"Sigurado ka bang ayaw mong pumasok? Lumalakas na naman 'yong ulan, oh."
Nandito na kami sa bahay at pinipilit kong pumasok muna. Hindi ko naman siya papayagang umalis na lang dahil malakas pa ang ulan. Baka kung ano pa ang mangyari sa lalaking 'to.
Napabuga siya ng hangin. At halos mapapalakpak ako nang dahan-dahan siyang tumango. "Tara na sa loob!"
Hinatak ko na siya at tumatakbo kami sa ilalim ng ulan, hindi ko rin namalayan na nakangiti na pala ako sa buong minuto. Para kaming basang sisiw nang makatapak kami sa loob. Hinihingal pa ako dahil sobrang layo ng gate.
"Sir nandito na po sila!" biglang sigaw no'ng babaeng helper. Nagulat pa ako sa bigla niyang pagsigaw. Napangiwi na lang ako.
Napa-angat naman ako ng tingin nang makita si Boss na pababa ng hagdan habang buhat-buhat ang kambal. Nangunot ang noo nito habang pinagmamasdan kaming dalawa ni Joaquin.
"Bakit kayo naligo sa ulan? Tsh. Magpalit na kayo baka magkasakit pa kayo!" aniya at deretsong naglakad baba.
Ngumiti naman ako at kinawayan ang dalawa na abalang pinaglalaruan ang buhok ni Boss. Ni hindi man lang nila ako pinansin. Tss. Laylay ang balikat kong naglakad patungong hagdanan at napatigil ako nang maalala si Joaq.
Agad kong nilingon iyong helper na grabe kung makatigtig sa mukha ni Joaq. Paano ba naman kasi? Basa ang buhok niya tapos may effect pa na may tumutulong tubig doon. 'Yong kahit basang-basa na siya pero ang guwapo niya pa rin. Nakaka-inis lang!
"Hoy manang! Pakisamahan na lang siya sa bakanteng kuwarto at bigyan ng damit. Samahan mo lang ha?" madiin kong saad at plastic na ngumiti. Tumango naman siya. "Salamat!"
Liningon ko naman ang lalaking habang abalang nililibot ang paningin sa buong bahay. "Sumunod ka na lang kay manang ha?" Tumango ito kaya nginitian ko siya at madaling umakyat para makapagpalit na. Nilalamig na rin ako.
Nang makababa ako ay nasa hapag na ang lahat. Tahimik akong umupo sa tabi ni Joaq habang abala pa rin sa kung ano ang nilalaro ng dalawa. Kumunot ang noo ko at inagaw ang kanilang atensyon ko.
"Ano 'yan?"
Napatingin sila sa'kin ngunit mabilis lang dahil binalik nilang ang atensyon sa nilala. "Tablet po, ate. Bigay ni Papa," sagot ni Dani.
Umawang naman ang aking labi. Agad akong napatingin kay Boss na patay malisya lang. Bahagya ko siyang sinmaan ng tingin.
"Bakit mo sila binigyan ng gadget? Mamaya maadik pa ang mga 'yan, isa pa. Wala akong pambayad sa mga 'yan," iritado kong sambit. "Tapos ano? Papa?" panunuya ko.
"Well, wala naman akong sinabing bayaran mo. Kusa kong binigay at gusto ko rin magkaroon ng anak-anakan kahit pangmadalian lang. You know, I don't have family," seryoso niyang ani kaya natikom ko ang bibig ko.
Nagbaba ako ng tingin sa platong nasa harap ko. Napalingon naman ako kay Joaq na naa-out of place na yata. Tumikhim ako.
"Let's eat," saad ko.
Nang matapos kumain ay dumeretso na taas ang dalawang bata para mag-ayos at matulog na habang naiwan naman kaming tatlo rito.
"Yadah almost die earlier," basag ni Joaq sa katahimikan. Nanlaki pa ang mata ko dahil hindi ko naman akalain na sasabihin niya pa iyon kay Dether.
"What?" gulat na tanong ni Dether sabay tingin sa'kin. Nagbaba naman ako ng tingin.
"Yeah. Someone pushed her on that rooftop. Pero hindi namin nakita kung sino, but we found something." At ipinakita niya iyong eyeglass na nakita namin kanina.
BINABASA MO ANG
The Gamble (COMPLETED)
RomansaILLEGAL SERIES #1 In order to capture the enemy, you should target the weakest point, which is the daughter.