Chapter 49

25 0 0
                                    

Halos hindi ako nakatulog kaka-isip sa singsing, at medyo malabong mahanap ko pa 'yon dahil iniwan ko sa mismong sink ng hospital. Baka may nakapulot na. I don't know how to explain this to Joaquin, I'm scared 'cause I'm guilty. I gulped the lamp on my throat and made my way down to stair.

Isinukbit ko ang backpack sa aking balikat at napatigil nang makita ang likuran nito. Napaka-pormal ng attire 'cause he's wearing his Police Uniform! Habang sa isang kamay nito ay hawak ang Poice cap. Unti-unti siyang humarap sa'kin. Napaawang naman ang labi ko.

Naka-brush up ang hair at guwapong-guwapo ang mukha! Bakit mas lalo siyang gumwapo? I cleared my throat.

"Good morning, sir," I formally greeted him.

"Good morning, Dr. Cervantes," he greeted me back but there's not a hint of humor.

I forced a smile. "Let's go?"

And he lead our way to the garage. Tumaas ang kilay ko nang tumunog ang isang black Lincoln, iba 'to sa ginamit niya 'nong papunta kami rito. And I realized he have five cars na nakaparada pa sa likod. Sarkastiko akong ngumisi. Yaman!

Umupo ako sa shotgun seat at sinukbit ang seatbelt. Nilingon niya pa ako para i-check bago i-start ang makina ng sasakyan.

"Where should I drop you?" tanong nito.

Kumurap ako. "Sa bahay na lang if okay lang sa'yo," I said because I'm not in my usually attire and I have duty.

Kinuha ko lang kasi ang damit na 'to sa cabinet doon, at kasiyang-kasiya sa'kin. Napapa-isip tuloy ako if may babae siyang inuuwi roon. Bahagya akong napanguso.

"I don't mind, it's okay." Sinulyapan niya ako at tipid na ngumiti.

"Are you sure? Anong oras ba duty mo?"

"8 am."

Nanlaki ang mata ko. " 7 na! Magbyabyahe pa tayo, malalate ka." At umilng-iling ako. "Ibaba mo na lang ako sa Makati, commute na lang ako pauwi sa bahay," saad ko at ngumiti.

Hindi siya umimik kaya kumunot ang noo ko. Kasi kapag tumahimik siya, ipipilit niya 'yong gusto niya.

"Joaquin," may bahid ng banta ang aking tono kaya sinulyapan niya ako.

Hindi pa rin siya umimik kaya tumahimik na rin ako baka ma-badtrip at malukot pa ang uniform niyang plantsado. Hanggang sa malapit na kami sa Makati.

"Please, ibaba mo na ako rito. Malalate ka!"

Mas binilisan niya ang speed ng sasakyan kaya nalaglag ang panga ko. The heck?! Pinipilit ko siyang ibaba na lang ako roon pero parang wala siyang naririnig, until nakalagpas na at sa isang iglap ay nasa tapat na kami ng bahay namin.

I glared at him. "Bakit mo pa ako hinatid dito? Eh, late ka na. Monday pa naman ngayon!" reklamo ko.

"Ano ba 'yong sinabi ko? I don't care about my job and the only I cared about is you. Understood?" seryoso nitong saad kaya bahagya akong napa-irap.

"Hindi naman ako mapapahamak if nag-commute ako."

"Still! What if may nangyaring masama sa'yo? Especially that crazy neurosurgeon is a threat," inis nitong saad habang kunot na kunot ang noo.

"I thought he's in jail?"

"Yes, but we can't be sure about that."

I sighed and unbuckled my seatbelt. "Thank you. Ingat ka papuntang QC!" pasigaw kong saad.

"I will."

Bumaba na ako at bahagyang kumaway bago patakbong pumasok sa bahay. Eksakto namang nakasalubong ko ang aking ama.

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon