Chapter 28

34 4 0
                                    

"K-Kumusta naman po ang kalagayan niya ngayon?" tanong ko sa nurse.

"Stable na po ang heart rate niya at umaasa rin po kaming magigising na siya this week," saad nito at ngumiti. Ngiting pampagaan ng loob.

Para naman akong nabunutan ng tinik sa lalamunan sa sinabi ng nurse. "Thanks, God..."

Nagpaalam na rin ang nurse kaya naiwan na akong mag-isa rito. Suminghap ako ng hangin bago tuluyang humakbang palapit sa katawan ng lalaki. Napalunok ako habang pinagmamasdan ang kaniyang mukha.

Halos hindi ko na siya mamukhaan... kumirot ang puso ko at kasabay n'on ang panunubig ng aking mata. Nakakaramdam ako ng awa para sa kaniya. Ang bait niya kayang tao...

Kumuyom ang kamao ko. Hindi ko naniniwalang magagawa niya iyon. Wala sa mukha niyang gumawa ng masama. Sigurado akong inosente siya at walang kasalanan! Naniniwala ako sa kaniya.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa'king pisngi at umupo sa upuang nasa gilid ng kama. Kinapa ko ang kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit.

"R-Ravi... gumising ka na, please."

Kaya naman pala hindi siya nagpaparamdam dahil nakaratay siya rito sa hospital. Kaya naman pala walang sumasagot sa tawag ko dahil natutulog siya nang mahimbing. Suminghot ako.

Pinanood ko ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib. "S-Sorry," usal ko at hindi ko rin alam kung bakit humihingi ako ng tawad.

Siguro dahil alam ko kung sino ang may gawa sa kaniya nito? Mahirap tanggapin pero ang tanging nararamdaman ko ngayon ay awa para kay Ravi at galit para kay Uncle at Joaquin. Alam kong silang dalawa ang may pakana nito.

May ebidensya ba silang siya ang may gawa nito kaya pinahirapan nila siya ng ganito at binugbog? HIndi man lang sila naawa... kasi ako oo, awang-awa. Wala siyang magulang na matatakbuhan.

Hindi ko alam pero iyak lang ako ng iyak sa tabi niya. Mahigpit ang hawak ko sa kamay niya habang nakasubsob ako roon. Bumibigat na rin ang talukap ng aking mata at nakaramdam ako ng pagod. Marahil napagod sa pag-iyak.

Ang nurse ang gumising sa'kin dahil i-checheck daw nila ang kalagayan ni Ravi. Napatingin ako sa wall clock at nanlaki ang mata ko nang 7pm na pala. Tumayo na ako at nagpaalam sa natutulog na si Ravi, kahit alam kong hindi naman ako nito naririnig.

Mapait akong ngumiti bago ako maglakad palabas ng kuwarto. Mabibigat ang hakbang ko habang ang ulo at balikat ko ay laylay. Wala akong lakas lalo na't malaman kong ang dalawang taong importante sa'king buhay ay nasa hospital.

Bumuga ako ng hangin. Babalik ako rito at wala akong paki-alam kung pagalitan ako ni Uncle. Galit ako sa kaniya!

Habang naghihintay ng masasakyan ay isang hindi pamilyar na kotse ang tumigil sa'king harapan. Kunot ang noo ko habang matalim ang tingin sa bintana na hinihintay na bumaba. Nang makita ang tao sa loob ay imbes na magulat ay kumulo lang ang dugo ko.

"Get in," saad nito.

Nanatili pa rin ang matalim kong tingin sa kaniya at wala sa sariling pumasok sa loob.

"Why are you here?"

"Ikaw dapat ang tanungin ko. Bakit ka nandito?" seryoso ngunit may bahid na inis kong tanong.

Hindi siya sumagot kaya nagtiim ang bagang ko.

"Sinusundan mo ba ako o may dinalaw ka lang dito?" sarkastiko kong saad. "Ako kasi dinalaw ko ang kaibigan ko. Si Acid," madiin kong dagdag.

Hindi siya kumibo at pinili na lang siyang manahimik. Napa-irap ako sa kawalan at humalukipkip. Hindi ko nga namalayan na nakarating na pala kami sa bahay. Basta bumaba na lang ako at mabigat ang paang nagmartsa papasok ng bahay.

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon