Chapter 39

35 1 0
                                    

Tinulak ko pasara ang pintuan ng kotse at deretsong naglakad patungo sa elevator ng parking ground. Humakbang ako papasok at pagharap ko sa pintuan ng elevator ay naagaw ng atensyon ko ang lalaking naglalakad patungo sa'king direksyon.

Pasara na ang pintuan ngunit mabilis niya itong hinawakan kaya bumukas ulit. Bahagya akong umusod sa sulok nang pumasok ang lalaki. Tinapunan ko ito ng tingin ngunit walang emosyon ang mukha, naka all black din ang attire. Malamang secret agent din.

Humalukipkip ako at napatitig sa maliit na screen kung saan nakikita kung anong floor na.

"Yadah, right?" sambit nito kaya awtomatiko akong napalingon sa kaniya. Ngunit hindi siya lumingon sa'kin.

"Yes. I am."

Ibinulsa nito ang kaniyang dalawang kamay at napatingala. Nang tumingala siya ay mas lalong humubog ang perpekto nitong panga at mas nadepina ang matangos nitong ilong. Medyo moreno, maganda ang pangangatawan at matangkad.

"Who are you?" halos pabulong kong tanong.

"Trade, Shannon's friend," sagot nito kaya bahagyang lumuwa ang mata ko.

"Working here?" tanong ko ngunit tipid itong umiling.

"Nope. I'm just visiting a friend."

Napatango na lang ako. "I see." Humalukipkip ako at napasandal sa elevator.

"Have a nice day," saad ko bago lumabas ng elevator.

Dumeretso ako sa office ni Luna at pagbukas ko ng pintuan ay namataan ko siyang nakatayo sa veranda.

"Luna." Naglakad ako palapit sa kaniya.

"Your phone?" bungad nitong tanong sa'kin.

"Tinapon ko na," sagot ko at napasandal sa pader 'tsaka humalukipkip.

"Good." Nilampasan niya ako at pumasok sa loob.

Kunot-noo ko siyang sinundan ng tingin. There's something different, weird.

"Bakit hindi mo ako pinatuloy doon?" tanong ko.

Umupo ito sa ibabaw ng kaniyang mesa at seryosong napatingin sa'kin. "It's dangerous at natunugan niyang may nagmamatiyag sa kaniya. We already gathered some evidence and yeah. He's a drug lord. Nasa Tondo mismo ang kaniyang lab," she said.

Napataas ang kilay ko. "Well... okay." Pilit akong ngumiti at napayuko.

Again, I felt sorry for Hailey.

Umangat ang tingin ko sa pintuan nang may kumatok at bumukas ito.

"Excuse me, Ma'am Luna. May bisita po kayo," saad ng babaeng assistant ni Luna.

Nilingon ako ni Luna. "Stay here," she said kaya tumango ako at pinanood ko siyang maglakad palabas ng pintuan.

Deretso akong tumayo nang maka-alis na siya. Naglakad ako palapit sa kaniyang mesa at akmang magtutungo na ako sa couch nang maagaw ng pansin ko ang mga folrder na naka kalat sa ibabaw ng kaniyang mesa.

Lahat ng folder ay black pero iisa ang kakaiba, red ang kulay nito. Napakagat ako sa'king labi at bigla akong na-curious kung ano ang laman n'on at bakit iyon ang kakaiba sa lahat. Lumingon muna ako sa pintuan bago mabilis na kinuha ang pulang folder.

I flip the cover and ang front page ang bumungad, at may nakalagay na pangalan.

"Akiero Kieran Figuerres," basa ko. 

And when I flip the paper sumunod ang isang papel na parang resume kung saan nakalagay roon ang lahat ng informations pero napatigil ako nang dumapo ang aking paningin sa taas ng gilid ng papel, kung saan nakadikit ang picture ng lalaki.

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon