Chapter 45

28 0 0
                                        

Hindi ko man lang nasulit ang day off ko kasi halos natulog lang ako nang buong araw. At paggising ko duty ko na naman. 24 hours na naman akong nakamulat nito.

And until now hindi pa rin umuuwi ang parents ko. Hindi ko alam kung saang bansa na sila napadpad. I sighed, na-iinggit ako! Sila nag-rerelax, while I'm here at the hospital working and stressing myself out. Well, this is what I want.

Napangiwi ako at nag-drive na patungo sa hospital.

"Good morning, Dr. Cervantes," nakangiting bati sa'kin ng guard.

"Morning po!" At inilapag ko ang isang sandwish sa mesa, sobra 'yan sa bahay.

"Naku, nag-abala pa po kayo," nahihiyang saad nito.

Nnapangiti ako. "No problem po." Kinindatan ko siya at naglakad na ako papasok, kusa namang bumukas ang glass door.

Umaga pa lang ay marami nang nurse ang gumagala para i-check ang mga pasyente, gan'on din ang mga doctor. Ganito lagi ang nakikita ko, hindi naman nakakasawa at boring kasi iba't ibang tao ang nakakasalubong ko. Unlike my old life, kulang na lang magtago ako. Bawat taong nakakasalubong ko ay nginingitian ko to lift up their day kahit papa'no.

Deretso ako sa staff room para ilagay ang gamit at minsan lang ako makabalik dito dahil napakaraming pasyente na i-check. Buti nga may mga nurse na nag-aassisst para kunti lang ang trabaho. Minsan lang din ako magkaroon ng surgery and nag-aassisst lang ako minsan.

After an hour may sinugod sa ER kaya medyo na-alert kami pero manganganak lang pala, bahala na ang Obstretician doon.

Lumabas ako ng staff room habang hawak ng isa kong kamay ang tumbler. Walang laman 'yong water despencer sa loob kaya deretso ako sa cafeteria. Pero napatigil ako nang madaan ko ang Delivery Room.

Nanliit ang mata ko habang sinusundan ng tingin ang lalaking hindi mapakali at pabalik-balik na naglalakad sa labas ng delivery room. Bahagya akong lumapit at napataas ang kilay ko nang makilala ang lalaking 'to. Napangiti.

"Psst." Tawag pansin ko rito pero mukhang preoccupied ang utak ng lalaki. "Calm down, sir," saad ko at doon niya lang ako napansin.

Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha pero nagbago iyon at napalitan nang gulat nang makita ako.

"What's going on?" seryoso kong tanong.

He parted his lips. "Y-Yadah?" mahina nitong bigkas.

Ngumiti lang ako.

"Shit!" Bulalas nito at nabigla ako nang mabilis niya akong niyakap.

"Easy, bro!" natatawa kong saad.

Humiwalay siya sa'kin at matagal akong tinitigan sa mukha. "Ang laki nang pinagbago mo..." mangha nitong saad.

I shrug. "Ikaw rin, tumanda 'yong mukha mo. Super stress ka yata?" biro ko.

Natatawa siyang bumuntonghininga. "Well, it's hard to bear a pregnant woman," aniya kaya napa-awang ang labi.

"Hailey?"

Tumango siya.

Bumilog ang labi ko at napangiti. "Oh my god! Congrats!" masaya kong saad at niyugyog ang kaniyang balikat.

Natawa siya at napatingin sa pintuan ng delivery room. "And now, she's inside, giving birth to our first child in this wolrd," he said and smiled sweetly.

"Gagi. Isa ka nang ganap na ama."

"Yeah, and they are the greatest gift from above."

Napangiti ako at sumang-ayon sa kaniyang sinabi. "Congrats ulit! Ninang ako, ha?"

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon