"W-Who a-are y-you?" usal nito na ikinanuot ng aking noo.
"H-Ha? Ako 'to si Y-Yadah." Napalunok ako at biglang kinabahan. Titig na titig lang ako sa kaniya. "H-Hindi mo ba ako nakikilala?" kinakabahan kong tanong.
Napakurap ito at mabagal na umiling. Nanghina naman ang aking tuhod at tuluyang na-upo sa upuan.
"I d-don't k-know you. Sino ka?"
Umawang ang aking labi at parang baliw na tumawa. "Nagbibiro ka ba? Kung joke 'yan hindi nakakatuwa," saad ko at ang kaninang tawa ay napalitan ng garalgal. Napalunok ako.
Umiling-iling siya. "Sorry miss pero hindi kita kilala. And where I am?" tanong nito at inilibot ang paningin sa buong kuwarto.
Tigalgal lang akong nakatulala sa kaniya. Nagbibiro ba siya? "Ravi, hindi mo talaga ako kilala? Ako 'to si Yana Dahlia Cervantes..." sabi ko at mapait na ngumiti.
Kumunot ang noo niya. "I really don't know you. Wala rin akong maalala kung bakit ako nandito. Argh!"
At napatayo ako nang mapahawak ito sa kaniyang ulo. Ang mukha ay halatang nahihirapan dahil sakit.
"Saglit lang... tatawag ako ng Doctor!" sigaw ako at halos lumipad na ako palabas ng kuwarto. Eksakto namang paglabas ko ay nakita ko agad ang likod ng nurse sa hallway. Tinawag ko ito at agad sinabi sa kaniyang gising na ang pasyente.
Mga ilang minuto lang ay sumugod na ang Doctor at nurse sa kuwarto ni Ravi. Nasa labas lang ako habang kinakabahan at nananalangin na nagbibiro lang si Ravi. Bumuntonghininga ako at eksakto naman ang paglabas ng Doctor.
"Excuse me, are you Mr. Ruyuji's relative?" tanong ng lalaking Doctor.
Tipid naman akong tumango. "O-Opo."
"I'm sorry to tell you but he's having a selective amnesia. Hindi niya maalala ang mga nangyari noong nakaraang buwan at ang naaalala niya lang ay noong September pa," saad nito at malungkot ang mukha.
"G-Ganoon po ba? Babalik pa rin po ba ang ala-ala niya?" garalgal kong tanong at napalunok para pigilan ang muling pagluha.
"Of course. Kahit walang treatment ay babalik din pero mas mapapadali kung iinom siya ng gamot at i-checheck siya ng psychologist." Ngumiti siya.
Nakahinga naman ako nang malalim. "Buti naman po. Salamat, Doc!"
Nagpaalam na ang Doctor at kailangan niyang ipa-check up ngayon sa psychologist. Sinamahan ko siya kahit hindi niya ako maaalala, kahit wala siyang kamalay-malay kung sino ang taong nasa tabi niya. Masakit... pero naniniwala naman akong babalik ang ala-ala niya. Maaalala niya ako!
Tutulungan ko siyang maka-alala. Ikwe-kwento ko lahat ang lahat maalala niya lang kahit kaunting detalye. Hindi ako aalis sa tabi niya dahil kailangan niya ako.
"Don't worry, Ravi. Ako naman ngayon ang masasandalan mo," bulong ko habang pinagmamasdan ang natutulog niyang mukha. Umangat ang tingin ko sa wall clock bumuntonghininga ako. 10pm, oras na para umuwi.
"Uwi na ako. Babalik ako bukas," mahina kong bulong at magaang dinampian ng halik ang noo nito.
Sa harap ng hospital ay nakatayo ako habang naghihintay ng mamaskyan. Maya-maya lang ay tumigil na naman ang pamilyar na sasakyan. 3 days straight na itong laging sumusulpot kapag pauwi na ako. Nagmartsa ako palapit at pumasok na.
"Bakit lagi kang sumusulpot?" tanong ko.
"Ayaw mo n'on? May maghahatid sa'yo pa-uwi."
Yeah. Sa ganitong oras ay wala na kasing sasakyan ang dumadaan. Lalo na't malayo ang kinatitirikan ng bahay ni Uncle. Nag-seatbeelt na ako at humalukipkip.
BINABASA MO ANG
The Gamble (COMPLETED)
RomanceILLEGAL SERIES #1 In order to capture the enemy, you should target the weakest point, which is the daughter.