Chapter 32

40 2 0
                                        

Nakakabinging sirena ng pulis, ambulansya at firetruck ang aking narinig. Palapit na sila. Napatingin ako sa'king pulsuhan nang hawakan iyon ni Joaquin.

"We need to move," bulong nito.

Binalingan ko ng tingin si Ravi na nanatili pa ring nakaluhod sa'king harapan. "Huwag kang aalis dito," sambit ko at dahan-dahan naman siyang tumango.

"I'm sorry, Yadah... and thank you 'cause you saved my life. Promise, magbabagong buhay na ako at pagbabayaran ko ang kasalanan ko sa loob ng kulungan," seryoso niyang wika at hindi nakaligtas sa'king paningin ang pa-agos ng luha sa gilid ng mata nito.

Walang buhay ko siyang tinitigan. "Ngunit kapag nabalitaan kong tumakas ka. Asahan mong ako na ang tatapos sa iyong buhay. Itaga mo iyan sa utak mo at huwag mong kakalimutan," madiin kong sabi at tinalikuran siya.

Ngunit hindi pa man ako nakakalayo nang manlambot ang aking tuhod at muli kong naramdaman ang kirot sa'king binti. Napangiwi ako at napapikit. Napadaing ako nang akma akong tatayo pero dahil sa nanghihina na ako ay hindi ko na nakaya ngunit buti na lang ay may brasong sumalo sa'king braso at sa'king bewang.

At hindi pa man ako nakakapagsalita nang umangat na ako sa ere at nasa bisig niya na ako. Bumuntonghininga ako at pinikit ang mata habang hinahabol ang hininga. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod at panghihina.

"Yadah, namumutla ka na. Kailangan nating pumunta sa hospital!" nag-aalalang saad ni Joaquin at kasabay no'n ang pag-alog ko dahil tumatakbo na siya.

Maya-maya lang ay nakarinig ako ng makina ng sasakyan kaya iminulat ko ang aking matang nanghihina. Si Uncle Dether. Pilit akong ngumiti kahit nanlalabo na ang aking paningin. Naramdaman kong pinasok niya ako sa loob ng sasakyan.

"Dalhin mo siya sa hospital. Babalikan ko lang si Ravi para hindi makatakas. Susunod ako!"

Iyon ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.



Hindi ko alam kung ilang araw akong tulog, pero ang alam ko ay bumalik na ulit ang lakas sa'king katawan. Iminulat ko ang aking mata at puting kisame ang sumalubong sa'kin, napakurap ako at inilibot ang paningin sa buong kuwarto. Tama nga ang hinala ko, nasa hospital ako.

Napalingon ako sa'king gilid nang may mahagip akong bulto ng katawan doon. Umawang ang aking labi.

Nakayuko ang lalaki habang ang dalawang kamay ay naka-ekis sa tapat ng kaniyang dibdib. Tila mahimbing ang kaniyang tulog, napagod siguro. Tipid akong ngumiti at hindi na siya ginising. Ngunit agad akong napalingon sa'king kaliwa nang may tumikhim.

"Tatlong araw 'yang nasa tabi mo at ayaw umalis," nakangising saad ni Uncle.

Uminit naman ang aking magkabilang pisngi. So tatlong araw pala akong tulog kaya naman pala napagod ang isang 'to.

"How are you?" seryoso nitong tanong.

Napahinga naman ako nang malalim. "Okay na ang katawan ko pero masakit pa rin 'to." Sabay turo sa'king dibdib kung nasaan ang aking puso.

Napa-irap naman siya kaya natawa ako.

Pero totoo. Parang hindi pa rin nag-sisink in ang mga nangyari. Masyadong hindi kapani-paniwala.

"Matatanggap mo rin 'yan. Anyway, nakakulong na siya at inamin niya lahat sa pulis. Pati na rin sa pagpatay niya sa anak ng drug lord."

"Tama nga kayo."

"Yup. At gusto niyang ikaw ang mapagbintangan at madiinin sa kasong iyon, pero mabuti na lang at matalino ako," sabi nito at mayabang ngumiti.

"Excuse me? Ako kaya ang lumutas n'on."

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon