilan kaya hindi ako makahinga. Mas mabuti na lang dito. Fresh ang hangin at hindi pa ako ma-babadtrip.
Nakaka-umay kasi. Wala na ba kasi silang ibang lugar na puwedeng puntahan? Bakit kasi dito pa. Aaw-araw ay lagi ko silang nakikita kung saang sulok ng underground. Nakaka-asar. Parang gusto ko na lang umalis dito, tutal wala na rin naman akong ginagawa rito.
Mabilis akong napatango. Tama! Siguro ito na ang tamang oras para magbagong buhay. Pero napatigil ako nang maalalang nanganganib pala ang aking buhay. Wala sa sariling napanguso at bumuntonghininga. Gusto ko nang matapos 'to.
Habang ine-enjoy kong naka-upo roon ng mag-isa ay biglang may umupo sa tabi ko. Napangiti ako nang magtama ang paningin namin.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ng mala-anghel nitong boses. Kahit kailan talaga napakaganda ni Shannon!
"Naka-upo. 'Di joke lang. Nag-iisip lang ng kung ano," sagot ko at muling binalik ang paningin sa mga halaman.
"Sus! Alam ko namang tungkol kay Joaquin 'yan," sambit nito na nang-eetchos. Napalingon ako sa kaniya at nagkunot-noo.
"'Di mo sure." At natawa ako.
Bumuntonghininga siya at sumeryoso ang mukha. "Bakit kasi hindi mo pa sabihin?"
"Sabihin ang ano?" nahihirapan kong saad. Bakit kasi binibitin pa?
"Ang nararamdaman mo kay Joaq! Ano pa ba?" medyo iritado nitong saad at halatang nahihirapan sa'kin.
"Huwag mo na lang akong problemahin, Shan. Baka magka-wrinkles ka pa," ani ko at ngumisi.
Napapikit naman ako nang kurutin niya ako sa tagiliran. "Aww."
BINABASA MO ANG
The Gamble (COMPLETED)
RomanceILLEGAL SERIES #1 In order to capture the enemy, you should target the weakest point, which is the daughter.